Chapter 19

8.3K 148 0
                                    

Nagtaka ang mga tao sa bahay lalo na sina Leon at Cecilia kung bakit ilang araw na siyang hindi pumasok kaya sinabi na niyang huminto na siya sa pagtatrabaho. Hindi muna niya sinabi ang totoong dahilan kung bakit huminto siya.

At dahil wala na siyang trabaho ay naisipan nitong mas iadvance pa ang birthday celebration niya. Dahilan nito ay wala raw ang mga ito sa mismong araw ng birthday niya dahil magbabakasyon raw ang mga ito sa boracay. Kaya umuo nalang siya. Wala naman talaga siyang pakialam sa birthday niya pero iwan niya sa mga ito at excited na excited i-celebrate ang birthday niya.

Araw ng byernes. Lahat ay busy sa paghahanda ng pagkain at dekorasyon. Sabi ni Cecilia na sila-sila lang naman daw ang magcecelebrate kasali ang mga katulong. Sinabi nito sa kanya na imbetahan ang mga kaibigan niya ngunit ayaw nga niyang magcelebrate kaya okay na sa kanya na sila-sila nalang.

Pumayag naman ang ante Cecilia niya ngunit nagpaluto pa rin ito ng masasarap na pagkain dahil may ilang bisita daw itong inimbita.

Niregaluhan siya nito ng damit na ito daw ang susuotin niya mamayang gabi sa handaan.

It's an off shoulder white dress na lampas tuhod ang haba. Maganda ang habas nito. Kasyang kasya sa kanya. Iwan kung bakit puti ang ibinigay sa kanya ng tiyahin para naman siyang ikakasal ang kaibahan nga lang ay hindi naman ito wedding gown. Ito ang uso ngayon. Maraming nakikita niyang babae ang nagsusuot ng whole white dress. Nauso kasi ito, pauso ng mga koreana.

Maganda ang damit kaya nagustuhan niya.

Alas kwatro pa lang ay nandoon na si Martin. May bitbit itong regalo para sa kanya. Pagkatapod maibigay ay umupo ito sa living room at nanood ng cartoon movies sa TV. Ang weird talaga nito. Ang tanda-tanda na nanunuod pa ng ganoon. Sa isip-isip niya.

Pumasok siya sa kwarto at pinapanood ang anak na naglalaro habang patingin-tingin sa screen ng TV. At ginagaya nito ang children song na pumapailanglang.

Natutuwa siya habang pinapanood ang anak. Hindi lang ito genius, talented pa.

Alas sais na ng gabi ng dumating ang bisita nina Cecilia. Nagbihis na rin siya at lumabas para mangitian ang ilang bisita nito. May pagkain ng nakahain sa mesa. May wine at alak rin na nakaready na. Tatlong bisita ang dumating. Isang lalaki at dalawang babae. Halos kasing edad ito ng tiyahin.

Binati siya ng mga ito ng maligayang kaarawan. Hindi na nila pinahintay ang pagkain dahil nagyaya na agad si Cecilia na magsiupo na sila at kumain.

Tinawag rin nito ang mga katulong para sumabay sa kanilang kumain.

Sumunod naman ang mga ito at kumuha ng plato ngunit hindi umupo sa mesa kasama nila. Sumandok lang ito ng pagkain at kumain sa maliit na mesa sa gilid.

Nag-umpisa naman silang kumain. Si Martin ay tahimik lanh na kumakain habang ang mga bisita at sina Leon at Cecilia ay nag-uusap. Paminsan-minsan ay sinasali sila ni Martin sa usapan.

Pagkatapos kumain ay nagyaya naman ang kanyang tiya na magvideoke. Nakahanda na ang malaking TV para sa kantahang magaganap.

Unang kumanta ang si Cecilia sumunod naman ang bisita nitong tinatawag na Roberta.

Nanunuod lang siya sa may living room. Binigyan siya ni Martin ng wine at tumabi sa kanya. Napapaindak narin siya sa tugtugin. Mahilig din kasi siyang kumanta. Hindi naman sa pagmamayabang, maganda naman talaga ang boses niya.

Naingganyo na siyang kumanta at kinuha ang song book at naghanap ng kanta doon.

Binigyan na naman siya ng wine ni Martin at inisang lagot niya iyon dahil kakanta na siya. Medyo ginanahan talaga siyang kumanta. She suddenly feels alive. Parang matagal na kasi siyang nakatingga sa buhay na hindi naman sa boring kundi buhay na parang isang happy go lucky tulad noong dalaga pa siya. Pumupunta siya sa videoke bar kasama ang mga klasmeyt niya pagkatapos ng klase.

"It's raining men, halleluya it's raining men. Amen." Sigaw na pagkanta ni Lauren na sinabayan pa ng sayaw parang si Jelo lang. Ang gaan at ang saya ng pakiramdam niya.

Nauuhaw siya tyempo namang binigyan siya ni Martin ng wine. Kinuha niya at inisang lagok iyon pagkatapos ay naghanap na naman ng bagong kakantahin. Hindi na niya binitiwan ang mic.

Pumili siya ng lively na kanta. Iyong mapapaindak siya habang kumakanta.

Medyo nakaramdam siya ng pagkahilo. Nalasing ba siya? Imposible. Hindi naman nakakalasing ang wine unless ubusin niya ang isang bote.

Nakailang kanta na siya ng pinatigil siya ng tiyahin sa pagkanta. May sasabihin daw ang bisita nila. Tumango-tango lang siya. Wala siyang naintindihan sa mga sinabi nito. Lasing na nga siguro siya. Nakangiti lang siyang tumango sa mga tanong nito na parang naintindihan niya. Maya-maya ay binigyan siya ng ballpen at parang may pinasulat sa kanya. Hindi niya alam kung bakit pero sumunod lang siya sa utos ni Cecilia. Gusto na niyang matapos iyon at ng makakanta na uli siya.

Pagkatapos ay bumalik na siya uli sa pagkanta kahit parang lasing na siya.

Umupo siya sa couch dahil parang hindi na niya kaya at parang iginupo na siya ng antok.

Napangiti naman ang mga tao na naroon sa living room habang nakatingin sa kanya.

Success ang plano nila. Plinano nila ang lahat ng ito. Magkaroon ng handaan sa birthday ni Lauren at lagyan ng pampalasing ang inumin nitong wine. At kapag na lasing na ito ay papirmahin nila ito sa marriage contract. Ang inimbita nilang magkakasal dito ang ang judge ng bayan nila. Para siguradong legal ang kasal nina Martin at Lauren.

Hindi sila makakapayag na mauuwi lang sa wala ang lahat ng paghihintay nila kung hindi ito mapapakasal kay Martin.

Inalaayan naman ni Martin si Lauren at inihatid sa kwarto nito. Hindi pa natutulog si Sieve. Naglalaro pa ito kasama ang yaya nito.

Ihiniga niya sa kama si Lauren.

"Lasing na siya Selma. Ikaw na muna ang bahala kay Sieve." Sabi ni Martin.

Tumango naman ito. Alam nitong nagkakasayahan ang mga ito sa sala.

Pinangko niya si Sieve at itinabi sa ina nito. Pinatay niya ang TV at binuksan ang lampshade saka pinapatulog si Sieve na ngayon ay sumiksik sa ina niyang humihilik pa. Nilaro si Sieve ang buhok nito at hinawakan ang mukha ngunit hindi ito nagising.

Kinantahan ni Selma si Sieve habang hinihimas ang likod nito para makatulog. Hindi naman nagtagal ay nakatulog na ito.

Naglatag naman si Selma ng higaan sa may sahig. Doon siya matutulog ngayong gabi.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now