6

18 4 0
                                    

LUMIPAS na naman ang mga araw, oo medyo umaayos na kami nag iimprove siguro pero hindi parin naaalis ang pagiging pasaway.

May isa na naman akong natutunan simula nung dumating si Ma'am Fei sa buhay namin. Iyon ay ang may oras ang paglalaro, pag-aaral, pagbibiro, pagseseryoso pero dapat hindi mawawala ang pagiging masaya at pag enjoy sa buhay.

Nagpapa activities siya samin. Naalalala ko tuloy yung mga acting naming parang tanga. Pero may napulot rin akong lesson. Sa roleplay kailangan mong umacting ng maayos at para makakuha ng mataas na puntos. Kung sa buhay, kailangan mong mag effort, ibigay ang best para makamit ang iyong pangarap at umangat. Oh balakayojan.

Wala naman sakin yung pag aaral eh. Kung sa tingin nila seryoso ako sa academics, nagkakamali sila. Pumapasok ako sa school dahil dun ako sumasaya. Wala akong pakealam sa grade at scores ko. Okay na sakin yung sakto lang yung grade, hindi masyadong mataas, hindi rin masyadong mababa.

Pero yung ugali kong yun? Nabago. Kung may isa pa akong natutunan yun ay ang

'There's nothing wrong if you want to enjoy your high school life, just know your limitations'.

Kaya imbes na wala akong pakealam sa grades ko, imbes na makapasa lang ako okay na. Mass na encourage ako na tutulungan ko ulit yung classmates kong umangat, tutulungan ko sila sa paraang tama. Pero nahihiya ako kasi pano pag isipin nilang pabibo lang ako? pabida? kunwari mabait? pakitang tao?.

Napabuntong hininga ako naalala ko lang ulit yung unang beses kong gustong tumulong pero iba ang inisip nila.

Gusto ko lang naman na tulungan sila eh kasi ganon yung nakikita ko kay Ma'am Fei. Gusto niya ata kaming magseryoso sa pag-aaral at the same time mag-enjoy.

-------

PRACTICE TEACHERWhere stories live. Discover now