Epilogue

1.4K 94 45
                                    

Habang nakapikit ang aking mga mata, dinig ko ang malakas na tugtugan ng worship team at kantahan ng mga tao. At nang imulat ko ang aking mga mata, bumungad sa paningin ko ang magandang kalangitan. Hindi ko maiwasang maluha habang pinagbubulay-bulay ko kung paano ako nakarating sa kinalalagyan ng buhay ko ngayon - punong-puno ng pag-asa at patuloy na bumabangon. Nagpapatuloy ang buhay sa paglipas ng mga araw. Hindi mananatili ang panahon. Ito'y nagbabago... gayon din ang sitwasyon ng buhay ng tao.

Unti-unti ko nang nililisan ang buhay-kabataan ngunit ngayong nilagak ko na ang buhay ko sa Panginoon, dito ko pa lang naranasan na i-enjoy ang buhay - tila nananatili pa rin ako sa aking kabataan. Marami mang pagsubok, may panahon ng pagluha at lumbay, naroon pa rin ang kapayapaan dahil nananatili ang pananampalataya at pagtitiwala na mayroon ka sa Panginoon. Sapagkat nalalaman mo na hawak Niya ang kinabukasan at sa Kanyang mga kamay, ika'y ligtas at panatag... Sana noon ko pa ito naranasan. Pero dahil sa katigasan ng ulo ko noon, ang mga masasamang bagay na pangyayari sa buhay ko na hindi naman nais ng Diyos na maranasan ko ay naranasan ko. Kaya, mainam talaga ang pagsunod sa kalooban ng Diyos - walang panahon na masasayang...

Unti-unting nililisan ng mga tao ang malawak na field na pinagganapan ng celebration ng church anniversary nang matanggap nila ang naka-styrofoam na pagkain na pinamimigay sa kanila. Hapon ito ginanap at natapos ng dapit-hapon.

"Here's yours," ani Kylo sa akin at inabot sa akin ang isang naka-styrofiam na pagkain. Kinuha ko naman iyon at kinain. Gutom na rin kasi ako.

Nanatili kami sa upuan namin at doon kami kumain.

"I told Mom that you passed the LET examination. Ang sabi niya, ipapasok ka raw niya doon sa school nila," ani Kylo sa akin. Master teacher kasi si Tita Kyla.

Kapapasa ko lang ng board examination last week. Hindi ko lubos akalain na magiging licenced teacher ako. Simula nang maging youth leader ako, doon tumubo sa puso ko na maging teacher balang araw, kaya ito ang kinuha kong kurso.

"Salamat," nakangiting sabi ko.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin, nahagip ng mga mata ko si Pastor Neico na masayang kausap ang ibang kapatiran.

"I'll wait for you..."

Muli kong naalala ang huling pag-uusap namin. Oo, 'yon ang huli naming pag-uusap dahil hindi na kami muling nagkausap nang matapos ang evangelism namin sa hacienda ilang taon na rin ang nakararaan.

"Do you still like him?" biglang tanong sa akin ni Kylo dahil napansin niya na nakatingin ako kay Kuya Neico.

"Okay lang ba sa 'yo kung sabihin ko ang totoo?" sabi ko. Kalaunan, nakaramdam ako ng lungkot. "Pero ayaw kong saktan ka..." mahinang sabi ko.

Tumawa siya at sinabi, "Whether I like it or not, masasaktan at masasaktan talaga ako because it's my choice to love a woman who doesn't love me."

Nakaramdam ako ng guilt dahil sa sinabi niya. "Sorry," malungkot na sabi ko.

"You don't need to say sorry. You did not force me to love you. Ako ang may gusto nito. That's why I'm just here...
I'm here to support you, Faith. Kung ano man ang plano ng Diyos sa buhay
mo, magiging masaya ako. Kung hindi man patubuin ng Diyos sa puso mo na
mahalin mo ako pabalik, okay lang. Masakit pero gano'n talaga. May mga
gusto talaga tayo na hindi gusto ng Diyos para sa atin. But God is good, so what He wants for us is the best." Tila hinaplos ang puso ko sa bawat salitang binitawan niya. Kylo grew in faith. Sobrang natutuwa ako para sa kanya.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon