Chapter 24

7.9K 153 0
                                    

Nagngingitngit pa rin sa inis si Lauren ng lumabas ng kwarto. Pumunta siya sa kusina para magtimpla ng kape para mainitan kahit papaano ang kanyang sikmura baka sakaling maibsan ang masaramang pakiramdam niya sa dibdib.

Akmang iinumin na sana niya ang kape  ng marinig niya ang sigaw ni Sebastian. Tinawag nito ang pangalan niya. Nagmamadali siyang pumunta roon at iniwan ang kape.

"Paliguan mo na ang bata sa shower." Utos nito sa kanya. Nasaktan siya sa ipinapakita nitong ugali sa kanya. Inis siya sa lalaki noon dahil sa kayabangan nito at pananakot nito na ilayo ang anak niya ngunit hindi naman siya tinatrato nito ng ganito. He seemed so different now that it tears her heart.

Kinagat na naman niya ang mga labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Yumuko siya para hindi nito makita ang tubig sa mga mata niya. Kinuha niya si Sieve at kinarga papasok sa kwarto nito.

Pinagsisisihan niya ang paglingon sa lalaki bago isara ang pinto ng kwarto ni Sieve dahil nakita niyang sabay na pumasok sa kwarto ni Sebastian ang babae at ito.

Tumulo ang pinipigilang luha sa kanyang mga mata. Sobrang panibugho ang nadarama niya. Bakit ba siya nagseselos? Wala naman siyang karapatang magselos dahil isa lamang siyang ina ng anak nito at yaya lang ang tingin nito sa kanya.

Tama na. Kailangan niyang pigilin kung anumang naramdaman niya para kay Sebastian. Hindi pwedeng ma-inlove siya rito. Hindi pwede. Kailangan niyang umiwas. Ngunit paano siya iiwas kung nakatira sila sa iisang bahay? Kaya ba niyang iwan ang anak makaiwas lang rito?

Hindi. Hindi niya kakayanin na mawala sa tabi nito. Titiisin nalang niya ang masamang trato ng lalaki sa kanya. She does not deserve it pero wala siyang magagawa kung ganito na talaga ang ugali  ito. Subukan niyang supilin nalang ang umusbong na pag-ibig para rito.

Yes, pag-ibig. May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag tulad nito. Kusa nalang itong umusbong sa hindi inaasahang pagkakataon at sa hindi inaasahang tao. Hindi nito alintana kung gaano mo na katagal o kakilala mo lang isang tao. Basta-basta lang itong umusbong ng walang abiso. Basta paggising mo nalang mahal mo na pala siya. At minsan paggising mo nasasaktan ka na pala dahil hindi pala lahat ay may katumbas ang nadarama mo.

Naputol ang pag-emote sa isip ni Lauren ng hilahin siya ng anak.

Dinala niya ito sa banyo at pinaliguan.

Matapos mabihisan ay dinala niya ito sa komedor para pakainin ng almusal.

Kumakain na ito ng kanin. Sinusubuan niya ang anak ng sumulpot sa harap niya si Sebastian.

Nakaready na ang almusal nila sa mesa kaya diretso ng kumain si Sebastian. Nagtaka siya kung nasaan ang babae? Nakatulog kaya ito sa kama ni Sebastian dahil pinagod ito ng lalaki kanina?

Biglang nag-init ang mukha niya sa sobrang panibugho. Napatingin siya sa lalaki na tahimik na kumakain. Hindi man lang pinansin ang anak nito. At ang sarap pa ng kain nito. Nagutom siguro ito dahil sa ginagawang kahalayan ng mga ito sa loob ng kwarto nito.

Ang sarap batuhin ng kutsara ang mukha. Naikuyom nalang niya ang kamao at pilit ifocus ang atensyon sa anak.

"It's Isabel's birthday party tommorow night." Biglang wika nito.

Napalingon si Lauren sa binata na ngayon ay nakatingin na sa kanya. Sinong Isabel ang tinutukoy nito? Ang babae bang kaharutan nito kanina?

"Nirequest niyang dalhin ko si Sieve kaya dapat nandoon ka rin dahil walang magbabantay sa kanya doon." Diritsong sabi nito.

Hindi siya sumagot. Isasama siya nito bilang yaya. May pait siyang nadarama.

"Here's my credit. Buy all the stuff that you need. Make sure to choose a nice and appropriate dress for this event. Ayokong masabihan na cheap looking ang nag-aalaga ng anak ng isang bilyonaryo."

Nasaktan na naman siya sa sinabi nito. Bakit ba napakasensitive niya. Dapat iignore lang niya ang mga masasakit na salitang sinasabi nito.

Huminga siya ng malalim.

Masasanay rin siya. Pagnangyari iyon ay siguradong hindi na siya masasaktan pa.

"I own the mall here. I can drag you there and choose a dress for you pero busy ako ngayon kaya hindi kita masamahan. Use that credit as your ticket to buy anything you want. They don't ask any question." Dagdag pa nito at tumayo at umalis na.

Naiwan siyang nakatitig sa credit card.

"And hey, don't buy cheap clothes." Huminto ito para sabihin sa kanya iyon at tumalikod na.

Iba rin ang lalaking ito. Ayaw nitong mapahiya sa ibang tao.

Pagkatapos mapakain ang anak ay siya naman ang kumain. Pinatingnan muna niya ito kay Meldred sandali. Natutuwa ito sa anak na bibong bibo sa panggagaya sa itinurong sayaw ni Meldred. Lumapit naman ang iba pang katulong at natutuwa silang nakipaglaro sa anak niya. Nakangiti naman siyang kumakain habang pinapanood ang mga ito.

Pagkatapos kumain ay dumiritso na siya sa kwarto. Naligo siya at nagbihis dahil aalis siya para bumili ng damit at sandal para sa party. Kasalukuyang naglalagay siya ng make up ng magring ang cellphone niya. It's Martin.

Hindi niya sinagot. Isa pa ito. Niloloko din siya nito. Hindi niya kayang isipin na asawa na niya ito sa papel. Nagring uli. Kinuha niya ang cellphone at sinagot.

"Anong kailangan mo?" Galit na sabi niya.

"Ikinukumusta ka nina ante Cecilia."

"Talaga? At may gana pa talaga silang mangumusta sa akin." Pasarkastikong sabi niya.

"Patawarin mo na kami Lauren. Magkita tayo at pag-usapan natin ang tungkol sa kasal." Sabi nito na bumuntong hininga pa.

Naalala tuloy niya ang birthday niya. Walang nangyaring selebrasyon sa mismong araw ng birthday niya dahil nag-advance na ng face birthday celebration ang mga ito.

"Please..."

"Okay, magkita tayo sa Sabross Cafe sa harap ng SG mall. Ngayon na. Hihintayin kita doon."

"Okay, pupunta na ako." Masayang sabi nito at nagpaalam na.

Agad naman niyang tinapos ang paglalagay ng lipstick at kinuha ang bag at isinukbit sa balikat.

"Going out to shop with red lipstick on the lips?" Saad ni Sebastian ng madaanan niya ito sa sala.

Hindi niya pinansin ito. Ano namang pakialam niya kung anong lipstick ang ilalagay niya sa mga labi niya.

"Erase it." Matigas na sabi nito.

"Why?" Napalingon siya. Aba matindi ang pagkacontrol freak ng isang ito.

Napaurong siya ng lumapit ito sa kanya.

"Are you going to erase it or I will erase it?" Panghahamon nito sa kanya.

Aba! Talagang pinagmayabang pa nito ang pagkacontrol freak nito pati lipstick niya pinagdidiskitahan.

Hindi siya patitinag dito. Tumalikod siya para iwan ito ngunit nahagip nito ang braso niya. Ayan na naman ang boltaheng nagbibigay init sa katawan niya. Hinila siya palapit at paharap dito. Bago pa siya makapalag ay sinakop na ng mga labi nito ang mapupulang mga labi niya. Parang sinisipsip nito ang bawat lipstick na nadikit sa labi niya. Marahas ang pagkahalik nito ngunit bakit nag-iinit ang buong katawan niya at may munting ungol na pilit lumabas sa bibig niya. Nanigas ang katawan niya ngunit ang labi niyang nakasara kanina na pilit binubuksan ng dila ni Sebastian ay dahan dahan ng nagbukas at gumaganti sa bawat halik nito. Awtomatikong nailingkis niya ang dalawang kamay sa batok nito.

Ngunit biglang naputol ang mapusok na halikan nila ng ilayo siya ng binata.

"So that's how to remove lipstick in a woman's lips. If you put lipstick again like that, I assume that you want to be kissed again." Nakangiting sabi nito na ikinapula ng mukha niya sa sobrang pagkapahiya.

Gusto niyang sampalin ang lalaki at gusto ring niyang sabunutan ang sarili. Ngunit hindi niya magawa. Mabilis nalang niya itong iniwan at umalis na.

Don't Mess A BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon