3

52 3 1
                                    

FRIDAY, syempre nasa school kami nyan. Nasa 2nd floor ang room namin , kami lang ang nag iisang grade 8 section na nasa taas kasama ang 2 rooms ng grade 9, 2 rooms ng grade 10 , Computer lab, at 2 cr sa magbilang dulo.

Dumiretso na ako agad sa line buti na lang hindi pa nagsisimula na ang flag ceremony, feeling ko first time akong maaga. Madalas kong naaabutan sa school tuwing pagpasok ko ng umaga ang magsisimulang flag ceremony. Ewan ko ang aga ko magising pero nalalate parin ako sa flag ceremony.

Di ko alam pero natutuwa ako kapag may nakikita akong classmate ko na nakasukbit ang bag sa balikat kakarating lang din nila siguro. Nagsimula ng magdasal ang naglead ng prayer sa may flag pole pero eto ako nakatingin sa malapit na covered walk sa line namin at pinipigilang tumawa dahil nakita ko ang isa sa mga kaibigan kong si Sunshine na tumatakbo papunta sa pwesto namin. Antagal siguro nito nagising.

Napansin ko sa may gilid na may binulong ang dati naming principal sa teacher namin at tumango naman ito. Sunod ay lumingon sa direksyon namin ang aming teacher at may isinenyas.

Nagstart na pala ang pagkanta ng Lupang Hinirang kaya tumingin na ako sa flag at inilagay sa dibdib ang kanang kamay. Pagkatapos ay panunumpa pero wala don ang iniisip ko kundi ang sinenyas ni Sir Eric.

Saka ko lang napagtanto na ang isinenyas niya ay ang magulo naming linya na laging hindi maayos. Tinignan ko ang mga classmates ko pati na rin ang katapat kong linya, ay jusko magulo nga parang zigzag na hindi ko alam. Maging ako ay nawala rin sa linya. Lagi kaming napagsasabihan na may sariling mundo daw ang section namin. Hanggang sa matapos ang flag ceremony ay hindi na naayos ang aming linya.

Marami kaming vacant period tuwing Biyernes. Umakyat na kami ng hagdanan papunta sa aming classroom dahil magsisimula na ang Science Subject namin.

Wala si Mrs. Agnes pero may ipinasulat siya sa board na kokopyahin namin. Nag ingay na naman ang buong classroom, may mga hindi nagsusulat karamihan boys at ang iba naman ay kaibigan ko. Pano ba naman kasi ang aga aga kaya tinatamad sila magsulat pati rin pala ako tinatamad kaso pinipilit ko lang magsulat para hindi ako mag rush pagdating ng checking of notes.

Wala kaming next subject kaya yung ingay kaninang first subject ay mas dumoble. Ang aga aga andami nang nagsisigawan kahit malapit lang ang kausap. May mga dati nang nag aayos ng mukha----salamin don, suklay dito, liptint don, polbo dito----- dahil recess na ang susunod. May mga nagsilabasan na malamang dumiretso na sila sa canteen kahit di pa time. May mga dumiretso sa basketball court. Syempre kami ng mga kaibigan ko asa likod lang nagdadaldalan pero yung isa si Estella nasa harapan humagalpak na sa tawa.

Routine na nga namin yon lagi eh. Kaya kami laging napapagalitan sa mga teachers dahil hanggang baba umaabot yung ingay namin.

Ilang minuto rin ang lumipas ng ayain ko si Sunshine lumabas para kumain. Hobby namin yon eh, labas kami labas sa room pag vacant. Kahit naman tuwing may subject nagpapaalam kami sa teacher na iihi, totoo namang iihi kami pero kadalasan trip lang namin lumabas, pupunta sa canteen, pagbalik sa room may dala ng pagkain hehe.

Naglakad kami sa may covered walk papunta sa canteen. Kahit sa labas ang daldal namin ni Sunshine tapos ang lakas pa ng tawa namin pero wala kaming pakealam sa mga tao sa paligid. Feeling nga namin kami lang dalawa meron dun pero ang totoo niyan andami ng tao dahil siguro vacant din ng ibang sections.

May nakasalubong kaming mga College students siguro. Mga babae at mga lalake. Napatingin ako sa babae sa gitna, napatigil ako sa pagtawa. Hindi katangkaran, mahaba ang buhok, may bangs, may salamin, bilugan ang mga mata, maganda, cute. Nakatingin siya samin kaya ngumiti kami at tumagilid para makadaan sila.

Siya yung lagi naming nakikita sa Canteen, sa registrar, sa may college building sa tuwing papunta kami sa may library or SHS building. Ewan ko ba pero pareho kaming napapatigil ni Sunshine sa tuwing nakakasalubong namin siya tapos titingin siya samin. Feeling ko ayaw niya sa maingay tapos para kaming naguguilty tas pumapasok sa isip na 'pumasok na kayo, wag kayo mag ingay dito'. HAHAHAHAHAH

Mabilis lang lumipas ang oras may sumunod kaming subject tapos larga na namin. First subject sa hapon ay vacant namin kaya nag ingay na naman ang classroom.

Paano idescribe ang room namin? Basurahan. Nagkalat ang kinainan kahit saang sulok ng silid. Andaming wrappers at bottles. Walang may pakialam kahit pa naapak apakan na wala paring nagboboluntaryong magpulot. May kanya kanya kaning mundo. Ah basta sa may parte naming magbabarkada walang kadumi dumi.

"Hoyyyyy! Magsi-ayos na kayo parating na si Ma'am TLE." Sigaw ng aming Class President pero walang nakinig

Hanggang sa pumasok na nga ang aming teacher magulo parin kami. Napahinto kami sa pag iingay at biglang inayos ang mga upuang iba iba na ang direksyon.

"Late na kayo sa lesson tapos ganito pa ang madadatnan ko! Ilang oras ang bakante niyo pero ang dumi dumi ng room niyo!?" Sigaw ni Mrs. Serrano pagkatapos ay nagwalk out dala dala ang chalkbox at libro.

Instead na malungkot kami dahil napagalitan kami mas lalong nagsaya dahil wala kaming lesson. Kanya kanyang yehey at sigaw dahil wala kaming lesson. Napatalon talon pa kami na parang nasa party.

Hindi na nga tuluyang pumasok si Mrs. Serrano sa room kaya inaya ko ulit lumabas si Sunshine ng room. Nasa may pintuan palang kami pero tumigil kami saglit.

Andaming nagsikalat at maingay na estudyante sa may corridor. Nakita na naman namin yung mga college student sa may 2nd floor. Pilit nilang sinisilip ang nga classrooms kahit andaming jhs students na bumabangga sa kanila. Napatingin ako doon sa babaeng nakita namin kanina. May hawak siyang book tila parang gustong lumapit sa classroom namin. Tumingin siya samin at ngumiti.

Hinila na ako ni Sunshine papunta sa may hagdanan palayo ron sa maingay na corridor. Nakarating na kami sa Canteen buti na lang may classmate kami dun sa may table kaya nakiupo na kami pagkatapos bumili ng pagkain.

Nagkukwentuhan sila pero ako lutang na lutang. Naiisip ko parin yung babae kanina mukhang napansin ni Sunshine kung ano iniisip ko dahil nagtanong siya.

"Sino kaya hinahanap nila? Baka may kapatid o kamag anak sa room." Aniya.

Napatango na lang ako.

Naalala ko yung ngiti nung babae kanina. Parang naiyak ako na natutuwa kasi may nag smile sakin/samin, feeling ko lumutang ako sa cloud 9. Feeling ko gagaan yung loob ko sakanya. Mostly kasi sinasabi nila na mataray ko kaya hindi sila nag ismile sakin.

Buti na lang nadistract ako sa tawa ni Sunshine kaya tumawa na lang din ako. Hanggang sa maglarga ay hindi parin napawi ang ngiti ko.

PRACTICE TEACHEROù les histoires vivent. Découvrez maintenant