XIV

16.1K 683 239
                                    

I can live a million lives,
and will never love someone
as much as I do, you.

-Unknown




Akaizha's Point of View






Chapter 14: Just you.








"Ais!" Pasakay na sana ako ng sasakyan para pumasok sa school nang tawagin ako ng pinsan ko, si Ezekiel. "San punta?"









Napatingin muna ako sa ate niyang kasunod niyang bumaba sa sasakyan bago ulit bumaling kay Eze. "Obviously," I mocked sabay turo sa uniform ko.










"Ah, bar. Hahahaha." Napapoker-face lang ako. "Joke lang. Nandyan sina tita at Aki?"








"Yeah, pasok nalang kayo sa bahay," bumaling ako kay Kiara na nakalapit na sa pwesto namin.







"Good morning," she greets. Ngumiti naman ako. Gulat tuloy na napatingin sa amin si Eze habang nakatakip ng bibig.






"Woah, wait a minute! Wait a minute. Bati na kayo?!"






Tumawa lang kaming pareho matapos magkatinginan. Bati na ba kami? Tama naman si Kiara, hindi naman kami nag-away. Inaamin ko, mali ko. Ako ang nagtanim ng sama ng loob sa mga maling akala ko. It was really me. Feeling ko tuloy ang sama kong pinsan sa kanya.









"I need to go na. Nandyan naman sina daddy at mommy sa loob. Byie." Nginitian ko silang pareho lalo na si Eze na nakasimangot dahil hindi ako kumibo sa tanong niya. Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay tumingin muna ko kay Kiara and said something na dapat naman talaga ay sa'kin manggagaling, "Sorry for everything, couz." I sincerely uttered. Natigilan siya at hindi na nakapagreact dahil agad na rin akong umalis. Awkward talaga sa'kin magsorry lalo na sa taong never ko namang nakaclose.









I understand that she likes Gwen too. Likable baboo ko e, haha. Marami naman talaga ang nagkakagusto dun. Pero kahit gaano pa karami ang maging karibal ko, as if namang magpapatalo ako. I'll make sure na mahuhulog din ulit siya sa'kin. If not, I'll make sure at least na mapunta siya sa tamang tao bago ko siya i-let go. Well, if you're going to ask me, I personally think na I am the right one for her but if she thinks otherwise...bahala na. Basta, I want my girl. I want her feelings back.









While driving, napasulyap ako sa phone kong nasa katabing upuan ko lang. Bumili kasi ako ng transparent case kahapon and I put her picture at the back of my phone. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ang likod. Ang gandang tignan. This picture has taken way back highschool sa library. Stolen shot pa nga 'to. Hindi niya alam na may picture siyang ganito sa'kin. As I turn the screen on, mas napangiti ako. I'm living with this home screen wallpaper of mine. Ito talaga ang nagpapaganda ng araw ko. Ito rin ang dahilan kung bakit phone ko ang una kong hinahanap everytime I wake up in the morning. Ito na rin ang motivation and inspiration ko to keep going every single day kahit minsan ang taong 'to rin ang dahilan kung ba't I had dull days. This person is my kind of reason.









Naisip kong i-text siya habang hindi pa on the go ang traffic light at nakahinto pa ako. Binati ko na siya kanina kaso hindi ako nireplyan. Sad. I texted her again and inform her na nagd'drive na ako para pumasok. Napangiti ako kasi wala pang isang minuto nagreply na ito ng simpleng, 'ingat'. Yan lang ang reply niya pero kinilig parin ako ng sobra.









Until We Meet AgainWhere stories live. Discover now