Chapter 18

1.5K 45 0
                                    

Narrator

Mahimbing na natutulog si Fierrah nang maramdaman nyang may marahang tumatapik sa pisngi nya. Maya-maya pa ay napalitan iyon ng mumunting halik sa kanyang muka.

"Sebastian ang aga pa para sa kamanyakan mo" Agad na angal ni Fierrah dahil ramdam nya ang paggala ng kamay ng asawa sa kung saan-saang parte ng kanyang katawan.

She earned a chuckle from him. A sexy and seductive chuckle tho.

Agad syang bumangon. Buti nalang at suot nya ang malaking t-shirt ng asawa kaya ayos lang kahit hindi na sya magtakip ng kumot.

She pouted. Sinamaan nya ng tingin ang asawa.

Again, he chuckled at binigyan sya ng isang pitik sa noo. " Don't look at me like that sweetie if you still want to go out of our room" Her husband smirk afterwards.

Agad namang namula ang magkabilang pisngi nya. Ramdam na ramdam nya ang pag-init noon dahil nauunawaan nya ang sinabi ng asawa.

"Bumaba ka na nga at maghanda ng breakfast natin. I'll just take a bathe" Pag-uutos nya sa asawa na agad namang sumunod. Pero bago pa man ito makalabas sa pintuan ay muli itong sumulyap sa kanya.

"We'll go somewhere after our breakfast. Abuela the wants to see us. We'll stay in the province for a couple of days" Parang balewala nitong sabi. Agad nyang dinampot ang unan at ibinato ito sa asawa.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Paano pa 'ko makakapaghanda ng mga damit ko? You have a chance para sabihin yan sakin kagabi kaso mas pinili mong landiin ako!"

Ngingiti-ngiting umiling lang ang kanyang asawa na tila mas nagpakulo sa dugo nya. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan?! Tuwang tuwa ka sa ginawa mong kalandian sa'kin kagabi?" Pinag-krus pa nya ang dalawang braso at tinapunan ng masamang tingin ang asawa habang nakataas ang isa nyang kilay.

Her husband smiled playfully at her. "You enjoyed what I did to you last night" Nakakalokong sabi nito.

"Ryker!" Sigaw nya na puno ng inis at pagkapahiya.




Nakita nya ang isang sign board na nagsasabing nasa Alaminos na sila.

Malapit na pala. Nasabi nalang nya sa kanyang sarili.

Their destination is the city of seven lakes, San Pablo City. Doon kasi nakatira ang abuela nito.

Di nga nagtagal ay sumalubong sa kanya ang gate ng isang subdivision. Sa gilid nito ay may pader kung saan nakalagay ang mga letrang MANHATTAN VILLAGE. Ryker lower down the car's window when a guard approached them.

“Ser Drake kayo po pala” Sabi pa ng guard. Ryker just nod at him.

Sa unahang parte pa lang ng village ay nagtataasan at naglalakihan na ang mga bahay. Wala kang makikita na bungalow type of house sa subdivision. Lahat ay may ikalwa o ikatlong palapag ang bawat bahay. Napakatahimik din ng paligid. Parang hindi ito ang tipo ng subdivision kung saan magkakakilala ang lahat.

“Bakit ang tahimik dito?” Di napigilan na tanong ni Fierrah sa kanyang asawa.

“Most of the people who live here are busy. It's still office hours, probably they are currently doing their works right now. But every weekends you'll see the residents here” Napatango sya sa sinabi ng asawa.

Ilang sandali pa'y huminto and sasakyan. Isang napakalaking gate ang bumukas. Gamit ang sasakyan ay pumasok sila. The sides of the driveway have green lean trees planted on it na nakadagdag sa kapreskohan ng hangin. Kung hindi nagkakamali si Fierrah ay ito ang tinatawag na tsaang gubat.

Ryker stopped the car. Bumaba ito at pinagbuksan sya. Agad namang pumunta ang isang lalaki sa direksyon nila. Ryker asked the man to put the car at the garage.

Iginala ni Fierrah ang paningin para tingnan ang bahay or should I say mansyon.

It's a two-story mediterranean inspired mansion. Ang exterior nito ay kulay beige at mahogany brown. Looks old but classy.

Mula sa malaking double door ay lumabas ang isang matandang babae na mababakas pa rin ang kagandahan sa kabila ng edad, ang abuela ni Ryker.

“Hijo, hija, come inside. Alam kong pagod kayo sa byahe. Halina't kumain na kayo at magpahinga. Nagpaluto talaga ako ng marami sa mga kasambahay para sa pagdating nyo” Magiliw na ani ng matanda.



Pagpasok nila sa mansyon ay agad napunta ang atensyon ni Fierrah sa babaeng prenteng nakaupo sa isang sofa.

“Drake!” Tuwang tuwa nitong saad at tsaka mabilis na tinakbo ang pwesto ng kanyang asawa. Parang linta itong pumulupot kay Ryker.

“ It's nice to see you again”

Ani pa ng babae na nakapagpairap kay Fierrah.

“It's nice to see you again” She mimicked the leech's voice.

Tiningnan naman sya ng kanyang asawa na parang nagbababala kaya lalong uminit ang ulo nya.

Aba! Yung linta pa ang kinampihan!... Iiling-iling syang umalis sa harapan ng mga ito. Kinuha nya rin ang maleta nyang bitbit ng kanyang asawa at tsaka tinungo ang daan papunta sa kwartong kanilang tuluyan.

Ay! Kanya lang pala dahil hindi nya hahayaang makatabi sa kanya ang sira ulong asawa.

Magsama sila ng babae nya!


————

A/N: Merry Christmas! Let me know your thoughts.

Comment
Vote
Follow

Let's aim for 2k reads guys!

Tbc...
DarkSelenophile 🌙



The Substitute BrideWhere stories live. Discover now