Ang Pagtatapos

541 24 10
                                    

His My Historic Guy (Finale)Our Everlasting Love

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

His My Historic Guy (Finale)
Our Everlasting Love

Malakas ang kabog ng puso ni Ayra habang tinatahak ang madilim na bahagi ng kagubatan,umaasang makita muli ang minamahal nitong si Heneral.

"Heneral!!!...nasaan ka!..magpakita ka sakin.."sigaw ni Ayra.

Alam niyang andito lang yun sa kagubatan,kaya susubukan at pipilitin niyang hanapin si Heneral kahit sa dilim ng paligid.

Halos maluha narin si Ayra,sa tuwing naiisip niya ang posibleng mangyari kay Heneral kung sakaling hindi niya ito makita at hindi niya magawa ang kanyang huling misyon.

Ilang sandali pa ay napansin ni Ayra na biglang huminto ang kabayo,parang takot na takot itong tumuloy.

Agad bumaba si Ayra sa kanyang sinasakyan,sa pag-aakalang si Heneral ang nasa unahan.Tatakbo na sana siya patungo roon,ngunit bigla siyang napatigil ng may marinig siya.

Nastatwa si Ayra sa kanyang kinatatayuan,pinilit niyang igalaw ang kanyang mga mata,upang masilip ang nasa kanyang paligid.

Unti unti inihakbang ang kanyang mga paa paatras.

Nagulat siya ng biglang tumakbo papalayo ang kanyang kabayo,pinilit niya itong habulin ngunit hindi na niya ito magawang maabutan.

Malakas ang bawat kabog ng kanyang puso,wala na siyang ibang matatakbuhan.Wala na siyang ibang mahingan ng tulong.

Muli niyang inilawan ang paligid,upang makita ang mga nilalang nakapalibot sa kanya.

Hindi nga siya nagkakamali.

Namumulusok sa bangis ang mga mata ng lobo,naglalaway rin ang mga matutulis nitong mga ngipin.Hindi na niya mabilang kung ilang lobo ang nasa kanyang paligid.

"Tu...tutulong.."bulong ni Ayra.

Alam niyang walang na siyang ibang matakbuhan kung sakaling susugod na ang mga lobo.Nanginginig narin ang mga tuhod ni Ayra dahil sa takot.

Ilang sandali niyang tinitigan ang mga lobo na papalit sa kanya,hanggang makaisip siya ng isang paraan.

Agad niyang itinapon sa harap ng mga lobo ang hawak niyang lampara at mabilis na tumakbo.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now