Chapter 16

8.6K 167 3
                                    

"So this is your house?" Tanong ni Sebastian sa kanya pagkatapos iparada ang sasakyan nito sa labas ng kanilang bahay. Nagpumilit itong ihatid siya kahit anong tanggi niya. Gusto raw nitong makita ang anak niya. Ngunit nakiusap siyang hwag na muna makipagkita sa anak. Pumayag naman ito sa isang kundisyon na ipapakita nya ang anak kinabukasan.

"Sa tiyuhin ko ang bahay na 'yan. Nakikitira lang kami."

"Mukhang magara naman. Bakit naisipan mong sa magtindira sa mall?" Curious na tanong uli nito.

"It's a long story. Sasabihin ko sa'yo sa ibang pagkakataon." Sagot niya.

"Well, asahan ko 'yan. So see you tomorrow. Ipapasundo ko kayo rito." Sabi ni Sebastian. Gusto nitong makita ang anak niya ng oras na 'yon ngunit nakiusap si Lauren na h'wag muna s'yang pumasok ng bahay. Hindi pa siya handang ipakilala si Sebastian kay Leon at Cecilia. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon nila at hindi rin n'ya alam kung paano ipakilala si Sebastian.

Hindi n'ya ito boyfriend. Sasabihin ba n'yang ito ang magiging amo n'ya dahil magiging parang yaya s'ya ng sarili niyang anak? O sasabihin ba nya sa mga ito kung gaano ka walang hiya ang lalaking ito? May pakialam naman kaya sila sa kanya? Hindi niya alam kaya mas mainam na saka na niya ito ipakilala kung may pagkakataon sa tamang panahon.

"Okay. Bye." Maikling sagot n'ya saka binuksan ang pintuan ng sasakyan at lumabas na.

Hindi na niya ito nilingon at diri-diritsong binuksan ang gate at pumasok na. Narinig naman nya ang ingay ng sasakyan nitong umalis na.

Hindi niya namalayan na may dalawang pares ng mga matang nag-aapoy sa galit na nakamasid sa kanya.

Walang tao sa living room. Tahimik ang buong bahay. Dumiritso na siya sa kwarto nila ng anak niya. Naabutan niya itong pinapatulog ni Selma. Alas dos na ng hapon kaya it's siesta time na para sa anak.

"Ako na dyan, ate Selma. Magpahinga ka na muna." Sabi niya.

"Napaaga yata ang uwi mo Lauren."

"Hindi po ako pumasok sa trabaho ngayon. May pinuntahan lang ako." Sagot niya. Hindi naman ito nag-usisa pa at umalis na.

Tianbihan nya ang anak sa higaan at niyapos saka hinalikan. "I love you, baby." Halos bulong niya rito.

Nakadilat naman ang mga mata nito ngunit halatang inaantok na kaya mahinang tinapik-tapik niya ang likod nito. Nakatulog naman ito agad at siya ay humihikab na rin. Dahil sa kulang na tulog ng nagdaang gabi ay dahan-dahan din siyang iginupo ng antok.

Alas singko na ng hapon nagising si Lauren. Nagising siya dahil si Sieve ay tumuntong sa tiyan niya at sinakyan siya na parang kabayo. Halos hindi pa niya maidilat ang kanyang mga mata dahil inaantok pa rin siya. Si Sieve ay hindi pa rin tumigil sa pang-iistorbo sa tulog niya dahil tinusok-tusok nito ang mata niya.

Napangiti siya sa kakulitan nito. Mayamaya ay hinalikan siya nito sa pisngi at yumakap. Natouch naman siya sa ginawa nito. Mahal na mahal niya ito at hindi niya kakayanin kung ilayo ito sa kanya.

"I love you, baby." Sabi niya sa anak at pinupog ito ng halik at yakap.

Bumangon na siya at inakay ang anak palabas papuntang kusina para uminom ng tubig ng madaanan niya si Martin na nasa sala kausap si Leon at Cecilia. Bumati naman ito sa kanya at ngumiti.

"Lauren sabay tayong maghapunan mamaya." Sabi ni Leon.

Ano kayang meron at bakit gusto nitong magsabay silang maghapunan? Sa isip ni Lauren. Kadalasan kasi ay hindi siya sumasabay ditong kumain simula noong araw na pinilit siya ng mga itong inumin ang gamot na pampalaglag sa anak niya.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now