I

41.7K 965 465
                                    

Let's love with hearts half-hearted—
and walk through life asleep.
Do not dream of dreams departed,
of the one, we couldn't keep.

~Sea of Strangers (Danger of Love)



Chapter 1 - Until we meet again or Never again



Special sa akin ang araw na ito. Napakaganda at maaliwalas na Sabado kung ikukumpara sa mga nakalipas na araw. Ramdam ang gaan ng kapaligiran sa bawat taong nakikita ko, kapansin-pansin ang magandang ngiti na nakaukit sa kanilang mga labi. Hindi ko maiwasang mapangiti sa magandang simula ng araw na ito, sadyang nakakahawa ang kalmadong panahon na mayroon ngayon.



Pero tangina, bakit ganito ang tono ko? Para akong nagbabasa ng dula.



Ngayon ang araw ng pagtatapos ng mga Senior High student na nasa huling baitang dito sa Harrison College. Katatapos lang ng programa kaya mas naging abala ang lahat sa pagkuha o pagpapakuha ng litrato, mas dumami rin ang palakad-lakad sa paligid. Everyone looks great. Bilang dating mag-aaral at matagal-tagal na ring nanatili sa paaralang ito kasama ng dalawa kong timawa na kaibigan, hindi namin pinalagpas ang pagkakataong dumalo rito ngayon at maging parte ng isa sa hindi malilimutang araw ng mga taong naging parte na rin ng buhay namin, at saksihan ang pag-akyat sa entablado ng dati naming mga kaklase. Nakakatuwa at nakakaproud na walang naiwan sa batch namin kahit pa ang iba sa kanila'y medyo pasaway noon. Kinaya naman. Bukod sa aming tatlo na sumakabilang paaralan; lahat ay matagumpay na nakakuha ng diploma. So, on to the next.



Huminga ako ng malalim at nagbaba ng tingin. Sa totoo lang, hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko ngayon. Para akong maiihi at matatae.



What if natatae lang talaga ako?



Kasalukuyan akong nakaupo sa isang upuang kahoy dito sa Mini Park habang tapik-tapik ang dalawa kong tuhod at paminsan-minsang ikinukuyom ang aking mga kamao para mapanatiling mahinahon ang gaan ng pakiramdam at balanse ng emosyon ko; sa ganitong paraan ko ikinakalma ang sarili sa tuwing tensyonado ako. Kanina ang lakas pa ng loob ko. Pero kanina pa 'yon! Now, I could already hear my own heart beat. Tila ba hinahampas ang puso ko; hindi masakit—hindi pa—ngunit para naman akong mababaliw. I was even trembling.



"Fvck! Gwen, you need to calm down."



Sabi sa nabasa ko, to ease your anxiety, the 'five senses technique' could be useful. It is! I always use it. But not this time. By the way, that technique works by connecting with each of your five senses. For instance, you have to name five things you can see and say them loudly, then four things you can feel, three things you can hear, two things you can smell, and one thing you can taste. It was always useful, but it wasn't working this time. Nag-ooverlap na kasi ang iba't ibang nararamdaman ko: may takot na, kaba, at overthinking pa.



"Hi. Sorry ang tagal ko. Kanina ka pa rito?"



Parang huminto ang paghinga ko nang may magsalita sa harapan ko—ang taong dahilan kung bakit ako natutuliro ngayon.



The last time I checked, I don't like her. I hate her. Kung anu-ano pang pinagsasabi ko at panunumpang ginawa sa kanya pero ang ending ako pala itong mababaliw sa kanya. Jokes on me, though. Pinaglalaruan kami ng tadhana—or maybe ako lang? Hindi nakakatuwa ah. Hindi ako happy kasi alam kong hindi ko rin mararamdaman ang salitang iyon bago pa man matapos ang araw na ito.



Nag-angat ako ng tingin sa kanya at halos ay matunaw ako sa matamis na ngiti na bumungad sa akin. "H-hi." Bobo ko. Nautal pa. "It's okay. Kararating ko lang din dito."



Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now