Kabanata VII:Silid Aklatan

722 34 1
                                    

Napalingon lingon sa paligid si Ayra, namangha siya nang tumambad sa kanya ang malawak na silid aklatan. Lahat ng mga libro ay mga luma na ngunit antigo parin ito kung tutuusin.

Napangiti si Ayra nang masilayan ang mg painting ng mga iba't ibang mukha.
Tumingala siya rito at napansin ang isang pamilyar na awra.

"Sino siya??"pagtatanong nito kay Adonis na abala sa pagbabasa ng libro.

Ibinaling ni Adonis ang kanyang atensyon sa tinutukoy ni Ayra na painting.

"Siya si Heneral Ansilmo Trinidad, ang nag iisang bayani rito sa Baryo Kabantugan. Noon isa lamang siyang na tatanging musmos na walang inisip kundi ipagtanggol ang kanyang sariling bayan.Muli nga niyang naabot ang kanyang pangarap, sa una napabilang lamang siya bilang Katipunero. Ngunit nang lumaon, siya'y nakilala at naimpluwensyahan bilang isang HENERAL. "

Maigi nitong tinitigan ni Ayra, at idiniin pa niya ang kanyang mga mata. Hanggang sa pumasok sa kanyang isipan ang ala-ala.

"Ang lalaking ito... Siya yung....nakita ko sa banyo... kanina..!!"nanginginig na sagot ni Ayra.

Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang nangyaring kaganapan kaninang umaga. Halos, mawalan siya ng boses kanina sa kakasigaw nito,muntikan lumabas ang kanyang kaluluwa.

"Anong ibig mong sabihin... Nagkita kayo?!"gulat na tanong ni Adonis

"Parang ganun na nga.. "wala sa sariling sagot nito

"Naku po... "

Kagaya nga ng iniisip nina Juanito at Anyeras.Kinakabahan si Adonis, na masyado pang maaga upang magkita ang dalawa.

"Bakit?? Adonis?? "

"Wa-wala... Wag muna akong intindihin.. "

Adonis POV.

Naku po, lagot talaga ako nito kapag nalaman ni Heneral na andito nagtatago si Ayra sa Silid Aklatan. Ayuko ko pang palayasin siya rito,kailangan ngayon ni Ayra ang proteksyun ko.

Kinakabahan ako baka muling mawalay sa amin ang babaeng ito, nagpapasalamat ako at dito siya napadpad sa silid-aklatan ko.

Isa isa niyang tinitingnan ang mga painting ng mga Heneral noong mga nagdaang henerasyon. Isa sa kanyang nagbigay atensyon kanina ay ang painting ni Heneral Ansilmo.

Magtatagumpay ba kami nina Juanito sa pinaplano namin, paano kong mabibigo kami.Sigurado akong mag-aantay na naman kami ng ilang decada para sa nakatakda. Ayuko  ng mag-antay pa, nahihirapan na ako sa sitwasyon ko.

Third Person POV

Masayang binubuksan ni Ayra isa isa ang mga libro.Nakasanayan niya noon na magbasa ng libro. Madalas nga siyang binibilhan ng kanyang Daddy ng mga iba't ibang libro ng Harry Potter,Dictionary, Encyclopedia,  at iba pa.

Ang pumukaw sa kanyang atensyon ay ang libro na kulay pula. Tanging limang litra lamang ang naka-ukit rito sa libro.

M. A. H. A. L

Umusbong ang koryusidad ni Ayra sa Libro kayat ito'y kanyang idinala sa isang upuan at binuksan ang unang pahina.

Blanko lamang ito, sinunod naman niyang buklatin ang sumunod na pahina at tumambad sa kanya ang isang mensahe...

Ayra Pov.

Bumungad sa akin ang isang cursive na mga letra. Hindi ako mahilig magsulat nang cursive, kaya hindi rin ako marunong bumasa nito, sa kadahilanan na nalilito ako sa mga letra.

Kahit na naguguluhan ako sa mga salitang ito, pinilit ko parin itong basahin ang bawat pangungusap.

Minamahal kong Laila,

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon