5

25 3 1
                                    

Ang bilis ng panahon parang kailan lang nung inis na inis kami sa kanya. Parang kailan lang nung di kami magkasundo sa mga bagay-bagay.

Ngayon, unti unti naming nakikita na kami pala yung mali. Masyado kaming walang modo.  Nakikitawanan na siya samin kahit alam naming may mga iba pa dapat siyang gagawin.

  Nakikitawanan na siya samin kahit alam naming may mga iba pa dapat siyang gagawin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tinutulungan niya kami sa mga quizes, tinutulungan kami magreview. Tinutulungan kami sa mga grammars na mali mali HAHAHAHAH. Tinutulungan kaming mag improve.

Sa Friday na nga pala yung valentines day kaso may exam kami. Busy kami lahat sa review dahil periodical exam yun. Alam naming pagod si Ma'am Fei pero nagawa parin niya kaming ireview. Nagtanong siya tapos sasagutan namin, malaking tulong yun samin kesa sa self review. Hanga ako sa kanya dahil sa kabila ng mga maling asal namin ay nagagawa parin niyang maging mabait samin.

Dumating na talaga ang Valentines day. Nakita ko ang ibang rooms na may decorations, mga estudyanteng may hawak na bulaklak na roses, hugis pusong lobo, mga gifts na siguro ay ibibigay nila sa kanilang mga guro.

Napatingin ako sa loob ng room, ang lungkot pero nag iingay yung mga kaklase ko. Walang design, lahat kami busy sa exam. Hindi namin naisip si Ma'am Fei.

Bigla akong nakaisip ng idea, tinanong ko si Julie isa sa mga kaibigan ko, sumang ayon naman sila at nagsuggest pa ng magandang gagawin.

Buti na lang napapayag namin ang mga kuripot naming kaklase na makisama sa gagawin.

--------
02-17-20

Inaantay namin lumipas ang oras ngayong lunes, hanggang sa larga na hinintay muna naming tuluyang makalabas ang sandamakmak na estudyante.

Hindi na kami umuwi sa bahay dahil ibubuhos na lang namin ang oras para bumili ng mga bibilhin.

Ichineck muna ulit nila ang perang pinag ambagan ng aming mga kaklase. Bumili kami ng balloons, flower, stick-o, milktea at kung ano pa.

Hindi na kasya sa perang pinag ambagan kung bibili pa kami ng cake. Pero para kay Ma'am Fei gagawa kami ng paraan para lang makabili. Mabuti na lang at may sarili kaming pera ni Zae kaya nakabili kami.

"Antagal naman pumasok ni Ma'am Fei, dati naman ang aga aga niya pumasok." Ani Angel

Ilang minuto kaming nag antay sa room, inayos namin ang pagkaing nasa mesa. Nakahawak na ng mga balloons ang mga iba.

Napagdesisyunan naming puntahan na lang siya dun dahil medyo nababagot na kami kakahintay , paasa naman kasi etong si Ma'am eh. Lakas loob kahit nahihiya kami don sa isnag pt hehe lande ha. Dala dala namin ang mga pagkain kasama ang chocolates at cookies pati na rin ang ginawang valentines card ng classmate ko.

Nagulat siya samin. Ngumiti siya. Parang wala lang yung gastos namin isang ngiti niya lang. Isang ngiti niya lang masaya na rin kami.

" Lah di ko naman kailangan ng mga ganito eh." Hindi makapaniwalang sabi niya.

Hayst Ma'am kung alam mo lang kulang pa talaga yan sa mga naitulong mo samin. Parang gusto nang pumatak ng mga luhang pinipigilan ko.

Alam mo ba't ako naiiyak? Tumayo siyang pangalawang nanay namin. Bukod sa Mama kong sa cellphone ko lang nakikita ang mga ngiti na nakakapagpasaya sakin, isa rin si Ma'am Fei na nakakapagpasaya sakin tuwing ngingiti siya. Ewan ko ba pero baka nangungulila lang ako sa Mama ko.

Nakakapanghina siya. Napakagaan ng loob ko sakanya, pero ayaw ko namang tuluyang mapalapit sa kanya. Madali kasi akong maattached sa isang tao. Naiisip ko na matatapos rin ang pagiging PT niya samin, na aalis din siya.

 Naiisip ko na matatapos rin ang pagiging PT niya samin, na aalis din siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
PRACTICE TEACHERWhere stories live. Discover now