KABANATA 29

22 6 0
                                    

"O panaginip, ano ang iyong pinupunto
Bakit pagpapaalam ng magulang ang itinuturo
Talaga bang pangitain na ito
Sana'y panaginip lang at hindi ito magkatotoo"

"Hey...please..look I'm really really sorry..", sambit ko ng nakasimangot. I'm just carried away by his sadness.

Niyakap niya ko pabalik pero alam kong malungkot padin siya. Bakit ba kasi?

"I'm so sorry Brianna...", sambit nito. Is that a big deal? Why he keep on apologizing?

"It's alright...let's be fun..don't be sad na..unless you have a problem? What is it?", nag-aalala kong tanong.

"No..no..no, nothing..I'm..I'm fine..", nauutal niyang sambit. Argh I feel bad for Nathan. I know he's lying.

Binigyan niya ako ng fake smile to assure me that he's fine, but suddenly I'm not convinced that he was.

"Tara kain tayo?", binigyan ko siya ng isang malaking ngiti to cheer him up.

A choice of grilled liempo, bangus, blue marlin, pork chop, chicken breast, chicken thigh, barbecue sticks with eat all you can rice and free soup. Inupgrade namin ang food sa eat all you can Filipino buffet with dessert and bottomless ice tea. Since alam ko namang need ng foods to relieves Nathan's stress.

Pagkarating namin ay umupo na agad kami at inihain na ang aming pagkain.

Sinet ko ang camera sa harap namin. Tagal ko ng nagvavlog pero natigil nung tinamad na ko. Kaya pinabayaan ko nalang si Ynnah ang vlogger sa tropa. Btw, don't forget to subscribe her at fabulouslYnnah. Follow me also at sabncounters.

"Sab...Sab...Sab...Sab-", pinutol ni Nathan ang sasabihin ko.

"Sabruhanna!", sigaw ni Nathan kaya nahampas ko siya.

"Behave, gumagawa ako ng intro", gigil kong sambit sakanya.

"Sab...Sab...Sab...Sabrianna's vlog!", hinawi ko ang hangin with my hands left to right at isinabay ang ulo ko. Pinilit ko rin na gawin iyon ni Nathan.

"Brianna, mas maganda kapag Sabruhanna", pagpupumilit ni Nathan. Sinamaan ko siyang ng tingin kaya humagikgik siya sa tabi ko.

"Welcome again to sabncounters! Samahan nyo ulit kaming ienjoy ang panibagong encounters at experiences! So for tonight's vlog, I'm with my boybestfriend here at Boracay! and we will do the mukbang challenge!", intro ko sa aking vlog.

Dumudukot na agad si Nathan ng barbecue at sinusubo ito. Hinampas ko tuloy sya agad. "Nathan! Imo-montage pa natin!", irita kong sambit sakanya. Itinaas niya tuloy parehas ang kamay niya at umaktong hinuhuli ng pulis. Mayghad how naughty this man is.
Pagkatapos naming imontage ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain ni Nathan. Napatingin siya sakin at tumawa ng makita kung gaano ako kalakas kumain. What the fudge! Sasagadin ko na ngayon, once in a lifetime lang to e! I mean, this feeling. Ang saya ko ngayon! Pero di ko parin maalis sa isip ko na sana kasmaa ko din ang pamilya ko dito. Ngumiti din ako kay Nathan ng sobra. Good thing, his smiles and laughs are true compare sa kanina. Habang kinakain na namin isa isa, ay isa isa rin namin pinapakilala ang mga pagkain.

"Brianna..", sambit nito na nakakakaba.

"Yes? What is it? Break na kayo ni Ynnah? Kaya ka malungkot?", nataranta kong sagot kaya nailabas ko na din ang kanina ko pang kinikimkim na tanong. Fudge bakit ko ba binanggit ang pangalan ni Ynnah? I'll edit nalang.

"Baliw!", inirapan niya ko sabay tawa.

"Ah you're gay..", sambit ko na wlaang pagaalinlangan."I can sense it naman, it's fine"

"Anong sinasabi mo?", nakakunot nitong sambit at tinawanan na din ako at tinuturo na ngayon ang mukha ko. Narealize ko na may kanin sa taas ng ilong ko. Agad ko inalis ang kanin sa ibabaw ng ilong ko.

"Kaya ka ba natawa? Hmp?", naaasar kong tanong. Tumawa siya at tumango.

Nalimutan ko ng nagba-vlog kami kaya naging atittude ako.

"Guys! Unsubscribe niyo na si sabncounters, as you can see she's attitude oh", pang-aasar sakin ni Nathan at saka inihaharap ang mukha ko sa camera.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad kami sa seashore. Kahit gabi na ay makikita mo ang ganda ng beach. Ang hampas ng alon na kumikiliti sa aking tenga, ay simoy ng hangin na kay sarap yakapin, ang mga makukulay na palamuting nakasabit sa mga puno ng niyog. Mga torchlight na nakatayo sa paligid na nagsisilbing ilaw. Mga ekspertong naglalaro ng apoy na nagbibigay aliw sa mga tao.

I admire how calm and beautiful this place is. I hope kasama ko si Mom para naman makapagrelax sila from the tiring job.

Nagpalipas kami ng natitirang oras ng gabi sa tabi ng dalampasigan at ng isang bonfire. Pinagkwentuhan namin ang mga what ifs, pati na ang gusto naming future. It's nice. Ang dami palang gustong maachieve ni Nathan someday. He wants to become a civil engineer and aside from that he also wants to enter a lawschool after he became a successful engineer.

Ako naman ay ipagpapatuloy ang pangarap namin ni kuya, ang pagdodoctor. Kung hindi papalarin, siguro magiging pasyente nalang ako. Just kidding! HAHAHA

Gusto kong makatulong sa mga nangangailangang pamilya. I'd rather build a clinic that is free to cure less priveleged people someday. Marami akong gustong marating. Sana someday makuha ko lahat ng pinapangarap ko.

Nang matapos kami magkwentuhan ay nagpasya na kaming pumunta sa room namin. 1am na kami nakatulog.

"Brianna..Brianna gising", paggising sakin ni Nathan. Pagkagising ko ay hindi na ko makahinga at ang blurred na ng mata ko. Naramdaman ko ang basa kong mukha at unan.

Bumabaon padin sa aking puso ang panginip ko. Akala ko totoong iniwan na ako nila mom. I saw mom and dad smiling at me. They hug me so tight and said "Brianna baby...don't stress yourself. Always take care of yourself also, don't do things that will hurt you. Hanggang dito nalang kami. We will meet again. We will reunite again as one family. Don't worry. You're still our favorite daughter. I love you and take care. Til we meet again my love.". They are now walking away from me. "Mom, Dad! It's obvious ako lang naman po ang anak nyong babae ee. Wait...where are you going both? Wait for me.", sambit ko sa kanila. Nakita ko si kuya na niyakap nila, nagpaalam sila sa akin at kumaway. Hawak na ngayon ni mom and dad ang kamay ni kuya. Nasa gitna si kuya. Sa isang liwanag ay pumasok sila. Biglang naglaho at naging mag-isa nalang ako.

Tila isang bangungot ang gumambala sa panaginip ko. Sana ayos lang sila mom and dad. Sana hindi sila napapahamak. Sana sagutin na nila ang tawag ko. Sana..sana..

"Nathan...can you get my phone? I need to call my parents right now..",  sambit ko kay Nathan habang pinupunasan ang luha na nanggaling sa aking mata.

"Brianna, I need to tell you something..", malungkot na sambit ni Nathan.

WHAT IF [COMPLETED]Where stories live. Discover now