Kabanata VIII:Victor

688 34 1
                                    

"Paano nila natunton ang mansion!!"sigaw ni Anyeras.

"Hindi ko alam.Pero paparating na sila!."balisang sagot ni Adonis.

"Hindi maari... Anyeras, ihanda ang ating mga sandata!.Adonis!, protektahan ang Heneral! Ayra, dito kalang wag kang aalis!.Nasisigurado akong ikaw ang sadya nila! Tayo na!!"agad silang nagmadaling lumabas at iniwan ako.

Anong sinasabi ni Juancho na ako ang sadya nila, e di ligtas na ako. Andyan na sila upang ipagtanggol ako, makakatakas na ako rito.

Pero bakit, parang may pumipigil na wag munang sumama sa kanila.

"Hindi eh, parang may mali... "

Paparating na sila para sunduin ako pero sa kalooban ko, parang ayaw ko munang umalis sa mansiong ito.

Nag-isip muna ako nang malalim na dahilan, nalilito na ako. Nanganganib rin ang buhay ngayun nina Juancho, anyeras at Adonis, pati narin si Heneral.

Baka may kung anong gawin si Daddy sa kanila, ayuko ko ring mapahamak pa ang mga kaibigan ko. Sila ang nagligtas sa akin noong akoy inataki ng mga lobo sa labas nang mansion, pati narin si Heneral Ansilmo.

"Hindi, hindi pa ako aalis rito... Marami pang misteryo ang nakabalot sa mansion ito, kailangan ko yung matuklasan at mabigyang linaw ang nangyari sa kanila. "

Muli akong tumayo, naglakad patungo sa pintoan, pero sa kadahilanan hindi ko mabuksan ang pinto, pinilit ko pang paikotin ang doornob pero ayaw parin e. Napalingon ako sa paligid, walang ibang madadaanan.

"Kainis, gusto ko pa naman sana silang tulongan!."

..... ANYERAS POV......

Hinihingal ako habang inaakyat ang patungo sa itaas ng tore, kung saan nakapalagay ang mga sandatang panlaban namin.Kailangan naming protektahan ang sarili namin, lalo na't kakaiba kami sa tingin ng mga tao.

Ngunit nagtataka ako kung bakit nila natuntun ang mansiong ito,gayung pinaliligiran ito ng isang sumpa.

Nag-alala ako, baka muling babalik ang tunay na ugali noon ni Heneral ayuko nang muling may masaktan pa. Natatakot rin ako kung sakaling magtagumpay sila sa kanilang plano, at makuha nila si Ayra.Ayukong mangyari yun, si Ayra lamang ang tanging makakatulong sa amin.Ayaw rin naming malaman pa ng ibang tao ang tungkol sa misteryong bumabalot sa mansiong ito.

Agad ko nang itinulak ang malaking pinto bago pumasok sa loob. Binabalot na ito ng mga alikabok, ilang taon narin kase simula noong itinago namin ito rito. Sinindihan ko na ang kandila na hawak hawak ko at inilibot ang paningin ko sa paligid.

Bumungad sa akin ang mga ibat ibang sandata na naging tulong noon sa labanan ng mga espanyol. Hindi na ako nagpaligoyligoy pa, agad kong pinulot ang isang Espada at Pana. Siguro sapat na ito, sa totoo lang nahihirapan akong buhatin ang mga ito. Sa liit kong ito,kahit isang Espada hindi ko mabuhat.

"Paano ko naman ito bubuhatin patungong ibaba. Ang bigat bigat nito!"pagrereklamo ko. Paano nato'.

"Ako nang bahala diyan, Mahal."tugon ng isang pamilyar na boses.

Hindi na ako lumingon pa, alam ko na kung saan nanggagaling ang boses na yun.Bakit siya nandito,matagal ng panahon simula noong iniwan niya ako.

"Bakit andito ka, anong kailangan mo!"pagsisigaw ko.

"Matagal na akong nandito Mahal, hindi mo lang ako pinapansin."saad niya. Isang malamig na hangin ang bumalot sa katawan ko. Muli kong nararamdaman,ang halimuyak na araw't gabing hinahanap ko.

"Victor, bakit... Ngayon kalang nagpakita!!"napapikit ako sa lungkot na naramdaman ko, ang pag-agos ng mga luha sa mata ko.

"Patawad aking mahal, wala akong sapat na lakas upang iharap ang pagmumukha ko sa iyo."tugon niya sa akin.

"Wala ka namang kasalanang ginawa.."

"Meron Anyeras.. Meron.. "

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at humarap sa kanya,bigla akong natigilan ng masilayan ko ang kanyang kakaibang anyo.Malabong na mga balahibo sa kanyang mukha at katawan,at ang kanyang matutulis na mga ngipin at mga kuko sa kamay.Hindi ako makapaniwalang si Victor ito.

"Wag kang matakot sa akin Mahal, ako ito. Isinumpa ako ng isang bruha kaya ako naging ganito. "

Nakikita ko naman sa kanyang mata ang lungkot na dinaramdam niya ngayon. Naawa ako sa kalagayan ni Victor, naawa ako kase ako mismo na kabiyak niya ay walang naitulong sa kanyang kalagayan ngayon.

"Vic.. Victor.!!!"muli ko siyang niyakap nang mahigpit.Kahit anong anyo pa siya tatangapin at tatangapin ko siya ng buong pagmamahal.

.... Ayra POV....

Napilitan na akong umakyat gamit ang isang hagdanan, kahit nahihirapan ako sa posisyon ko ngayon, ngunit sinusubukan ko paring gawing balanse ang katawan ko.

Binuksan ko na ang hindi kalakihang bintana, sinubukan ko munang dungawin ang labas nito, mataas ang pagitan nito sa sahig.

Pero kung tatalon ako rito, madali lang yun.

"Bakit pa ba kase nila nilock yung pinto, e' sana meron silang katulong doon."pagrereklamo ko.

Inuna ko munang ipinasok ang binti ko, siguro kasya naman ata ako rito. Kahit ipasok pa ako sa tubo ng tubig kakasya ata ako dahil sa kapayatan ko.

Ipinwersa ko ang buong lakas, upang maitulak ang katawan ko palabas ng bintana, nang tuluyan ng nasa kalahitian ang katawan ko.

"Sigurado ba talaga ako rito,parang magpapakamatay ako sa sitwasyong ito... "

Si Lord na talaga bahala sa akin, kung sahig o langit ba ang patungo ko..

"Mumultuhin ko talaga yung mga bagay na yun kapag namatay ako dito.. "tumingin muna ako sa ibaba, nakakalula ang taas nito.

"Dyos ko Lord.. Kayo napo talaga bahala sa akin... "

Agad ko nang binitawan ang kamay ko at agad agarang lumanding sa sahig. Hindi agad ako nakagalaw,nang biglang kumirot ang baywang ko.

"Aaa... Aaraaay... Ang sakit... "

Kay bago-bago pa akong gumaling sa pilay ko, ito naman ang baywang ko ang sumunod. Ang mansion talagang ito ang nagdala nang malas sa buhay ko.

Ngunit ilang sandali palang, napalingon ako nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Ayra, bakit ka lumabas nang silid aklatan, delekado ngayon dito"agad niya akong nilapitan, at inalalayang tumayo.

"Eh, bakit niyo naman nilock yung pinto, napilitan tuloy akong tumalon sa bintana"

"Ano!.. Kakagaling mo palang,halika gagamotin muna kita.."pagalalang tugon niya.

"Ok lang to, wag na.. Mawawala rin 'to"pagtatangi ko sakanya.

Hindi ko alam,concern rin pala sakin tong masungit na libro.Para atang biglang bumait,for sure may nahanap itong happiness.Ganyan kasi  pakiramdam ko kapag crinushback.

Ngayun ko lang napansin na may kasama siyang ibang nilalang. Natigilan ako ng isang malaking halimaw ang lumitaw sa liwanag. Hawak hawak nito ang ibat ibang sandatang pandigma.

"Si.. Si.. Sino siya Anyeras??.."kinakabahan na tugon ko sa kanya. Kakaiba ang kanyang itsura,kaya't unti unti akong napapaatras.Mas nakakatakot pa ata ito sa pagmumukha ni MOMO.

"Siya si Vector, ang Dating Asawa ko."pagpapakilala niya rito.

"Seeess...sigurado akong Victor yan,masyadong ka lang pabebe teh.."

Sabi ko na nga ba,may jowa pala tong masungit na to.Masyado kasing Grumpy noong una parang may regla.Hindi yata nabilhan ng milkitea,french fries tsaka berger.

Nilapitan ko kunti si Anyeras at mariing inilapit ang bibig ko sa kanyang tenga.

"Di ko alam,pumapatol ka pala sa mukhang kalabaw??charooot.."pagbibiro ko.

"Tigilan mo nga ako sa kalokohan mo Ayra, tayo na kailangan ng tulong nina Juancho"saad niya.

Aaktong lalakad na sana kami nang marinig namin ang isang malakas na pag sabog.

"SI JUANCHO!!!"

Don't forget to vote.Thank you!

He's my Historic Guy Where stories live. Discover now