X

14.6K 653 238
                                    

Just be with me.
We'll figure out
the details later.

-Perry Poetry





Akaizha's Point of View




Chapter 10 - Approval






They gave us a round of applause pagkatapos naming magreport ni Gwen.







"Excellent job to the both of you," komento ni prof. "Is there any question regarding of their topic?"







Nang wala ng tanong pa mula sa mga kaklase namin, nakangiti kami---ako lang pala. Nakangiti akong bumalik sa upuan habang si Gwen---she's not in the mood magmula pa kanina. Pumasok siyang masama ang timpla ng mukha until now ganon parin. Buti nalang hindi apektado ang pagrereport niya. While looking at her parang gusto ko siyang halikan haha. Ang cute niya kasing tignan kapag ganitong seryoso kaya naman...agad ko siyang ninakawan ng halik sa pisngi pagkaupo namin sa likuran.







Nagulat siya at agad na napatingin sa'kin.







Pero mas nagulat ako nang pahirin niya ang kanyang pisngi kung saan ko siya hinalikan. Nakakunot ang noo niya at nagtatanong ang mga mata. Ngumiti ako ng inosente pero...deep inside super kumirot ang puso ko. Bakit kelangan niya pang pahirin? Nandidiri ba siya?







"H'wag ka ngang bigla-biglang nanghahalik baka may makakita sa ginagawa mo," she said in irritation. Kumirot na naman ang puso ko sa tono ng boses niya.







Nanliligaw palang siya, nakakasakit na siya ng damdamin ko. Paano pa siya papasa sa parents ko nyan? Hmp.







"Why do you care? Wala silang pakialam. Isipin nila ang gusto nilang isipin basta ako gusto kita," sabi ko sabay ngiti ng matamis. Vocal na ako sa nararamdaman ko sa kanya. I'm so proud of me, yey. "Dapat nga ikaw ang gumagawa nun sa'kin. Ako ang i-k'kiss mo kasi ikaw ang nanliligaw," mahinang dugtong ko. Tama naman yun di ba? Dapat ako yung nagpapakadalagang pilipina, kaso ang arte nitong babae na 'to. Siya na nga 'tong binibigyan ng free opportunity para ligawan ako eh.







"At wala kang pakialam sa sasabihin nila? Kung sayo okay lang ang pda, sa'kin hindi. Bakit ba puro kiss ang nasa isip mo?"







Napasimangot ako. Anong puro kiss?! Maniac na ba ang tingin mo sa'kin?






Kasalanan ko bang attractive siya.







"Ang sarap mo lang kasing halikan," pabulong na sagot ko, tipong di niya narinig. Hindi siya sumagot. "Ano bang problema mo, Gwen? Anong pda?"








Halik lang, pda na agad? Smack nga lang. Diko nga na-enjoy! Hmp.







Mygod, Akaizha. Manyak kana nga.








Hindi niya ako sinagot. Ang cranky naman ng babyboo ko. Tumayo siya at pumuntang pisara. May sinabi siya kay prof na ikinatango naman ng huli. Bumalik siya sa pwesto namin at nagligpit na ng gamit.








"Babalik kana sa seminar?" Tanong ko. Dedma na naman. "Babyboo!" Tawag ko.








Hindi niya ako pinapansin.







Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon