Kabanata XXVI-Pipigilan kita!

375 20 0
                                    


Heneral Ansilmo POV.

"Nakapagdesisyon na akong aalis ng mansion."

Bigla kaming natigilan sa narinig namin.Hindi kami makagalaw sa aming kinatatayuan masyado kaming nabigla sa kanya.

Lumingon sakin si Anyeras at tila nagtataka sa sinabi ni Ayra.

"A—ayra..Anong ibig mong sabihin..."kinakabahang tanong niya kay Ayra.

Tinitigan ko siya at mukhang nakatuon lang ang kanyang paningin kay Anyeras.Hindi niya parin ako nakikita.

"Aalis na ako dito sa mansion.."ulit niya.

Unti unti ako kinabahan sa kinikilos ni Ayra.Hindi ito ang tamang panahon na umalis siya ng mansion.

Oo,pinangarap kong mawala siya sa buhay ko.Ngunit ngayon pa ba siya aalis kung saan tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.Gusto kong bumawi sa lahat na pagkukulang ko sa kanya,gusto ko pang humingi ng tawad sa mga ginawa kong kalapastanganan sa kanya..

"Ba—bakit?..anong dahilan?..hindi pa tapos ang misyon mo.."kinakabahang sabi ni Anyeras.

"Patawarin mo ako Anyeras at kailangan ko ng umalis dito.Ayukong malagay muli sa alanganin ang buhay ko."saad niya.

Pinagmamasdan ko ang kanyang mga mata.Nararamdaman kong may kakaiba sa kanya.

"Anong malagay sa alanganin??.Ang lahat na iyun ay aksidente lamang Ayra.Hindi iyun dahilan para umalis ka...Niligtas ka ni Heneral.."paliwanag ni Anyeras sa kanya.

"Aksidente???..Yan ba ang sinabi sa'yo ni Heneral,Anyeras??.."sambat niya samin,naglakad si Ayra patungo sa kinatatayuan ni Anyeras.

Nagtataka ako sa kanyang kakaibang kinikilos ,kakaiba ang kanyang pakikipag-usap kay Anyeras.Mukhang may nararamdaman akong hindi tama.

"Ba—bakit??.."pagtatakang tugon ni Anyeras.

"Aksidente ba na sinadya niya akong iwan sa kubong iyun upang hayaan na magahasa ng mga magsasaka doon..."sigaw niya.

Naramdaman ko ang pagtayo ng mga balahibo sa katawan ko,hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko.Para akong sinampal ng katotohanan..
Papaano niya nalaman lahat ng iyun,lahat na ginawa kong plano sa kanya.

"A—nong ibig mong sabihin Ayra.."

Kinakabahan na ako,hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon ayuko munang malaman ni Anyeras iyun.

"Ewan ko kung anong plano niya para sakin.Basta ang alam ko lang,sinadya niya akong iwan  sa kubo iyun upang hindi na ako makabalik dito sa mansion!!"sigaw ni Ayra,nararamdaman kong labis ang kanyang puot na dinadala ngayon,nasisiguro kong labis ang kanyang galit sakin.

"A—ayra.."iyun ang tanging mga salitang lumabas saking mga labi.

Kung maari lang niya akong marinig,gusto ko sabihin sa kanya lahat ng buong pangyayari.Na hindi ko sinadya na mapahamak siya,nais kong malaman rin niya na nagsisi ako sa lahat ng ano mang ginawa ko sa kanyang buhay.

Galit ako sa sarili ko ngayon,ganito naiidulot sa pagiging makasarili ko.Di ko man lang inisip ang kapakanan ng buhay ni Ayra.

"Di ko matiis Anyeras,kung patuloy siya sa kanyang pagiging makasarili.Siguro mas mabuti pang di ko nalang ituloy ang misyon ko at umuwi na sa bahay namin.."nakita ko siyang yumuko,at pinunasan ang tumulong luha sa kanyang mukha.

"Patawarin niyo ko Anyeras,gusto ko pang umuwi sa bahay ko at makita ang aking ama.Marami pa akong pangarap sa buhay,marami pa akong gustong gawin.Ayukong darating sa punto na hindi na ako makakabalik sa amin dahil wala na akong buhay."sabi niya bago siya tumakbo paalis.

He's my Historic Guy Où les histoires vivent. Découvrez maintenant