7

18 3 0
                                    

ISANG BUWAN na nga lang pala, aalis na si Ma'am Fei sa room namin. Matatapos na ang pagiging practice teacher niya samin. Hindi pa nangyayari pero nakakalungkot isipin. Yung nakasanayan na naming makasama sa school, aalis na. Oo alam naman namin na pwede pa naman namin siya makasama. Lalabas kami ganon pero iba parin pag nasa school.


Ilang na araw ring namin tinatanong  siya kung posible bang magiging teacher namin siya next school year. Kinukulit namin siya na sana siya na lang ulit. Gusto namin siyang manatili. Tanging sagot niya lang ay ngiti at mukhang hindi alam ang isasagot sa mga tanong namin.



Maging ang teacher namin sa english ay tinanong namin kung pwede ba naming maging teacher si Ma'am Fei pag grade 9 na kami. Ang sagot niya lang ay posible pag naging lpt na siya ganon. Hindi ko na naintindihan ang kanyang sinabi dahil nagtanong na naman ang aking mga kaklase.


Kinulit na naman namin si Ma'am Fei na sana dito siya magturo sa paaralan namin.


"Bakit dito ba kayo hanggang 12th grade niyo?" Tanong niya samin habang iba iba ang direksyon ng upuan namin.

"Yes Ma'am"

"Opo Ma'am"

Yan ang sagot ng iba. Samantalang ako? Di ko alam ang isasagot. Balak kong lumipat pag senior highschool sa isang unibersidad.

"Hindi ko alam Ma'am"

"Lilipat ata yung iba Ma'am"

Patuloy na sagot nila.

"Yun naman pala eh, aalis din naman kayo. Ilang years na lang din naman ang hihintayin niyo." Ani Ma'am Fei.


Pwede naman kaming hindi lumipat basta ikaw yung magiging isa sa mga teacher namin sa mga taon na yon. Ilang years na lang yon pero madaming memories ang mabubuo dun. Gusto sana naming maging memorable ang highschool life namin kasama ka. Gusto namin pag tatahakin namin ang magandang daan ay dapat kasama ka. Gusto naming sumaya kahit sa paaralan lang pag kasama ka. Alam naming madami kang dapat pang gawin pero wala eh, yun yung nasa utak at puso namin.


You're always by our side whenever we have nothing to lean on. Almost all teachers doesn't care about us, they always care about the school and what others will say. All they know about our section is that we have no good manners, damb, stubborn, and other negative description.


While you, you're still there helping us. You're encouraging/ helping us to reach our dreams. Despite the people who's underestimating us, we're slowly improving and it is because of you. You helped us realized things without you knowing it. You never left us through ups and downs. You're like an angel given to us. You teach us how not to give up, that no matter how hard life is--- don't lose hope. Fighting lang!

PRACTICE TEACHERWhere stories live. Discover now