Wow. Buti naiisip ko ang mga bagay na 'to.











Pero paano nga ba ako nagkasakit at paano ako umuwing masaya sa kabila ng umaapoy kong lagnat?








Flashback.










"Oh shesh!"











Napayakap ako sa sarili nang humampas ang malakas na hangin papunta sa'kin na may tangay-tangay pang ulan. Nasa silungan na ako nitong waiting shed pero nababasa pa rin ako. Basang-basa na ako. Nanginginig kong sinilip ang phone ko sa bag at tinext si Akaizha mula roon. Kinakabahan ako dahil alam kong magagalit siya kapag nakita niya ako rito na sinusundo siya. Magagalit na naman yun dahil hindi ako nakinig sa kanya. Hindi naman sa ayaw kong makinig pero mas nangingibabaw kasi ang pag-aalala ko lalo na nang makita ko ang ganitong lagay ng panahon ngayon. May bagyo yatang hindi na naman ako aware. Dapat talaga nanunuod na ako ng balita e. Maging si daddy ay tumangging idaan ako rito sa school pero dahil mapilit ako, ito ako ngayon...stranded at hindi makaalis dito sa kinaroonan ko. May payong naman ako pero hangin palang, talong-talo na ito. Nasira pa nga.











'Baboo, nakauwi kana?' I texted her.











Wala pang isang minuto, sa halip na reply niya ang dumating, tawag mula sa kanya ang natanggap ko. Bigla naman akong nataranta pagkakitang-pagkakita ng pangalan niya sa screen ng phone ko.









Patay kang bata ka!













Halos umabot ng sampung segundo bago ko sagutin ang tawag niya. "B-baby?"











"Pauwi na ako. Nag-stay lang ako sandali rito sa sasakyan dahil masyadong malakas ang ulan. It's not safe to drive."











"Tama, diyan kana lang muna."













"How 'bout you? Nakauwi kana?"












"Uhm..." Napakagat labi ako at napapikit. Nilalamig na nga ako, kinakabahan pa ako, ghad. Paano ko sasabihin sa kanyang nandito lang ako sa labas?












"Where are you? What is that sound?" Nagtataka nang tanong niya. Hindi ako nakasagot. Hindi ko pa siya nakikita, nap'picture out ko na ang kanyang mukhang hindi na maipinta. "Geez! Nandito ka ba sa school?!"










Omg, she's mad. My boss is mad.











"B-baboo kasi..."










"Kasi what?! Where are you?!" Puno ng iritasyong tanong nito nguni't mahihimigan pa rin ang pagka-alarma at pag-aalala sa boses niya. "Pupuntahan kita. Saan ka?"










"Waiting shed po. Sorry. Dapat——!"










"Stay there. Don't go anywhere. Ang stubborn mo talaga, Perez!" Asik nito at binabaan ako. Inis na inis ang tinig niya kaya wala pa man...nag-iisip na ako kung paano ko siya papakalmahin at kung anong paliwanag ang sasabihin ko sa kanya. Gayunpaman, napangiti pa rin ako. Bawat kilos na ginagawa niya at salitang nanggagaling sa kanya'y parating may hatid na kiliti sa'kin. I always find it sweet. Isama na rin natin pati ang pagsusungit niya na mas ikinagaganda niya.










Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon