Kabanata XVIII-Pagsisi

441 25 0
                                    

....

Nandito kami ngayon sa lumang fountain,ilang sandaling namayani ang katahimikan sa paligid.Pilit parin kaseng pumapasok sa isipan ko ang pangyayari nakita ko kanina.

Ang painting na nahawakan ko noon,at ang puno.May iisa silang ibig ipahiwatig.

Nakikita ko sa mga mata ni Heneral ang lungkot na dinaranas nito.Alam kong napakaimportanting sa kanya ang babaeng iyun.Kaya nabigla siya kanina ng sabihin ko ang pangalan na iyun.

"Ako si Heneral Ansilmo Trinidad,dating namumuno sa mga kasundaluhan noong unang panahon."saad niya.

Naglalakad siya sa harap ko habang pinapaliwanag ang lahat.

"Sinugod ang aming bayan noon ng mga Hapones,araw iyun na umusbong ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan,sinubukan naming makipaglaban sa kanila.Ngunit,dahil sa kapabayaan ko naipahamak ko ang mga kasamahan ko, at napilitang umurong at sumuko.Labis ang pagsisi ko noon,walang araw at gabi na hindi ako umiiyak.Pilitin ko mang baguhin ang nakaraan ngunit wala na akong magagawa pa."tugon niya.

Habang nakikinig ako sa kanyang sinasabi,nararamdaman ko sa kanya ang matinding kalungkutan at pagsisi.Naawa ako sa kanya,maaring nagkamali nga siya ngunit hindi niya kasalanan ang pagkasawi ng kanyang mga kasamahan.

Tiningnan niya ako,at dun ko nakita sa kanyang mukha ang kalungkutan na dinarama nito.Ibang iba ang Heneral nakilala ko noon,sa Heneral na nasa harapan ko ngayon.Inosente ang mukha,mukhang naghahanap ng karamay sa kanyang mga problema.

"Kasalanan ko ang lahat..."tugon niya at muli nakita ko sa kanyang dalawang mukha ang pag-agos ng kanyang luha.

Shit,...bakit naawa ako sa kanya..

Di ko maiwasang maawa sa kanyang kalagayan.Nagsisi ako sa panghuhusga sa kanya bilang isang masamang tao,hindi ko alam meron pala siyang malalim na pinagdaanan.

Tumayo ako at lumapit sa kanya upang yakapin.Nais ko iparamdam sa kanya na hindi siya nag-iisa,nandito ako,at handang damayan siya sa lahat ng kanyang pinagdadaanan.

Ngunit bigla siyang tumayo at naglakad.

"Heneral,wala kang kasalanan sa nangyari.Kahit na wala ako sa panahong iyun nararamdaman ko sa'yo na wala kang ginawang mali,at alam kong ginawa mo iyun dahil sa kapakanan ng mga kasamahan mo."sabi ko sa kanya.

Gustong gusto ko siyang mayakap,ngunit hindi ko magawa.Naawa ako sa kanyang kalagayan.Masyado niyang sinisisi  ang kanyang sarili,sa pangyayaring iyun.

Pumikit siya at pinunasan niya ang tumulong luha sa kanyang mata.Sana napagaan ko ang kanyang loob,na ilang dekada na niyang dinadala ang mabigat na kalooban.

"Nandito kami Heneral upang damayan at tulungan ka, patawarin niyo narin po ako at ipinaalala ko pa sa'yo ang nangyari...."mahinahon na tugon ko sa kanya.

Tumalikod siya mula sakin.

"Salamat .."tugon niya bago siya naglakad paalis.

Napangiti ako sa kanyang sinabi,hindi ko inakalang nagawa ko yun.

"Napalambot ko ang puso ng Heneral.."bulong ko.

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now