Chapter 34: Not Yet the Right Time

782 64 18
                                    

Hinanda ko ang tuwalya at mga damit ko. Sa ayaw at sa gusto ko, kailangan kong pumasok sa eskwelahan kaya kailangan ko lumabas ng kwarto.

Huminga ako nang malalim bago naglakas-loob na lumabas ng kwarto at pumunta sa kusina para harapin ang mga taong naroon - walang iba kun'di ang mga bisita namin. Naroon na rin si Kuya Neico, kausap si Pastor Ed. Nakasuot na siya ng teacher uniform niya.

Dire-diretso ako sa banyo. Halos habulin ko ang hininga ko nang maisara ko ang pintuan.

Napaka-uncomfortable sa feeling, at ayaw ko ng ganito.

Dapat ba akong magkunwari na wala lang sa akin ang lahat?

Tama... Hindi ako dapat magpaapekto. Isa pa, wala naman akong magagawa kung si Ate Blessed talaga ang para kay Kuya Neico. Walang akong magagawa... Masakit, pero kailangan kong mabuhay sa reyalidad, kung hindi, sayang ang mga luha ko.

Nang matapos akong maligo at magbihis sa loob ng banyo, lumabas ako roon. Inaya naman nila ako na mag-almusal.

"Halika rito, Faith," ani Ate Blessed sa akin.

Pilit na ngumiti ako. "Mag-aayos lang ako, ate," sabi ko at mabilis na tinungo ang kwarto.

Hindi ko tiningnan si Kuya Neico kahit na nakasunod sa akin ang mga mata niya.

Nang makapag-ayos ako, doon ako nakisalo sa kanila. Awkward man sa feeling, pinili ko na lang na maging mahinahon tulad ng kung ano ang personalidad ko. Kahit noon pa naman, wala naman talaga akong pakialam sa mundo. Wala akong pakialam kung gusto o ayaw sa akin ng mga tao. Kung ayaw, edi 'wag.

Kalaunan, nagpaalam kami ni Kuya Neico sa kanila para pumasok na sa eskwelahan.

Habang hinihintay ko siya na mailabas ang sasakyan niya sa gate ng bahay, ramdam ko ang mabigat na pakiramdam sa dibdib ko.

"Okay ka lang?" tanong niya sa akin nang makalabas siya ng gate sakay ang motorbike niya.

"O-oo naman," sabi ko.

"Mukha ka kasing malungkot. May problema ba? Inaatake ka ba ulit ng anxiety mo?" may pag-aalala na tanong niya.

Umiling ako. "Okay lang ako," sabi ko, pero may kaunting pagkairita. Sana hindi niya napansin.

Hindi naman ako dapat mainis sa kanya pero naiinis ako. Mas gusto ko kasi na huwag na lang niya ako kausapin para hindi na lumalim pa itong nararamdaman ko para sa kanya. Nasasaktan lang kasi ako. Mabuti pa sana kung may pag-asa ako.

Tumango lang siya at sumenyas na umangkas na ako sa motorbike niya.

Sa buong biyahe ata namin nakakunot-noo lang ako. Wala ako sa mood.

"Una na ako, Kuya," sabi ko sa kanya nang makarating kami sa parking lot at nakababa ng motorbike niya.

Tumango naman siya. Pero naroon ang pagtitig niya sa akin, tila iniisip kung anong problema ko.

Naabutan ko si Kylo sa loob ng classroom, naglalaro ng mobile games. Umupo ako sa tabi niya at pinanood ang paglalaro niya.

"Kumusta kayo ni Sir Neico?" tanong niya sa akin nang matapos ang laro niya.

Hindi ako sumagot.

Napatingin siya sa akin. "Not in the mood?" aniya at umiling-iling.

"Ba't ba kasi ganyan ka magtanong? Baka may makarinig pa sayo," masungit na sabi ko.

"Malayo naman sila sa atin," aniya at tumingin sa mga classmates namin na nasa bandang harapan ng classroom. Nasa pinakalikuran kasi kami.

Umismid lang ako.

Against Our WillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon