Chapter 15: Toxic Person

Magsimula sa umpisa
                                    

Tila nag-iba ang mood ko dahil sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Malungkot na nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko at kitang kita ko ang mga kapwa ko estudyante na masayang nagkukuwentuhan. Minsan talaga napapaisip ako kung paano maging masaya 'tulad nila.

"Oh, sukli mo."

Napaangat ako ng tingin nang dumating si Kylo. Kinuha ko naman ang sukli ko sa kanya.

Natakam kaagad ako nang maamoy ko ang katakam-takam na samyo ng spaghetti. Kaagad kong nilapit 'yon sa akin at saka hinalo.

"May gagawin ba mamaya?" tanong ko sa kanya.

"I don't know. Why?"

"Wala lang. Gusto ko nang umuwi. Susulat na lang ako ng lectures sa bahay."

"Huwag na. Tapusin mo na lang muna ang klase. Ang dami mo nang absent."

"I really don't like the atmosphere here. Mas gusto ko pang magkulong sa kwarto at mapag-isa." Bakas ang kahungkagan ko sa mga salitang sinabi ko.

Napatitig naman si Kylo sa akin ngunit hindi naman siya nagsalita. Kalaunan ay nagpatuloy siya sa pagkain ngunit pasulyap-sulyap siya sa akin.

"Are you still doing it?" biglang tanong niya. Alam ko na ang tinutukoy niya ay ang paglalaslas ko.

"Simula nang mamatay si Gianna, hindi pa nauulit."

"Stop doing it now," seryosong sabi niya.

Napangisi ako. "Parang hindi ka na nasanay. Hindi ba't matagal na nating pinag-uusapan nina Gianna na ready kaming mamatay anytime?"

Natahimik naman siya ngunit seryoso ang tingin sa akin.

"Kung sumunod na kaya ako kay Gianna?" sabi ko nang may nakakalokong ngiti sa labi ko.

Nakita ko ang pagtiim-bagang niya, tila hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Mukhang takot ka na mawalan ng kaibigan ah. Huwag kang mag-alala marami ka namang pwedeng ipalit sa amin ni Gianna. Nandiyan naman sina Hans at ang mga kaibigan niya," sabi ko at saka kumagat sa sandwich ko.

"Do you think something good will happen when you choose to hang yourself as what Gianna did?" biglang seryosong tanong niya.

Napangisi akong muli dahil sa tanong niyang 'yon. "Bakit mukhang hindi ka na ata supportive sa amin ni Gianna ngayon? Hindi ako kawalan, okay? Buhay ko 'to. Hindi mo na kailangan alalahanin kung may pakinabang ba ako sa gagawin ko."

"Why don't you just answer my question?" may inis na sabi niya.

Napakunot-noo naman ako. "Oh, anong problema mo?"

"I don't understand why you and Gianna are so selfish! Sarili ni'yo lang ang iniisip ni'yo!" galit na sabi niya.

Nawala ang pagkakakunot ng noo ko at pinaningkitan ko siya ng mata. "Nagpapatawa ka ba?" tila natatawang sabi ko. Biglang namuo ang galit sa dibdib ko kaya matalim ko rin siyang tiningnan kalaunan. "Hindi ba ganito na kami noon pa mang una tayong magkakilala? Anong pakialam mo roon? Bakit? Ikaw ba ang nakaranas ng naranasan namin? Ikaw ba ang narape? Ikaw ba ang naulila?"

Hindi siya nakasagot ngunit magkasalubong ang mga kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Kung ayaw mo ng kaibigan na makasarili, edi huwag mo akong kaibiganin. Gano'n lang kadali 'yon," madiin na sabi ko. Napalunok ako nang maramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko. "Huwag kang mag-aalala. Okay lang naman sa akin ang mag-isa. Hindi ako magagalit sa 'yo. Mas maganda nga siguro na layuan mo ako dahil wala akong magiging pakinabang sa buhay mo. Puro galit at negativities ang dala-dala ko at baka mahawaan pa kita nito. You should stay away from toxic people."

Tanggap ko naman sa sarili ko na hindi ako 'yung tipo ng tao na nanaisin mong makasama. 'Tulad nga ng sabi niya, selfish ako, at higit sa lahat, I'm a toxic person.

Hindi siya muling sumagot kaya hindi ko alam kung ilang segundo kaming nagkatitigan.

Napatigil kami nang magring ang bell. Doon ko mabilis na binitbit ang bag ko. "Uuwi na 'ko," sabi ko sa kanya bago ako mabilis na naglakad palabas ng canteen.

Pagkalabas ko ng gate ng school, hindi pa man ako nakakalayo, narinig ko nang may tumawag sa pangalan ko.

"Faith!"

Pamilyar ang boses na 'yon kaya lumingon ako. Nagulat ako nang makita kong hindi si Kylo iyon, kundi si Kuya Neico. Bigla namang tumambol ang puso ko sa kaba. Parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko, hanggang sa hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala ito.

"Saan ka pupunta?" kunot-noong tanong niya.

Alam kong dapat akong matakot sa tanong niyang 'yon pero iba ang naramdaman ko, dahil pagkainis ang namuo sa sistema ko.

"Uuwi na," kalmado lang na tugon ko.

Tila naguluhanan naman siya. "Uuwi? Mamaya pa ang labas ninyo. Cutting 'yang ginagawa mo," panenermon niya.

"Eh, sa gusto ko ng umuwi eh." Hindi ko na napigilan ang inis na nararamdaman ko. Bad trip kasi talaga ako ngayon.

"Faith, hindi pinupulot ng ate mo ang tuition fee mo. Nagsisikap siyang pag-aralin ka tapos magka-cutting ka lang?"

Nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya nang may pagtitimpi ng galit. "Bakit ba pinapakialaman mo ako?"

Nakita ko ang pagkagulat sa reaksyon niya ngunit lalong nangunot ang noo niya. "Bakit ba ganyan ka, Faith?"

"Matagal na akong ganito, at wala kayong pakialam doon."

Napatiim-bagang naman siya at doon ko nakita ang galit sa mga mata niya.

"Uuwi na ako," sabi ko at saka tumalikod sa kanya. Akmang aalis na ako nang higitin niya ako sa braso, kaya muli akong napalingon sa kanya.

"Hindi ka uuwi," madiin na sabi niya. "Tatapusin mo ang klase mo. Naiintindihan mo ba?"

"Bakit ba? Ano? Isusumbong mo na naman ba ulit ako kay Ate?" inis na sabi ko sa kanya.

"Hindi, kung papasok ka ulit doon at tatapusin mo ang klase mo."

"Bakit ba pinapakialaman mo ako?!" Tumaas ang boses ko sa sobrang inis. "Pwede bang bago mo ako pakialaman, ayusin mo muna ang mga kabataan sa church! Sila nga hindi mo tinutuwid tapos papakialaman mo ako?!" galit na sabi ko sa kanya. "Bakit hindi mo tingnan kung anong pinagpopost ng mga kabataan mo sa social media! Puro kalaswaan at kahumalingan sa mga makamundong bagay samantalang mga Kristiyano sila! Bakit hindi sila ang problemahin mo?!"

Doon siya napatigil at napatitig sa akin. Medyo nakaramdam naman ako ng guilt nang makita kong nasaktan ko siya sa sinabi ko. Mukhang sumobra ata ako. Pero hindi ko na kasi kayang magtimpi ng galit lalo na't ganitong sumusumpong ang pagiging rebelde ko. Ang kulit kasi niya eh. Sinabi ko nang huwag niya akong pakialaman. Sa kanya ko tuloy naibunton ang galit ko sa mundo.

Kalaunan ay binitawan niya ako. "Alright. I'm sorry," mahinang sabi niya bago ako tinalikuran at saka naglakad pabalik sa school.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon