Chapter 5

9.9K 181 1
                                    

Maagang gumising si Lauren kinabukasan. She's very excited to see Machu Picchu. Dumiritso agad siya sa terminal ng bus na maghahatid sa kanya sa entrance ng Machu Picchu. Medyo agahan talaga dahil mahaba ang pila doon. Maraming turista ang dumaragsa doon araw-araw. Nameet niya doon ang kanyang magiging tour guide na si Benjamin. This time kumuha ng tour guide si Lauren para marinig niya at malaman ang history ng Machu Picchu and also may tagapicture din siya. Medyo may kamahalan ang tour guide pero okay lang dahil siguradong sulit naman.

There are two ways to get to Machu Picchu. Pwede siyang maghike ng isa hanggang tatlong oras depende sa bilis niyang maglakad o magbus ng mahigit dalawampung minuto lamang. Nakakaingganyo ang maghike ngunit alam niyang di niya kaya iyon. Dito pa lang eh hinihingal na siya how much more kung maglakad siya ng mahigit tatlong oras.

Nakarating naman agad sila sa entrance ng Machu Picchu. Kailangan niyang magpa'stamp muna at ipakita ang ticket bago makapasok sa Entrance ng Machu Picchu.

Medyo mabagal ang usad ng mga tao sa entrance. Alas otso palang pero marami-rami na ang mga turista.

Una nilang tinungo ni Benjamin ay ang sikat na caretakers' hut kung saan makikita doon ang magandang view ng Machu Picchu. Kaya maraming mga turista ang mga nakapila para magpapicture on the panoramic view of Machu Picchu. Very instagramable kasi ang view.

Machu Picchu is built in 15th century and later abandoned by the Incan tribe. It is set high in the Andes mountain. It is called the "Lost City of Incas". Nakakamangha ang pagkakalagay ng mga bato nito. The intriguing buildings play on astronomical and panoramic views. It's exact former use remains a mystery. Nakapatong ito at parang may sinusunod na pattern para matibay ang pagkakatayo nito. Itinayo ito ng mga Incas upang maging pananggalan sa mga mapang-aping espanyol noong araw. Incas fled from civilization and hid in the middle of the mountain and built that shield.

The mountain towering behind the ruins is called Huayna Picchu. Ito ay mataas na bundok na kung saan posibleng maakyat ng turista. Makikita mula dito ang napakagandang tanawin ng buong Machu Picchu ngunit apat na raan lamang ang pinapayagang makaakyat doon araw-araw at dapat magbook muna sila ng mga isa o dalawang buwan ahead of time. Ganyan ka fully book doon.

Maraming natutunan si Lauren mula sa kanyang guide. Enjoy na enjoy naman siya sa kanyang nalalaman at syempre bawat corner yata ay may picture siya. Wala namang angal si Benjamin sa pagkuha ng picture sa kanya. Ito pa nga mismo ang nagsabi sa kanya kung saan siya dapat pumwesto para sa magandang anggulo.

Another interesting sight of Machu Picchu is the itihuatana, a carved stone of religious importance used an astronomical device by the Inca.

Lumapit siya sa malaking bato at umupo para magpapicture kay Benjamin ng biglang may umupo din malapit sa kanya. Napalingon naman siya at napatda ng mapagsino ang nasa tabi niya. Hindi ito nagsalita o tumingin man lang sa kanya. Nakatanaw ito sa paligid na kung saan makikita ang iba't-ibang ruins ng Machu Picchu.

Nagkabadmood siya bigla. Paano siya makapagpapicture ng mag-isa kung sobrang lapit ng lalaki sa kanya.

Kumislap naman ang camera na hawak ni Benjamin. Kinakuhanan siya nito ng larawan kahit may photobomber siya.

"Excuse me, can you please let me have a photo here, alone?" Pigil sa inis na pagkasabi niya rito.

Tinapunan naman siya ng tingin nito at seryoso siyang tinitigan saka nagsalita "Why in the world you are always there wherever I am?"

Napanganga siya sa narinig. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking ito. Akala siguro nito stalker siya nito.

"Excuse me? Anong akala mo sa akin stalker mo? Hindi ka naman kagwapuhan para iistalk kita. Masyado ka lang talagang belib sa sarili mo na akala mo ay sobrang gwapo mo para susundan-sundan ka ng mga babae." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa para insultuhin ang mayabang na lalaking ito. Akala mo kung sinong may-ari ng mundo.

"Really? How come I always caught you fantasizing my body everytime you set your eyes on me?" Pang-aarok na sabi nito na bahagyang ngumiti.

Mas lalo pala itong gumagwapo kapag nakangiti. Diyos mio marimar biglang tumalon yata ang puso niya sa natunghayang ngiti.

"See?" Pukaw ng lalaki sa kanya.

Napahiya naman si Lauren sa ginawa. Caught in the act. Wala na siyang kawala pa. Hindi na siya makapagdeny dahil huling-huli siya nitong natulala sa simpleng ngiti lang nito.

Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya?

Nakakainis. Nakakabweset talaga. Imbes na magde-deny ay hinayaan nalang niya ito sa kung anong isipin ito. Bahala siya sa buhay niya total hindi na niya ito makikita. Uuwi na siya ng Pilipinas kinabukasan.

"Ang yabang mo." Singhal niya rito at iniwan itong ngiting-ngiti sa kanya.

Napahinto naman siya sa paglakad ng marealize na tagalog pala ang sinabi niya sa lalaki at paano siya nito naintindihan? Nilingon niya ito at binalikan.

"Are you a Filipino?" Diritsong tanong niya rito.

"Why are you asking?"

"Filipino ka eh, hwag mo akong maenglish-english dahil pareho lang tayong pinoy tapos yayabangan mo ako. Iba ka rin ano? Hanep! Taas ng level ng kayabangan."

"Will you please stop acting like that? mukha kang palingkera." Sabi nito.

"Oh see marunong naman pa lang magtagalog. Pa-english-english pa."

Natawa ito sa sinabi niya. For the first time tumawa ito kahit pagak lang.

Nahawa naman siya sa ngiti nito at napangiti na rin siya.

Tinalikuran na niya ito kasi nakaramdam siya ng awkwardness sa sitwasyon nila. Magkaaway sila ngunit ngayon ay nagngitian na.

"See you at Le Ville bar tonight at 7 in Aguas Calientes." Pahabol na sigaw ng lalaki.

Huminto siya sandali ngunit hindi lumingon. Iwan pero bigla siyang napangiti.

Itinuloy niya ang pamamasyal sa Machu Picchu na umabot yata siya ng dalawang oras.

Nangmaikot na ang buong ruins ay nagyaya na siya kay Benjamin na umuwi. Isa lang ang daanan nila palabas. Hindi sila pwedeng bumalik sa dinaanan nila kanina.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot na matatapos na ang maiksing bakasyon niya. It means to say ay haharapin na niya ang dapat harapin at iyon ay ang katotohanang mag-aasawa na siya pag-uwi niya.

Yes hindi siya masaya pero wala siyang ibang choice kundi sundin ang utos ng tiyuhin niyang si Leon. Malaki ang utang na loob niya rito dahil ito ang kumupkop sa kanya simula ng mamatay ang mga magulang niya sa isang car accident apat na taong gulang pa lamang siya. Inaalagaan at totoong minahal siya ng tiyuhin niya. Binigay nito ang lahat na gusto niya hanggat makakaya nito. Ito pa nga gumastos sa trip niyang ito. Advance wedding gift daw sa kanya sa pagiging masunuring bata. Ang asawa naman nitong si Cecilia ay although maganda ang ipinapakita nito sa kanya ay alam niyang may mali parang peke lamang ang lahat ng ngiti nito sa kanya. Ito at si Leon ang may gustong ipakasal siya sa pamangkin ni ante cecilia na si Martin Saldana. Hindi niya ito gusto. Nerd looking ito. Nakasuot lagi ng salamin at ang buhok ay pang 70's hairstyle pa at ang badoy manamit. Nerd looking ito ngunit makikita niyang bilib ito sa sarili na magugustuhan niya ito. Gwapo naman daw siya at siguradong maging maligaya siya sa piling nito.

Nangilabot ang balahibo niya ng sinabi nito iyon. Wala talaga siyang gusto rito ngunit anong magagawa niya takot siyang suwayin ang utos ng tiyuhin.









Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now