Chapter 2: Fool Genius

185 17 10
                                              

Kapwa nakatingala ang lahat sa mga puting lobo na pinalipad sa himpapawid habang dinadala na sa hukay si Gianna. Puro pagtangis at pighati ang naririnig ko dahil sa pagpanaw niya. Palaisipan sa mga tao ang pagkamatay niya ngunit ang akala nila ay dahil ito sa depression.

"I'll miss her," ani Kylo na nasa tabi ko. Binalingan ko siya ng tingin. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya habang nakatingala siya sa langit.

Hindi ako nagsalita. Nanatiling tikom ang bibig ko nang mamatay si Gianna. Maging ang nilalaman ng sulat niya sa akin ay hindi ko nagawang ipagsabi kahit kanino.

Nilibot ko ang tingin ko sa mga tao, hanggang sa mapako ang tingin ko sa tito ni Gianna na si Uncle Jun. Seryoso lamang ang mukha nito habang nakatingin sa hukay ni Gianna. Naiyukom ko ang kamao ko sa galit. Kahit na walang binanggit si Gianna na pangalan sa sulat niya, alam kong siya ang tinutukoy ni Gianna dahil siya ang kasa-kasama ni Gianna sa bahay nila.

"Faith." Napatigil ako nang tawagin ako ni Kylo. Binaling ko ang tingin ko sa kanya. "Tara na," aniya.

Muli ko namang nilibot ang tingin ko sa mga tao para hanapin ang kuya ni Gianna. Kakauwi lamang nito kahapon galing ng America kaya ngayon lamang ako makakakuha ng pagkakataon para mailabas na ang nalalaman ko tungkol sa pagkamatay ni Gianna. Nakita ko itong nakatayo sa isang gilid, nakasuot ng shades. Kinapa ko sa bulsa ng pantalon ko ang papel na binigay sa akin ni Gianna at lakas-loob na nilapitan ito.

"Excuse me po," pagkuha ko sa atensyon nito. Napabaling naman ang ulo niya sa akin ngunit hindi ko naman makita ang mga mata niya dahil sa shades niya. "May gusto po sana akong ibigay sa inyo." Inabot ko sa kanya ang papel na nakatupi. "Kaibigan po ako ni Gianna, at nabigay po sa akin 'yan ni Gianna bago po siya namatay."

Tumango naman siya sa akin.

Tumalikod na ako rito at nilapitan si Kylo na naghihintay sa akin. Sabay kaming naglakad palabas ng sementeryo. Ngunit bago pa man kaming tuluyan na makalabas, nakarinig na kami ng ingay sa kinaroroonan namin kanina. Sabay kaming bumaling ng tingin ni Kylo doon at saksi kami kung paano nagkagulo ang mga tao doon dahil sa pagwawala ng kuya ni Gianna.

"What's going on?" ani Kylo.

Napalunok ako at kinontrol ang emosyon ko. "Gianna was being raped by her Uncle Jun," mahinang sabi ko.

"What?"

Kalaunan ay napagdesisyunan namin ni Kylo na lumisan na at ipaubaya na lamang sa pamilya ni Gianna ang kaguluhan.

***

"Saan ka galing?" bungad sa akin ni Ate Christy nang maabutan ko siya sa kusina na nagluluto para sa tanghalian namin.

"Sa libing ni Gianna."

Umupo ako sa upuan para hintayin siya na matapos at makakain ako. Pinanood ko lang siya at sinubaybayan ang bawat pagkilos niya. Kalaunan ay naisipan kong magtanong sa kanya.

"Ate," pagkuha ko sa atensyon niya.

"Hmm?" tugon niya habang hinahalo ang niluluto niya.

"Talaga bang diretso sa impyerno ang mga nagsusuicide?" tanong ko sa kanya. Alam ko kasi na malawak ang kaalaman niya tungkol sa mga ganitong bagay dahil preacher siya at naggraduate din siya ng Bible school.

"We cannot judge the people who commit suicide. Pero kung magbabase tayo sa sinasabi ng Bibliya, oo, maaaring diretso sila ng impyerno." Pinatay niya ang kalan at hinarap ako. "Nag-aalala ka ba na baka nasa impyerno si Gianna?"

Tumango ako. "Paano mo nasabing diretso nga sila ng imyerno?" tanong ko muli.

"Kasi ang katawan natin ay templo ng Diyos, at ang sabi sa 1 Mga Taga-Corinto 3:17, 'Paparusahan ng Diyos ang sinumang magwasak ng templo niya. Sapagkat banal ang templo ng Diyos, at kayo ang templong iyan.' Ano ba ang ginawa ng mga nagsuicide?" tanong niya sa akin sa huli. Hindi ako sumagot kaya siya ang sumagot, "Hindi ba't winasak nila ang kanilang katawan sa pamamagitan ng pagkitil nito? Ang sabi ng Diyos, paparusahan niya ang magwasak niyon."

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon