Kabanata XXI-Lihim na Pagtingin

467 27 0
                                    


AYRA POV.

Naalimpungatan ako nang masinagan ako ng liwanag na pumapasok galing sa labas.Masarap na ang pakiramdam ko ngayon kumpara kagabi,na halos lagnatin na ako sa lamig.Inunat ko ang buong katawan ko,para makakuha ng enerhiya.

Pagbukas ng mata ko ay laking gulat ko nang mapansin kong iba ang paligid,nasa ibang lugar na ako.Sa isang maliit kwarto,nandito na ako ngayon isang kama.

"Ouh my god..paano nangyari yun.."

Sa pagkakatanda ko nakahiga ako sa isang banig,habang pilit na tinatakpan ang katawan ko sa isang maliit na kumot.Hindi maari,paano nangyari yun.

Napahawak ako sa magulo kong buhok at napagtanto ko kung paano ako nakarating dito sa loob.

"Si Heneral.."

Agad akong napabalikwas sa higaan ko,at agad nagtungo palabas ng kwarto.Lumingon ako sa paligid,ngunit napakapayapa nito.Agad rin akong nagtungo sa kusina ngunit wala din siya doon.

Nagsimula na akong mag-alala,kinakabahan ako baka iniwan na ako no'n.May usapan kami ngayon na aalis ng kubo at magjo-jogging sa gilid ng lawa.

Excited pa naman sana akong sumama sa kanya,ngunit hindi wala na siya rito.Nalibot ko narin ang buong kubo pati sa labas ngunit hindi ko na siya nakita.

Napaupo nalang ako sa damuhan habang sinisilayan ang kumikislap na lawa.

Wala na akong magagawa,iniwan na nga niya ako.

Napaka-selfish niya,di man lang niya ako ginising.Hanggang ngayon ba wala parin siyang concern sakin,may usapan kami.Dapat kasama niya ako ngayon,dapat andun ako para samahan siya.

"Hipokrito!!Mamatay ka na sana!!!"sigaw ko!

"Anong sabi mo?!."bigla akong napaigtad nang narinig ko ang isang boses na galing sa likod ko.

"Wa-wala po Heneral..."nauutal na sagot ko sa kanya,hindi muna ako lumingon sa kanya alam ko kasing narinig niya yung mga sinabi ko.

Kahit saan ka talaga Ayra,pahamak ka talaga!.

"Tumayo ka na diyan at magbihis.Tayo'y tatakbo na.."nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang kanyang boses.

Gumuhit saking mga labi ang ngiti,akala ko iniwan na niya ako,akala ko wala na siyang pakialam sakin.

Nang makita ko ang kanyang tindig,may kakaiba na naman akong naramdaman.Hindi ko alam pero masayang masaya ako nang makita ko siya.Kung maari ko pa sana siyang hawakan, napayakap na ako sa kanya sa sobrang saya.

Tumango ako at pumasok pabalik ng kubo.Agad kong inayos ang sarili ko,itinali ko ang buhok ko na ponytail at isinuot ang damit na ibinigay sakin ni Heneral.Namg matapos na ako ay agad na akong bumalik sa labas kung saan siya naghihintay.

"Tayo na po..."nakangiting tugon ko sa kanya.

Sinulyapan niya lang ako at nagsimula na siyang tumakbo.

"Uy,antay..."

Matagal tagal narin akong hindi nakapag-jogging.Noong mga panahon na nasa Manila pa ako,mini-maintain ko ang healthy lifestyle ko.Kahit na,nahihirapan akong e-achive ang fitness goal ko,basta maging healthy lang ako,sapat na yun.

Ibang iba ang ganda ng lawa ngayon,umaantig ang nakakasilaw na liwanag na galing sa araw.Hindi ko maiwasang madismaya dahil di ko man lang nadala ang cellphone ko,edi sana may mai-share ako sa IG ko.

Nasa unahan ko si Heneral ang angas niyang tingnan habang suot ang isang sando at jogging pants,namumutok rin ang kanyang malaking braso.Simula kanina hindi parin niya ako kinakausap,wala paring pinagbago masungit parin.Hindi ko nalang siya pinansin bagkus itinuon ko nalang ang atensyon ko sa pagtakbo ko,baka kasi madapa pa ako dito,another kahihiyan naman pag nagkataon.

He's my Historic Guy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon