4

19.8K 352 1
                                    

Kath's POV

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. hays, another day of my married life.

Bumangon na ako at naligo dahil may pasok pa kaso nga lang half day lang kasi may program sa school and its saturday naman.

Pagkatapos ko maligo pumili ako ng damit na pwedeng susuotin.

Heto na lang, yung bigay ni mama. Naglagay na ako ng pabango and konting make-up.

Bumaba na ako at napahinto ako ng sinalubong ako ni manang. "Hija kumain ka na kasi di ka kumain kagabi" yaya sa akin ni manang. "Uhm manang sa school na lang po ako kakain kasi may program po dun baka hindi po ako makaabot. Nasaan nga po pala si dj?" tanong ko kay manang.

"Maaga siya pumasok eh, di ko alam kung bakit" sagot naman ni manang at nagkibit-balikat.

"Ah ganun po ba" sabi ko kay manang. Ngumiti na lang ako. "Sige po pasok na po ako"

Lumabas na ako at nagdrive na papuntang school.

Pagkababa ko marami nang tao sa school at marami din nagbubulungan habang naglalakad ako. Napatingin naman ako sa kanila, parang hindi na yata yun bulong eh kasi sobrang rinig na rinig. Edi dapat hindi na sila nagbulungan kung rinig na rinig naman yung sasabihin nila.

"She's so pretty!"

"Yeah like me..haha"

"Pre look! the gorgeous kathryn"

"Yeah swerte nga ni daniel eh!"

"flirt naman yan eh akalain mo ah, nakuha na nga niya si dj ko kukunin pa niya si quen!"

"I know right! Let's go hmp!"

Grabe naman hindi ako flirt 'no wala nga akong ginagawa eh sila lang yung lumalapit at wala naman akong magagawa kung napangasawa ko si dj. Edi sa kanila na sila, di ko naman sila inaangkin eh. Pakialam ko ba.

Pumunta na akong gym dahil doon gaganapin yung program. Nakita ko naman si dj kasama sila lester na nakaupo na at maraming girls na nakapalibot sa kanila.

Nakita ko rin si Julia na nakaupo na kaya tumabi na ako sa kanya. "Huy bes anong emergency yung nangyari kahapon?" tanong ko kay julia. "May problema kasi sa company namin kahapon kaya kailangan kong umuwi" sagot naman niya.

Napatango naman ako. "Ah ganon ba"

Napatigil naman ako nang may naalala ako. "Huy may sasabihin ako say--" di ko natapos sasabihin ko kasi biglang tumabi sa akin.

Napatingin naman kami at nagulat. Si quen lang pala, nakakagulat talaga 'tong lalaking 'to. "Hi kath..." bati sa akin ni quen.

Sinisiko naman ako ni julia. Napatingin naman ako sa kanya, hays alam ko na 'to.

"Hello! uhm quen this is julia my bestfriend" Nakangiti kong sabi. Napatingin naman siya kay julia at ngumiti. "Hi julia nice meeting you" sabi naman ni quen at nakipag-kamay.

"Nice meeting you too quen" sabi naman ni julia. Hala hala si ateng wagas lang makangiti. Napailing na lang ako at napatawa ng mahina. Pagkatapos nun nanood na kami sa program. Pagkatapos kasi nito pwede nang umuwi.

"Ah kath are you free tomorrow" biglang tanon tanong sa akin ni quen.

Napatango naman ako. "Yes, why?" tanong ko.

"Ah were friends right but uhm I think we should have some quality time together to know each other better, right?" sabi niya. Oo nga naman, tsaka magkaibigan naman kami. Sama ko na lang 'to si julia para may kasama ako. Si dj? Sus, wala naman yun pake eh.

"Okay where and what time?" tanong ko.

"I'll text it to you, okay. Gotta go bye" sabi niya at umalis na. Huh? San siya pupunta?

Hinawakan ko naman yung kamay niya para pigilan siya.  "Where are you going. The program isn't over yet" tanong ko.

"Ah my mom texted me to go home nao. Okay bye" sabi niya. "Ah ganun ba" sabi ko at napatango naman siya. Ngumiti naman ako. "Sige, ingat ka quen ah" nagwave na lang ako at nagsmile tapos umalis na siya.

Daniel's POV

Pinupuno talaga ako ng quen na yan ha. Kanina pa ako, nakatingin sa kanila. May pahawak-hawak pa sila ng kamay, ngitian, at tawanan. Pwe!

Hanggang sa pagkaalis ni quen nakangiti si kath.  Ano bang meron dun? Joker ba si quen ha? Makangiti ah.

"Pre baka naman makain mo na si quen sa tingin mong yan" sabi sa akin ni lester.

"Oo nga, chill ka lang. 'To naman oh" sang ayon naman ni kats.

Di ko na lang sila pinansin at tumayo papunta kay kath. "Come with me" hinawakan ko kamay niya at lumabas sa gym.

Hanggang sa makarating kami sa pool area. Malapit lang naman yun dito eh at tsaka walang tao dito kaya walang makakarinig.

"Huy masakit na yung kamay ko, bakit ba?!" pasigaw niyang sabi.

"Diba sabi ko sayo wag kang makipagusap sa enrique na yun" sigaw ko rin sa kanya.

"Bakit ba ha?!" sigaw niya.

"Kasi nagseselos ako" seryoso kong sabi. Hindi ito pasigaw ngunit mahinahon lang.

Pagkasabi ko nun. Mukha siyang napatulala kaya umalis na ako at iniwan siya. Bahala siya! Dun siya sa quen niya.

Kath's POV

Huh?! Ano daw?! Totoo ba narinig ko? Nagseselos siya sa amin ni quen?

Bumalik na ako sa ulirat ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Napaisip naman ako. Hindi ba't sinabi ko na, magkaibigan lang naman kami. Mahirap ba yun intindihin? Ugh.

Umalis na ako dun at dumiretso na ng bahay kasi panigurado tapos na rin yung program.

Pagdating ko sa bahay. Sinalubong naman ako ni manang. "Oh hija ba't napaaga ka ng uwi" ay! di ko pa pala nasasabi kay manang na half day kami ngayon.

"Half day po kasi kami ngayon eh kaya maaga po ang uwi namin" sabi ko kay manang. "Ah ganun ba, gusto mo ba ng makakain?" Tanong ni manang pero umiling ako at ngumiti bilang sagot. Masyado akong naiistress na sa mga nangyayari ngayon.

Aakyat na sana ako ng may naalala ako.

"Manang umuwi na po ba si dj?" tanong ko.

"Ay di pa nga eh, nga pala matanong ko lang, bakit hindi kayo nagpapansinan?" tanong ni manang.

Umupo kami sa dining area at nagusap.

"Kasi daw po nagseselos siya kay quen, kesyo nag-uusap daw po kami. Eh ano naman ngayon kung nag-uusap kami, eh magkaibigan lang namn kami eh. Tapos kanina, nagalit siya sa akin" sagot ko kay manang.

"Mahal ka kasi nun kaya ganyan siya, di ka rin matitiis ng asawa mo. Huhupa rin ang galit nun, oh siya sige maiwan na kita at ako'y maglilinis pa" sabi naman ni manang at umalis na.

Huh? Mahal niya daw ako?

And weird ng mga tao ngayon. Tss.

Umakyat na ako sa kwarto at nagpalit na ng damit at tsaka natulog. Napagod ako kakaisip sa mga pinagsasabi ng tao ngayon. Hays.

________________________________________________________________________
For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon