5

18K 312 3
                                    

Daniel's POV

Pagkatapos ng sigawan namin ni kath kanina ay hindi muna ako umuwi kundi bumalik muna ako sa gym naiwan ko yung mga ulol kong kaibigan dun ehh.

"Brad san kayo nagpunta ni kath?" Takang tanong niya. Tumingin naman siya sa likod ko. "Asan nga rin pala si kath?" tanong ni seth.

"Uh ahm umuwi na si kath eh. Tara inom tayo" yaya ko sa kanila.

"Oh tara na ano pa hinihintay niyo si pareng dj na yung nagyaya. Libre tayo niyan HAHAHA" sabi naman ni kats. Hays, palagi talagang may sapak sa ulo 'to.

Lumabas na kami sa gym at dumiretsong parking lot at pumunta na sa bar na pagmamay-ari ng tito ko.

"Vodka para sa aming lahat" sabi ko sa waiter.

Binigay naman agad ng waiter yung drink na hiningi namin.

"Pre ano nga pala nakain mo at nagyaya ka magbar" tanong ni lester.

"Ah wala lang, nawawalan na kasi tayo ng quality time sa isa't-isa diba, kaya nagyaya ako" sagot ko sabay inom ng vodka

"Eh yung kanina san kayo nagpunta ni kath, siguro may kababalaghan kayong ginawa no" sabi ni jc tapos lahat naman sila tumawa. Ako lang hindi. Tss

"Mga baliw" pero tumawa pa rin sila. Yung totoo?? Nabaliw lang.

Inom lang kami ng inom dito hanggang sa nakarami na rin kami.

Author's POV

Habang nagiinuman sila nag-yaya naman si seth na umuwi na kasi baka hindi na nila makayanan at makatulog na sila doon.

"Uy tol lika na uwi na tayo mukhang tinamaan na talaga si dj ohh, tignan niyo" sabi ni seth. Tumingin naman silang lahat kay dj.

"oo nga lika na gabi na rin kasi ehh" tumayo na sila at inalalayan nila si dj na tumayo kasi parang matutumba kapag binitawan.

Pagdating sa parking lot isinakay na lang nila si dj sa kotse ni jc at pinabantay na lang sa guard yung naiwang kotse ni dj dun.

Pagdating sa bahay nila dj tinulungan siya ng guard dun na ipasok si dj sa loob dahil patumba tumba siya kung maglakad.

Nagdoorbell si jc at binuksan naman ito ni manang.

"oh anong nangyari kay daniel?" Gulat na tanong ni manang.

"Mukhang nakarami po kasi siya ng inom kanina, kaya nakatulog po" sagot naman ni jc.

"Oh sige dito niyo na lang siya pahigain" sabi naman ni manang at tinuro yung sofa dun sa sala.

Pinahiga naman nila si dj sa sofa at umalis na rin kasi malalim na rin yung gabi ehh.

Ginigising ni manang si dj kaso nga lang ayaw magising, kaya hinayaan niya na lang at kinumutan para hindi lamigin tapos natulog na rin si manang.

Kath's POV

Nagising ako kasi nakaramdam ako ng uhaw. Ewan ko ba kung bakit ganitong oras pa, gabing gabi pa naman.

Bumaba na ako at pumuntang kusina at uminom ng tubig.

Habang umiinom ako. Muntikan ko nang mabitawan yung baso nang may nakita akong lalaki na nakahiga sa sofa. Huh? Si dj ba yan?

Binaba ko yung pinaginuman kong baso sa lababo at lumapit.

Si dj nga! Pero bakit ngayon lang siya umuwi? Masyadong gabi na ah.

"Huy dj, gising" paggising ko sa kanya at niyugyog siya ng kaunti.

"....."

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon