I swallowed a lump in my throat first before I spoke.

"Hindi ko din alam. I have no idea why I am being like this. I'm not supposed to feel this way pero hindi ko maiwasan. Hindi ko dapat sila iniisip pero di ko naman magawang matanggal sa isip ko" paliwanag ko.

Kita kong naguguluhan sila sa mga sinasabi ko dahil parehong nakakunot ang mga noo nila habang nakatingin sakin.

"Sila? Sinong sila?" tanong ni Jisoo.

"Jennie. Jennie and her ex, Hanbin" sagot ko.

I saw Jisoo's facial expression changed from confused to blank. She looked at Seulgi then to me.

"Anong nakita mo?" tanong niya ulit.

"I saw them, sa may kubo, hugging each other. Hindi ko alam kung bakit sila magkasama o kung bakit pa siya kinakausap ni Jennie after everything he did to her. He cheated right? Diba dapat wala na siyang pakialam sa lalaking yun? Pero seeing them mukhang nagkabalikan pa nga ata sila eh, dap---" dire diretsong sabi ko but I stopped when I noticed that Jisoo is just looking straight at me. Masyado ata akong naging madaldal at kung ano ano na atang nasabi ko na hindi dapat.

Napatahimik ako, habang hinihintay kong may sabihin siya.

"So, nagkakaganyan ka dahil kay Jennie?" tanong niya na hindi ko nagawang sagutin.

Hindi ko kayang umamin na oo nagkakaganito ako dahil sa kanya.

"Tell me Lisa, may gusto ka ba kay Jennie? Nagseselos ka ba?" seryosong tanong niya ulit.

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa, as if sinasabi niya sakin na wag na wag akong magsisinungaling sa kanya. Pero yung tanong niya, hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. Maski ako naguguluhan. Jennie is not my ideal type. Yes, maganda siya pero yung ugali, kilos at galaw niya, sobrang malayo sa kung anong nasa isip ko.

Pinandilatan naman ako ni Jisoo ng medyo nag- hang ang utak ko at di ako nakasagot agad.

"Ano? May gusto ka ba sa kanya?"

Tumingin ako kay Seul as if I am asking her to make Jisoo stop but she never budge and let Jisoo interrogate me.

"Wala! Wala akong gusto sa kanya" kunot noong sagot ko.

Wala nga  ba Lisa? tanong ko sa sarili ko.

"Sigurado ka? kasi hindi ka naman magkakaganyan kung wala ka ni katiting na feelings para sa kanya?"

"Concern lang ako, okay? Kahit papano naging kaibigan ko na rin siya at ayokong masaktan na naman siya. Niloko na siya ng taong yun once at hindi malabong mangyaring ulitin niya ulit yun" depensa ko. bago ko isinandal ang sarili ko sa billiard table.

Jisoo and Seulgi walked towards me. Tinabihan nila ko at saka sabay na tinapik ang balikat ko.

"Lisa, malaki na si Jennie. Alam niya na kung anong makakabuti para sa kanya. Kung totoong nagkabalikan sila ni Hanbin, yun ay baka mahal niya pa. So, let her be. Kung masasaktan siya, wala tayong magagawa dahil desisyon niya yun, dahil ginusto niya yun. At kung kaibigan na ang turing mo sa kanya at concern ka lang talaga, be there for her as a friend kapag kinailangan ka niya. Pero kung ano't anuman at kung tama kang nagkabalikan nga sila, wala kang magagawa kundi ang suportahan siya" sabi niya ng bahagyang nakangiti sakin.

"Pero sigurado ka bang kaibigan lang talaga tingin mo sa kanya Lis? O baka naman natatakot ka lang aminin sa sarili mo kung ano ba talaga yang nararamdaman mo para sa kanya?" sabat naman ni Seulgi.

May nararamdaman na ba talaga ko para sa kanya? Pero hindi pwede. Hindi pwede dahil sobrang magkaiba kami ng ugali, ng kilos, ng pag iisip. Kaya malabo talaga yung iniisip nila. Concern lang ako, yun lang yun.

"Wala akong feelings for her, okay! Concern lang talaga ko" depensa ko sa sarili ko bago ko sila tinalikuran.

"Well, I hope totoo yang sinasabi mo. Kasi kung hindi, sarili mo lang ang niloloko mo Lisa" sabi niya sabay tapik ulit sa balikat  ko.

Napatingin lang ako sa kamay niya. Pagkatanggal niya nun ay agad akong umalis sa harapan nila.

"Teka san ka pupunta?" tawag nila sakin nung magsimula akong maglakad palayo sa kanila.

"Maglalaro ng Tekken" sagot ko ng di sila nililingon.

Hindi ko na nilingon yung dalawa. Pumunta na agad ako sa mga arcade. Maglalaro na lang ako ng Tekken at doon ko na lang ibubuhos lahat ng frustrations na nararamdaman ko ngayon.

Pagdating ko dun, maswerte ako kasi wala pang naglalaro. Napangiti ako at agad na umupo at naghulog ng token para maglaro mag isa but I was startled nang biglang may tumabi sakin.

"Importante pala ha"





















-----
Ang sweet ng Chaelisa bat ganun?

Bad Chick [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora