Chapter 12

8.8K 178 5
                                    

Two years later

Maagang gumising si Lauren ng araw na iyon. It's Monday at balik trabaho na naman siya. Kasalukuyang nagtatrabaho si Lauren sa isang malaking mall sa kanilang bayan bilang saleslady. Nahirapan siyang nag-apply at buti nalang ay natanggap siya sa inaaplyang mall. Every Sunday ang restday niya at iyon ang bonding time ng anak niyang si Sieve. Isang taong gulang na ito. Kumuha siya ng yaya para ito ang mag-aalaga sa bata habang wala siya. Ayaw sana niyang iwan ito sa yaya dahil gusto niyang lumaki ito na laging nasa tabi siya ngunit kailangan niyang magtrabaho para masuportahan ito. Maliit man ang sahod niya sa pagiging saleslady pero pinagkakasya niya iyon. Total hanggang ngayon libre pa naman siya ng pagkain at bahay dahil nakatira pa rin siya hanggang ngayon sa kanyang tiyuhin na si Leon. Ayaw na niya sanang umasa sa mga ito pero ang hirap ng buhay. Mahirap pagkasyahin ang sahod niya kaya pakapalan na rin ng mukha ay doon parin siya nakatira at kumakain. Ang sahod niya ay napupunta sa pangangailangan ng anak niya at sahod ng yaya. Hindi naman siya pinapaalis ng mga ito bagkos naging mas mabait pa ito sa kanya. Ngunit hindi niya makalimutan ang ginawa nito sa kanya noon na pilitin siyang ipalaglag ang bata sa sinapupunan niya.

Naging magiliw naman ang mag-asawa sa anak niya.

Si Martin ay parang tinanggap nalang din ang anak niya dahil gusto pa rin siyang maging asawa nito.

Natuloy ang itinakdang engagement nila two years ago. Walang siyang nagawa ng halos isumbat sa kanya ang lahat ng naitulong nito sa kanya. Magulo ang utak niya. Wala siyang kapera-pera kung lalayas siya. Iniisip niya ang kapakanan nila ng anak niya kung aalis siya sa poder ng mga ito. Kaya pikit mata nalang niyang sinunod ang gusto nito.

Ngunit gumawa siya ng dahilan para hindi makasal agad. Nagkukunwari siyang maselan ang pagbubuntis niya at kailangan niyang magstay lang sa bahay. Ipinangako naman niya sa mga ito na handa na siyang pakasalan si Martin kung makapanganak na siya at wala na siyang alalahanin.

Hindi naman siya pinilit ng mga ito.
Simula noon ay naging mabait na ang pakikitungo ng mga ito sa kanya.

Hindi siya pinakialaman nito sa mga gusto niyang gawin dahil sabi nito ay pinanghawakan nito ang pangako niyang pakasalan si Martin.

Ngunit gumawa na naman siya ng paraan pagkatapos manganak para hindi matuloy-tuloy ang kasal. Isang taon ang nakalipas at hindi na binanggit ng mga ito ang tungkol sa kasal na ipinagpapasalamat naman niya.

Napalingon siya sa kanyang anak na tulog na tulog pa. Ang gwapo ng anak niya. Kamukhang-kamukha ng ama nito. Nilapitan niya ito at hinalikan. Lagi siyang nanggigil dito. Ang sarap pupugin lagi ng halik. Ito ang nagbibigay lakas sa kanya araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit lagi siyang excited na umuwi. Mahal na mahal niya ito.

"I love you, baby." Bulong niya rito pagkatapos halikan.

Nagising ito at idinilat ang mata.

"Mommyyy" sambit nito at bumangon saka yumakap sa kanya. Antok pa ang mukha nito. May ilang words na itong nababanggit sa edad nitong 1 year old ay matalino ito. At six ay natoto na itong maglakad na pakapit kapit pa hanggang sa nag-isang taon ito ay napakalikot na nito. Hands on naman siya sa pagtuturo nito ng alphabet at numbers at nakakatuwa dahil ang biis nitong matututo. Gifted yata ang anak niya. Itinuro nga din niya ang mga flag ng iba't ibang bansa ay agad nitong ma match kung aling flag ang bansang nasa mapa. Nakakatuwa. Siguro ang talino ng tatay nito kasi siya ay hindi naman masyadong matalino pero hindi din naman siya bobo. Tamang tama lang.

"Mommy needs to go to work na, baby. Be good boy kay yaya Selma, okay?" Sabi niya sa bata na parang naintindihan naman nito ang sinabi niya dahil tumango-tango pa.

Pagkatapos bilinan ang yaya ay umalis na siya. Nine o'clock ang time in nila sa work dahil ten o'clock ang opening ng mall.

Ready na siya for the day. Naassign siya sa lady's section particularly sa may ladies underwear na malapit lang din sa men's wear.

Inayos niya sa pagkakalagay ang mga bagong underwear at inilagay sa mga hanger. Maaga pa kaya wala pang masyadong customer.

Mayamaya ay may isang magandang babae na tumingin-tingin sa nakadisplay. Kumuha ito ng dalawang bra at anim na underwear. Kumuha din ito ng seksing t-back. Binigyan naman niya ito ng basket para doon ilagay ang mga pinamili. Tumingin-tingin pa ito ng biglang nagring amg cellphone nito.

"Hello my dear, yes, nasa SG Mall ako ngayon. Oh andito ka rin? Good. Hintayin kita dito sa lady's wear para sabay na tayong kumain. Bye" ibinalik na nito ang phone sa bag at patuloy pa rin sa pagtingin ng mga nakadisplay. Mukhang marami itong bibilhin dahil sinipat sipat naman nito ang new arrival na nighties.

Kumuha ito ng tatlong piraso at inilagay sa basket na hawak niya ng "there you are" sabi ng pamilyar na boses sa kanyang likuran.

Nagliwanag naman ang mukha ng babae ng makita ang nagsalita at malapad na ngumiti.

Nilingon naman niya ito para makita ang mukha ng lalaki.

Napatda siya sa natunghayan. Nagtama ang kanilang mga mata ngunit agad din niyang binawi ito.

Parang nagreregodon ang puso niya sa nakita. Hindi niya maintindihan kung para saan ang kanyang kabang nararamdaman.

"Hey, wait a minute I just need to pay this." Sabi ng babae at kinuha ang basket na hawak niya at dumiritso sa pinakamalapit na counter para magbayad. Para naman siyang itinulos sa kinatatayuan. Hindi niya alam ang gagawin kung aalis ba siya o mananatili roon para iwasan si Sebastian na nanatili roon at titig na titig pa rin sa kanya.

Mayamaya ay kumilos siya at nagkunwaring inayos ang mga underwear na nakadisplay doon.

"It's a small world, isn't it?" Sabi nito na nakapapitlag sa kanya. Akala niya ay hindi siya nakilala nito.

Humarap siya rito.

"Hello sir, you look familiar pero hindi ko maalala kung saan kita nakita. Pasensya na." Nakangiting sabi niya.

Napatiim-bagang naman ito sa narinig.

"Is that so? Okay let me remind you of me. " Sabi nito na bahagyang inilapit ang mukha sa kanya at halos pabulong na nagsabi," A one hell night of passion with a stranger in Peru."

Nanlaki naman ang mata niya sa narinig. Naalala nga siya nito. Pakiramdam niya ay biglang nagblush ang pisngi niya sa naalala. Ngunit hindi siya nagpahalata.

"I'm sorry sir, I never been to Peru." Pagsisinungaling niya.

Nag-abot naman ang kilay nito sa narinig.

Magsasalita pa sana ito ng tinawag na ito ng babae. Tinapuan siya nito ng huling tingin at umalis na kasama ang babae. Nobya siguro nito iyon.

Nakahinga naman si Lauren ng maluwag ng 'di na niya maabot tanaw ang lalaki. Sa lamig ng aircon ay hindi nito napigilan ang biglang paggitiw ng pawis sa kanyang katawan.

It's a small world nga dahil sa laki ng Pilipinas ay nagkita pa talaga sila.

Kinakabahan siya dahil baka makita nito ang anak niya.

Sana ay hindi na niya ito makita pang muli.

Don't Mess A BillionaireWhere stories live. Discover now