VI

19.7K 770 680
                                    

I can think of all the times you told me not to touch the light. I never thought that you would be the one I couldn't really justify.

-Leaves(Ben&Ben)





Chapter 6 - Roldan








Samantha's Point of View





"Good morning!" Masiglang bati ko sa happy pill ko na nakabusangot na pumasok sa sasakyan ko.








"Morning."






I abruptly kissed her. Alam ko naman na may atraso ako sa kanya. Alam ko ang mga hindi sinasadyang kasalanan ko like for example, natulugan ko siya kagabi lang haha. Pagod kasi ako dahil sa dami kong gawain sa school. Buti nalang may girlfriend akong understanding, and I already explained pero mukhang nagtatampo pa rin siya.









"Morning lang?" Kinabit ko muna ang seatbelt niya bago iniharap ang mukha niyang hindi maipinta sa akin. "Baby, sabi mo hindi kana galit? Sorry na. Pagod kasi ako kagabi eh. Alam mo naman yun di ba?"








"I know...pero, ang aga naman kasi. Alas syete palang tulog kana?! Yung totoo?"






Huh? Alas otso na kaya yun.







"Bybabe, alas otso na kaya yun. Promise, nakatulog talaga ako. Tanungin mo pa si mommy. At saka sinabi ko naman di ba na inaantok na ako tapos sabi mo pa...ano nga sabi mo?" Inirapan niya ako. "Ang sabi mo pala, pahinga ka muna, baby. Huh, you said that."








Edi nagpahinga nga ako haha.









"Sabi ko magpahinga, hindi matulog ng walang paalam."









"Papikit na nga kasi mata ko nun."










"Whatever." Sabay iwas niya ng tingin matapos akong irapan na naman.









I sighed. "Don't be mad na. I'm sorry."








Hindi ko talaga papaandarin 'tong sasakyan hangga't hindi kami nagkakaayos.









Natagalan siyang sumagot. Mas seryoso na ang mukha nang bumaling sa akin. Scary but hot. "Nagdinner ka ba kagabi bago matulog?" I nodded immediately. "Good. Let's go, baka malate pa tayo."









"Bati na tayo?"









"Oo na!" Padabog niyang sagot. Ano kaya yun? "Pasalamat ka mahal kita," bulong niya na nakapagpangiti sa akin. Hindi nakakasulot ang mga ganung bagay sa pandinig ko dahil masyadong importante sa'kin. "Okay lang naman na nakatulog ka basta kumain ka."








Aww.








"Kumain po, promise. I love you." I smiled widely at pinaandar na ang sasakyan.










Ngumiti na rin siya at binati ako ulit with morning kiss na rin. "Good morning and I love you too," Plus the such so good and warm hug.










Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon