III

18.9K 744 180
                                    

Because there was love and then there was you.

~ Lang Leav


Chapter 3 - Almost yet did.



"Gwen, airport! Now na!"



Naputol ang malalim na iniisip ni Gwen nang mangibabaw ang masakit sa pandinig na boses ni Kim Robert. Nakasimangot siyang bumaling sa kaibigan dahil sa tono nito'y para siyang inuutusan samantalang nasa pamamahay niya ito ngayon. Prente itong nakaupo habang magkacross ang mga binti at busy sa kanyang cellphone.



Bumalik siya sa kanyang iniisip at nagtaingang kawali lamang sa narinig mula kay Rob. Hindi niya rin naintindihan ang sinabi nito kaya ipinagsawalang bahala niya na lamang.



Pinagpatuloy niya ang malalim na iniisip kanina pa——hindi, kung tutuosin...kagabi pa. Hindi niya nagawang matulog ng maayos dahil sa walang tigil na pagdampi sa kanyang isipan ng mga nangyari kahapon. Ang babaeng minsan na niyang inidolo noong nasa sekundarya pa lamang siya at ngayon ay nagtapat sa kanya at inangkin pa siya bilang asawa. Asawa? Ihh, nakakakilabot. Napangiwi ito sa isiping 'yon. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasabi ng dalaga ang mga bagay na iyon. Hindi rin niya mahinuha na mag-aasawa siya ng babae in the future. Tapos ang bata-bata ko pa! Mapapatay talaga ako ng magulang ko. At kung babae man talaga ang makakatuluyan niya, sana ay may kakayahan siyang pumili dahil walang pagdadalawang isip na—!



Cut! This narration is too much. Kung babae man ay hindi na ako mag-aasawa. Ganon 'yon!



Oh, hindi na raw siya mag-aasawa. Buti na lamang talaga ay lumabas ng unit niya ang kanyang kaibigan at iniligtas siya sa magulong pagtatapat na iyon dahil baka kung ano pang nasabi niya at saan pa mapunta.



"Gwen, ano ba!" Singhal ni Roberto nang mapansin na hindi siya pinansin nito.



"Bakit ba?! Ang gulo-gulo mo!" Sigaw niya pabalik sa kaibigan. Imposible namang magpatalo siya pagdating sa sigawan. Nagpapatagisan pa nga ang mga ito.



Aba'y bahay namin 'to, demonyo siya.



"Bingi ka ba?!"



"Sana nga bingi nalang ako para hindi ko naririnig ang kaingayan mo. Ano ba kasi 'yon?!"



"I just said airport! Mongoloid ka talaga!"



Halos ay magdikit na ang mga kilay ni Gwen dahil hindi nito makuha ang pinaparating sa kanya ng magulong si Roberto. "Airport? Puchang gala. Umayos ka naman, baks! Ang gago kausap, ay."



"Sabi ko pumunta kang airport! Okay na? Hayup na yan!" Sigaw naman nito. Abot na sa kasulok-sulukan ng bahay ang boses nila kaya napapailing na lamang at medyo natatawa ang mga kasambahay na nakakarinig sa mga ito. Hindi na bago sa kanila ang mga ganitong eksena lalo na kapag magkakasama ang magkakaibigan, especially these two. "Umalis kana nga rito!"



"Bahay namin 'to. Tanga ka?! At saka bakit mo ako pinapapuntang airport? Bakit ka naninigaw?!"



"Magpasagasa ka sa airplane at nang mabawasan ang bwesit sa mundo!" bara niyang sagot sa nag-aaladragon nang si Gwen. Napasinghap naman ang isa sa narinig. "Tita oh. Yong bunganga ni Gwen oh. Nagmumura na naman siya." Sumbong pa nito.



"Anong airport? Edi sana ikaw pala 'yong pumunta dun. Ikaw lang naman ang bwesit dito. Wala kang kwentang kausap! Magpasagasa ka dun, please!" Pabulong na sigaw niya pabalik kay Roberto, takot marinig ng magulang dahil patay na naman siya kapag narinig ang kung anu-anong lumalabas sa bibig niya.



Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon