Chapter 6

9.5K 182 3
                                    

Nasa labas na si Lauren ng Le Ville bar na sinasabi ng mayabang na lalaki. Nagdalalawang isip siya kung papasok ba siya at makipagkita dito o uuwi nalang siya. Iwan ba niya kung ano ang nagtulak sa kanya para makipagkita rito. Well, siguro dahil gusto niyang may ibang makausap at makilala sa trip niyang ito sa Peru. Sagot rin niya sa sariling katanungan.

Nalulungkot siya sa tuwing sumagi sa isip niya na uuwi na siya sa Pilipinas at magpapakasal na sa lalaking nerd na iyon. Parang hindi niya talaga kayang isipin na matulog siyang katabi ito at kasiping. Gusto niyang magpakamatay nalang o kaya'y lumayas huwag lang mapakasal kay Martin ngunit ayaw naman niyang suwayin ang kanyang tiyuhin. Malaki ang utang na loob niya rito. Ginawa na niya ang lahat para maturn off sa kanya si Martin ngunit mukhang disidido talaga ang nerd na iyon na pakasalan siya. Ilang beses na ba siyang nagmumukhang maldita, tanga, bobo, baliw-baliwan sa harap nito para maturn off lang ito sa kanya ngunit walang effect. Kaya wala na talaga siyang kawala kundi magpapakasal nalang rito.

Pumasok na si Lauren sa nasabing bar. It's local style bar made of wood with a bamboo designs. Very cozy ang ambiance. May medyo maliit na pool sa bandang kanan at may dalawang westerner na naglalaro. May mga good for 2 and 4 na mesa. Maraming mga dayuhan ang nasabing bar. Siguro dahil malapit lang ito sa pamosong Machu Picchu at maraming mga dayuhang pumupunta doon. Sa ibang bars na nadaanan niya ay ganoon din halos puno ng mga dayuhang customers.

Nahagip ng mga mata niya ang mayabang na lalaki na kampanting nakaupo sa upuan sa mesa sa sulok.

Nagdadalawang isip naman siya kung lalapitan ito o uuwi nalang. Ngunit nakita niyang kumaway ito sa kanya. Kaya nilapitan na niya ito.

"Hey, good that you come." Salubong na sabi nito sa kanya.

Ngumiti lang siya at hinila ang upuan para umupo.

"What do you want? Beer, wine, food, Order whatever you want, it's my treat." Sabi nitong nakangiti sa kanya.

Oh that smile again that makes her wet. I mean weak.

Tinatawag nito ang waiter. Lumapit naman agad ang waiter at ibinigay sa kanya ang menu. May menu ng mga inumin lahat at may menu ng pagkain naman.

Busog pa naman siya kaya ang inumin ang tiningnan niya.

Hindi naman siya masyadong familiar sa mga inumin except beer. Well, it's her last trip na single siya kaya itodo na niya ito. She will drink like it is the last time she drinks. Napangiti siya sa naisip at nag-order ng Scotch.

Nagdagdag naman ng order ang mayabang na lalaki. Iwan ba niya, medyo nayabangan talaga siya rito. He looks so dignified & powerful and too confident the way he moves, talk and even just sitting down. Medyo naalangan siya rito. Siguro mayaman ito sa Pilipinas ngunit nasa ibang bansa sila at wala siyang alam dito kaya feeling ni Lauren ay isang paligo lang amg lamang nito sa kanya pagdating sa katayuan sa buhay. Hindi naman sila mahirap. Her uncle Leon owns a mansion and a vast of land. May negosyo rin ang mag-asawa. Ito ay ang mga convinience store sa kanilang probinsiya. Ang malaking lupain ay tinamnan nila ng Palkata tree na hinaharvest every five to six years. Nakakaluwag naman sila except minsan nahuhuli niyang nag-away ang mag-asawa tungkol sa pagkaaddict ni ante cecilia sa sugal. Ang uncle naman niya ay mukhang may malaking pinaggastusan rin ng pera dahil ayon sa usapan nito ay pabagsak na ang negosyo nila at unti-unti ng nauubos ang pera nila kaya kailangang ibenta na nila ang mansyon at malaking lupain. Pero hindi pa daw tamang panahon para ibenta iyon. Iyon lang ang narinig niya at umalis na siya at baka mahuli pa siyang nakikinig at baka mapagalitan pa siya.

"Ang lalim ng iniisip ah." Putol ni mayabang na lalaki sa kanyang iniisip.

Bumuntong hininga siya at ngumiti lang sa lalaki.

"Well, I'm Sebastian. You?" Sabi nito sabay lahad sa kanya ng kamay na nakangiti.

"Lauren" tinanggap naman niya ang pakikipagkamay dito at ngumiti rin.

Halos mapakislot naman siya sa naramdamang parang kuryenteng biglang dumaloy sa kamay niya. She suddenly feels the butterfly in her stomach. Wew! Parang teenager lang. Parehong agad na nagbawi ng kamay ang dalawa na parang pareho silang nakukuryente.

Dumating naman ang inorder nila at inumpisahan niyang uminom.

"So how long are you going to stay here?" Tanong nito sa kanya.

"Well, bukas ay babalik na akong Pilipinas. It's just a short trip. Gusto ko lang talagang makita ang Machu Picchu. You know travel goal." Sagot niyang nakangiti. "How about you?" Balik tanong niya.

"Well, I will stay here for two days more then go back to Lima and stay there for a day then probably go to Morocco or Brazil, don't know yet." Sagot nito.

Bigla naman siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi na niya ito makikita. This is the first and the last time na makikita at makakausap niya ito.
He sound like a nice guy naman.

Biglang nag-iba ang ihip ng hangin at naging nice guy na ito para sa kanya. Ilan pa lang ang sinabi nito sa kanya.
Siguro dahil ito sa iniinom niyang alak.
Iwan basta. He seems a likable guy.

Marami silang napag-usapan and mostly about sa travel. Mga lugar na napuntahan na nito at siya since sa Pilipinas lang naman siya nagtatravel ay iyon lang din ang nashare niya.

Namangha siya sa daming bansa na napuntahan na nito. Halos lahat na yata ng bansa ay napuntahan na nito.

Namention nito na Pilipino ang mga magulang nito ngunit sa Europe na ito lumaki at nagkaisip at doon na rin ito nakatira most of his lifetime.

Nakailang shots palang siya ngunit parang lasing na siya. Sa tuwing magbuka ng bibig si Sebastian para magsalita ay halos napapalunok siya habang sinusundan ang bawat galaw ng mga labi nito. Parang gusto niyang matikman ang lasa ng mga labing iyon.

Lasing na yata talaga siya dahil naging mahalay na ang utak niya. Bakit ba kasi hard ang ininom niya. Makakauwi pa kaya siya sa tinutuluyang hotel niya? Tanong niya sa sarili ngunit lasing na nga talaga siya ng akmang tatayo siya para pumunta ng restroom ay biglang parang umikot ang paningin niya.

Mabilis naman siyang dinaluhan ni Sebastian. Niyapos nito ang baywang niya para hindi siya tuluyang matumba.

Ang sarap naman sa pakiramdam ng ginawa nito. Parang gusto rin niya itong yakapin ng mahigpit. Iwan ba niya parang hindi alak ang ininom niya kundi drugs. Nakakaadik kasi ang presensya ng lalaki.

"Gusto kong magCR" sabi niya in a drunk voice at sinubukang maglakad papunta sa restroom.

Inaalalayan naman siya ni Sebastian at hinatid hanggang sa may pintuan ng restroom.

Kampante namang nakaupo si Lauren sa toilet bowl habang umiihi. Parang gusto na niyang matulog doon ngunit alam niyang 'di pwede kaya tinapos na niya ang pag-ihi at lumabas na. Naabutan niya si Sebastian na nakatayo sa labas ng pintuan.

Nginitian niya ito at kumapit siya sa baywang nito para hindi matumba. Ang sarap sa pakiramdam na ito ang kayakap. Sobrang bango kasi nito.

Pinaupo siya nito sa upuan at tinawag ang waiter at hiningi ang bill. Pagkatapos nagbayad ay tumayo na ito at inaalalayan siyang tumayo at maglakad. Hindi niya alam kung anong plano nito basta sunod-sunuran lang siya dito. Lasing na nga talaga siya. Wala na siyang lakas para magtanong o ano pa. Mukhang hindi naman ito masamang tao.

May sinasabi ito sa kanya ngunit hindi niya maintindihan dahil nakafocus ang attention niya sa kanyang sikmura. Gusto niyang sumuka ngunit pinigilan niya. Inaalalayan siya nito sa pagtayo ng biglang lumabas ang laman ng sikmura niya at nasukahan niya ang suot nitong t'shirt. Nabigla ito at sinubukang umilag ngunit huli na dahil nasukahan na niya ito.

"Shit" Napamura ito ng masukahan niya.

Pinabayaan naman siya nitong sumuka ng sumuka at ng sa tingin nito ay nailabas na niya ang lahat ng laman ng sikmura ay inaalalayan siya nitong sumakay sa sasakyan nito. Ikinabit ang seatbelt sa kanya at umikot sa driver seat at pinaandar na ang sasakyan paalis sa lugar na iyon.

Isinakay siya nito sasakyang dala nito at umalis na sa lugar na iyon.



Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now