IV

18.2K 748 244
                                    

Oh, to be numb. To escape the cruel torment of such bitter sweet love. There is no perfect ending to a relationship. No magic formula. Just a silent scream as they rip your fucking heart out.

-Michael Faudet




Chapter 4 - Akaizha Chan



'I'm back,' usal ko sa aking isip. Isang linggo na rin simula nang makabalik kami ng Pilipinas.

It's good to be back.

Ngumiti ako sa kawalan habang nakaupo sa kama. Nagrereminsce muli ng mga alaala ko sa bahay na ito pati na rin ang mga alaala ko noon. Talaga nga naman na nakakamiss. I miss the old days.


Sa wakas pagkatapos ng tatlong taon? Hindi ko na halos matandaan. Nakabalik na rin ako ng Stellenfield galing Texas. Nakauwi na rin ulit ako. The feeling is so overwhelming. I can't explain it. Naninibago ako pero yung galak, yung excitement, yung lumbay na nararamdaman ko, nag-uumapaw.


Puno ng ginahawa akong bumuntong hininga. It feels so much good. Marami ang pumapasok na ideas sa utak ko ngayon while looking at nowhere. Marami akong gustong gawin, mga panibagong plano na gustong tuparin dito mismo. I want to fix things up that I messed. Marami rin akong gustong balikan, gustong makita. I miss my friends so bad.


Sa mga kaibigan ko, kay Samantha lang nanatili ang communication ko noon. Pero hindi rin madalas dahil pareho rin kaming busy sa pag-aaral.


I miss Lie. Si Skylie na hanggang ngayon ay sila pa rin talaga ng bestfriend ko. Good for them, by the way. Masaya ako sa kanila. I'm pretty sure mas maganda pa siya ngayon kumpara noon. Patay na patay pa rin sa kanya si Khail eh. Madalas niya pa rin i-kwento sa akin si Lie kahit magkalayo kami.


Si Rob naman, excited na akong makita siya. I miss his kakulitan so much. How he makes me laugh sa mga nakakatawang banat niya. Hindi ko alam kung siya pa rin ba ang dating kilala ko noon o mas babae na kaysa sa akin ngayon haha. Who knows. I can't wait to see him.

And, of course, ang taong isa sa dahilan kung bakit ako bumalik dito. Si Gwen Chloe. There's no word that can describe how much I missed her. I never thought I would miss a person this much. It's been three months noong huli ko siyang makita but felt like years already.

I'm longing for that girl so bad.


"Mommy! Tita Ganda is looking for you." Bumalik ako sa ulirat. Inilihis ko ang tingin ko. Nakasilip sa bungad ng pinto si Baby Akihiro, kalahati lang ng katawan niya ang kita. Yun lang ang tanging sinabi niya at agad din umalis. Wala sa sarili naman akong napangiti.

Such a cute little bean.

"Alright," sagot ko kahit nakaalis na siya. Napailing ako. My baby is so cute. He's growing too fast. I don't like it.


Si Samantha ang tinatawag niyang Tita Ganda. Naturuan niya agad ang bata noong mismong araw na sinundo niya kami sa airport, just because she doesn't like the sound of being called ninang. Inaanak niya ito, although medyo nakukulitan siya. Medyo makulit kasi talaga si Aki dahil nga bata and...ahm alright, makulit nga siya. I don't know how to excuse him at all haha.


And to clear things out, Akihiro is my little brother. He's not my son, folks. Mom and Dad adopt him doon sa isang foundation sa Japan noong magbakasyon kami two years ago. Gustong-gusto magkaanak ni mommy ng lalaki dati pa lang pero hindi na siya pweding magbuntis pa because I already got in danger noong ipanganak niya ako. Agaw ang buhay naming pareho noon. Awa ng diyos we both survived. Kaya ngayon napagdesisyunan na lamang nilang mag-ampon dahil sa takot na baka mangyari ulit ang muntik nang mangyari sa akin. Matagal na nilang binalak mag-adopt pero kamakailan lang natupad. And that's him, our Akihiro. Half Japanese and Australian. Six years old na siya ngayon. Three years old na siya nung kunin namin sa foundation. At mabilis lang din napalapit ang loob ng bata sa amin. Buwan lang ang itinagal.


Until We Meet AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon