CHAPTER 35: Let The Games Begin

Start from the beginning
                                    

______________________________________

“I watched you a while ago, Mikaela. You were great!”

Mikay: Aw, thank you! You were great as well!

“Thanks! See you next week… Bye!”

Mikay: Okay! See ya! Bye!

Kasamahan niyang artista ‘yon na pumupuri sa dance performance niya sa ASAP kanina. Sa ngayon ay nasa labas na siya ng building kasama si James.

James: I’m gonna ask you again, Mikaela…

Parang nahihiya itong nakangiti sa kanya. Alam na niya ang susunod nitong itatanong kaya napangiti na rin siya.

Mikay: You gonna ask me out?

Napakamot ito sa ulo.

James: Well, if you want to. I’m really hoping you’d want to…

Gusto na rin sana niya itong pagbigyan. Kung hindi lang niya napansing may bumaba sa isang kotse sa di kalayuan. Napakunot-noo siya nang makilala kung sino ‘yon. Sumunod tuloy ang tingin ni James sa kanya.

James: I guess, the answer’s no…

Lumingon muli siya kay James.

Mikay: I’m really sorry, James. I promise next time you’d ask, I’ll go…

Napangiti naman ito.

James: Cool! Sinabi mo yan ha… Uhm… Mikaela, if you don’t mind me asking… Are you two an item… again?

Napatingin silang dalawa kay Gino na kanina pa nakatitig sa kanya.

Mikay: Ahhh… No… H-He’s just a… a friend… Yeah, kasi nga ‘di ba, we have common friends… I’m sorry but I really have to go… I’ll see you tomorrow…

Napansin niyang mukhang may ibang hinala si James sa kanilang dalawa.

James: Okay… You take care…

Ang alam lang niya ay magbebeso-beso sila. Pero nagulat pa siya nang bigla siyang niyakap ni James sabay tumingin sa direksyon ni Gino.

Pinagkibit-balikat na lang niya ang ginawa nito at dumiretso na siya sa kinaroroonan ng sportscar…

Mikay: What are you doing here?

Bulong niya dito.

Gino: I’m waiting for you…

Mikay: I know you’re waiting for me. Pero may usapan tayong ‘wag na ‘wag kang magpapakita sa mga tao!

Gino: Wala namang mga tao ngayon ah… ‘Yung loveteam mo lang naman na yun nakakita sa ‘kin…

Hinila na niya ito at pilit pinapasok sa loob ng sasakyan. Nang makapasok na sila ay dun siya muling nagsalita.

Mikay: Gino, this is not a joke, okay?! This could ruin my career… Kaya please… Mag-ingat tayo…

Nakatingin lang ito sa kanya at hindi siya sinasagot…

Mikay: Gino?... Gino?

Maya-maya ay bigla siya nitong hinalikan sa labi… Ngunit saglit lang at huminto na rin ito…

Mikay: What was that for?

He cleared his throat.

Gino: I-I just miss you… that’s all…

A Sweet MistakeWhere stories live. Discover now