6

19.1K 343 4
                                    

Daniel's POV

Nandito ako ngayon sa park nag jojogging. Gusto ko lumanghap ng simoy ng hangin ngayon, di ko alam kung bakit. Tsaka matagal tagal na rin akong hindi nakakapagjogging.

Ikot lang ako ng ikot dito hanggang sa napagod ako kaya umupo muna ako sa mga bench dito at uminom ng tubig.

Habang nagpapahinga ako dito nahagip naman ng mata ko ang isang itim na kotse na sobrang familliar sa akin. Papunta pa sa direksyon ng bahay namin ni kath.

Bumalik na ako sa bahay kasi baka kung sinong tao yan, at baka may balak pa. Pagdating ko dun. Nakapark na yung itim na kotse sa labas ng bahay. Pumasok naman ako kaagad tapos isang di inaasahang tao yung nakita ko dun.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

. Sila Papa!

"Pa kamusta na po kayo" sabi ko tsaka nagmanly hug kami. Namiss ko 'tong papa ko 'no. Matagal tagal rin silang nawala.

"Huy anak ang laki laki mo na ha" sabi ni papa at tinapik sa balikat.

"Hahaha oo nga eh, oh nandiyan ka na pala kath. Dalagang dalaga ka na nak" sabi ni papa ted at niyakap si kath.

"Kaya nga po eh" pagsangayon ko naman.

"Anak ang laki laki mo na, dati ang liit mo pa lang, ngayon naabutan mo na ako hahaha" sabi ni papa ted kay kath...

Napatawa naman si kath. "Pa namiss ko kayo sobra"sabi ni kath at niyakap si papa ted.

Simula kasi nung kinasal kami ni kath sa States nagstay na rin sila dun tapos sila na ang namahala ng companies namin dun.

"Oh magbihis na kayo at aalis tayo" sabi ni papa ted na ikinagulat naman naming dalawa ni kath.

"San po tayo pupunta, ang aga aga pa po eh" sabi ni kath.

"Basta wag ng maraming tanong, dali at magbihis na kayo"

Di na kami nagtanong pa at umakyat na kami sa mga kwarto namin at nagbihis. Ako simpleng suot lang, naka jeans na black, white t-shirt tsaka vans at dinala ko rin yung shades ko. Lumabas na ako at nakita ko naman si kath na kakalabas rin. Naka tight shorts siya, white t-shirt at flats na black. Bakit ba palagi siyang nakashorts.

Bukas na bukas nga papasunog ko na lahat ng shorts neto!

Sabay na kami bumaba at sumakay na sa kotse nila papa. Pinaiwan namin yung bahay kay manang, may guards naman sa labas para bantayan.

"Pa san po ba talaga tayo pupunta?" tanong ni kath.

"Basta makikita niyo rin" sagot naman ni papa.

Okay? Nagstop naman na yung kotse at alam na alam ko kung saan 'to.

Mansion nila mama 'to eh. Sus dito lang pala hindi pa sinasabi. Bumaba na kami at nagulat naman kami ni kath na nandoon yung buong clan namin ng mga Padilla. Nagtaka naman ako, bakit may birthday ba?

"Oh they're here!" sigaw ni ate roanna. Huy namiss ko 'tong babaeng 'to.

"Ate namiss kita, sobra" sabi ko sabay hug.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon