1

31.4K 495 8
                                    

Kath's POV

Ang sarap matulog lalo nang mapanaginipan mo si prince charming mo. Tapos hinawakan ka niya sa kam--..

*bzzt*bzzt...

Bwiset na alarm na yan. Natutulog yung tao eh di tuloy natuloy. Favorite na part ko pa naman yun.

Tumayo na ako dahil papasok pa ako sa school. Kumuha na ako ng towel at pumasok na sa c.r.

"Kathryn" hala si manang. Nasa loob ako ng c.r eh. "Manang, nasa c.r po ako!!"sigaw ko.

"Ay pasensya na hija, pagkatapos mo diyan bumaba ka na at gisingin mo na rin siya ha" sabi ni manang.

"Sige po" sagot ko naman.

Hanggang sa narinig ko na lang na nagsara na yung pinto kaya tinuloy ko na lang yung pagligo ko.

Pagkatapos kong maligo pumunta na ako sa walk-in closet ko at pumili na ako ng damit na susuotin. At dahil first day pa naman pwedeng magsuot ng civilian.

Nagsuot ako ng black shorts and yellow hanging shirt at tinernohan ko ng Beige na flat shoes, naglagay rin ako ng powder at lipbalm. Linugay ko na rin yung buhok ko. Tinignan ko yung sarili ko sa full-sized mirror kung may kulang pa, wala naman kaya lumabas na rin ako pagkatapos.

7:11 pa lang naman, 8 pa pasok ko kaya may oras pa. Pababa na sana ako nang maalala ko na gigisingin ko pa pala siya. Hays.

Pumunta na ako sa kwarto niya at kumatok.

*tok*tok

*tok*tok*

Papasok na nga lang ako. Pagkabukas ko ang dilim at ang lamig sa kwarto niya grabe. Hinahanap ko yung switch ng ilaw pero di ko mahanap! Kapa ako ng kapa dito nang biglang matapilok ako.

Nagulat naman ako ng mahulog ako sa kama niya. Oo sa kama niya talaga. Tatayo na sana ako ng yakapin niya ako ng mahigpit tapos pinulupot pa yung legs niya sa akin! Ano ako unan!

"Huy gumising ka nga" sabi ko.

"....."

"Huy"

"......"

"Huy"

"......"

"Shh, be quiet" sabi niya, aba! siya pa may ganang magsabi niyan ha!

"Huy may pasok pa tayo tumayo ka na di-- " hindi ko lang naman natapos dahil niyakap niya ako ng mahigpit. As in sobrang higpit!

"huy...hi...nd...i ...a-...ko....ma...ka...hin...ga" sabi ko ng hindi tuloy tuloy.

Buti naman at binitawan na niya ako at tumayo na siya."I'll just pfft take a bath" sabi niya nang tumatawa pa.

Nakakainis siya, haist nagulo pa tuloy yung buhok ko. Inirapan ko na lang siya at lumabas na ng kwarto niya.

Yung lalaking yon, hindi ako makapaniwala na naging asawa ko yun. Oo, asawa ko siya. Hays.

Ako ng pala si Kathryn Chandria B. Padilla. Arrange marriage ang nangyari. Hindi pinaalam ng parents namin yun sa medias at patago kaming pinakasal. Sa States kami pinakasal at nagstay rin kami ng about mga 2 years dun bago kami bumalik dito. May dalawa akong kuya, kambal sila actually kaso nga lang nasa Italy sila inaasikaso yung company namin dun.

Bumaba na ako at kumain. Habang kumakain ako biglang nagsalita si manang.

"Hija, ginising mo na ba asawa mo" sabi ni manang habang nilalapag ang mga pagkain sa table.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon