Kabanata XV-Utos

420 29 1
                                    

Ayra POV.

Hindi ako mapakali sa sinabi ni Adonis,akala ko nagbibiro lang siya,yun pala seryuso siya.

Naku po,ano bang gagawin ko hindi pa ako handa.Ayukong paalisin niya ulit ako.Baka pag-uusapan niya ang parusa na ipapataw sakin kase bumalik pa ako ng mansion.

Sino ba kasi tong nilalang na nagbalik pa sakin dito.Di ko na tuloy alam kung anong gagawin ko ngayon.

"Mag isip ka sa maging disesyun Ayra..mapapahamak ka talaga..."

Napalingon ako sa likod ko nang makita kong bumukas ang pinto at pumasok si Anyeras.Agad akong lumapit sa kanya at lumuhod.

"Anyeras,anong gagawin ko.."pag-alalang tugon ko sa kanya.

Kailangan ko ang sasabihin ni Anyeras dahil sa kanya lang nakasalalay ang buhay ko.

"Wag kang mag alala Ayra,andito naman ako sa tabi mo.."mahinahon na sabi ni Anyeras.

"Baka kung anong gawin sakin ng Heneral, Anyeras.Natatakot ako .."maluha luha kong tugon.

Ayukong mapahamak sa ganitong sitwasyon,nakaligtas nga ako sa mga lobo ngunit kay Heneral imposible na ata.

"Ito na ang tamang panahon Ayra,maipagpapatuloy mo na ang misyon."nakangiting tugon niya sakin.

Ilang sandali pa ay iniwanan na niya ako,kailangan kong ihanda ang sarili ko.Kahit anong mangyari sakin mamaya basta paninidigan ko ang pangako na binitawan ko.Tutulungan ko sina Anyeras sa abot ng aking makakaya.
Kailangan kong makabawi sa lahat ng ginawa nila sa akin.

Humarap ako sa isang malaking salamin at tiningnan ang aking sarili.Medyo maayos na ako sa White Floral Whole dress ko,at tsaka inalagay ko rin sa ulo ko ang isang headband na ibinigay sakin ni Kyle.

Medyo kinakabahan parin ako sa magiging kahantungan ng pag-uusap mamaya.Pero kailangan kong harapin ang problema.

Pes yur provlem ika nga..

Huminga ako ng malalim,ng malim na malalim,mas malalim pa,at ibinuga ito ng napakalakas.

"Bwahhhh..."

"Ayan ok na ...nawala ng kunti ang kaba ko ..."

Tumuloy na ako sa paglalakad,hawak hawak ko ang sarili kong mga kamay na ngayon ay nababasa na dahil sa pawis nito.

Paglabas ko pa lang ng kwarto ay biglang ng sumalubong sakin ang malamig na hangin.Kinikilabutan tuloy ako.

Ayun na nga,nagpatuloy na ako sa paglalakad ko,patungo sa hapag kainan.

Napapansin ko na masyado akong mabilis maglakad kaya pinilit ko itong hinaan para matagal akong makarating dun.Kaso parang may tumutulak sakin at kusang bumibilis ang paghakbang ko.

"Ayra..pigilan mo sarili mo ..masyado kang mabilis maglakad ...."

Patuloy parin ang paghakbang ng mga paa ko,hanggang ilang sandali pa ay napansin ko na ang sarili ko na tumatakbo.

Hanggang makarating na ako sa isang silid kung saan gaganapin ang isang kunting salo salo.

Napahawak ako sa isang pader nang maramdaman ko na hinihingal ako.Para akong hinabol ng aso.Wala talaga akong mararating sa sarili kung palagi nalang katangahan pinagagawa ko.

Nang inangat ko ang ulo ko,bigla akong napaatras ng makita ko ang kanilang mga seryusong mukha na nakatingin sakin.

"Shit...andito na pala sila lahat ...kahiya..."

Itinuwid ko ang pagtayo ko at maingat na pinapag ang damit ko.Kahiya talaga,di ko inakalang nandito na pala sila lahat.

Puro katangahan nalang talaga pinaggagawa mo Ayra.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon