44

7.5K 148 7
                                    

Dj's POV

nasaan na ba si kath? ang tagal niya ah. Sabi niya mag-ccr lang siya pero mahigit isang oras na siya di bumabalik.

"dad can we go home na. We're sleepy" antok na sabi ni damien.

"yeah" bored na sabi ni carl at sumandal sa upuan niya.

"sige, papahatid ko na lang kayo kay kuya keith" sabi ko. Tumango naman silang dalawa.

Sabagay 9:45 na rin. Tinawagan ko na si kuya keith at sinabing pumunta siya dito at mag-sama ng maid para maalalayan rin sila damien.

maya maya nag-text na rin si kuya keith na nandun na daw sila sa labas.

"hey damien, carl, halika na si kuya nasa labas na" sabi ko at tumayo na.

"at last hoo" bored na sabi ni damien at nauna ng maglakad.

tumayo na rin si carl at naglakad na. Inayos ko yung pagkakabuhat ko kay dawn at sumunod na.

pagkalabas ko nakasakay na sila sa van at nakahiga, as in higa talaga. Tss mga bata talaga.

"yaya, si dawn oh" inabot ko ng dahan-dahan dahil baka magising. Tumango na lang siya at sumakay na rin.

Pabalik na sana ako ng may nakita akong kwintas.

Wait lang?! kay kath to ah!!.

umalis ba siya?! bakit di man lang siya nag-text o tumawag man lang.

pumunta ako sa valet para tanungin kung nakita nila asawa ko.

"Hey, have you seen my wife?" tanong ko.

lumingon naman siya. Pagkakita niya sa akin mukhang naging uneasy siya. Tsk, pati ba naman mga lalaki naaakit sa kagwapuhan ko. Sorry naman. Haha.

"uh opo, may kasama po siyang lalaki" sagot niya.

Bigla namang kumunot noo ko. Lalaki?! may kasama siyang lalaki?! Putangina!!.

"saan sila nagpunta?!" galit na tanong ko.

"uh-m,...d-di ko po a-alam" nauutal niyang sabi.

Napahampas naman ako sa marble table nila. Yung ibang mga valet crew ay napatingin na sa amin, yung iba nga natakot pa. Pero tangina! wala akong pake. SI KATH?! ASAN SI KATH?! pucha!!.

"sino kasama niya?!" galit na tanong ko.

mabilis naman niyang kinuha yung list nang mga naka-park na kotse.

"s-si Mr. K-Kirschner po" sagot niya ng nakayuko.

Putangina talaga yung lecheng lalaking yun. Mapapatay ko na yun eh.

Kinuha ko yung susi ng kotse ko at binato sa kanya.

"Get my car" sabi ko at tumalikod na.

Pumasok muna ako para kunin yung coat ko.

Bago ako lumabas ay lumapit na muna ako sa kuya ni kath.

"kuya kyle, pwede bang ikaw muna mag-handle dito, may emergency lang akong pupuntahan" paki-usap ko.

tumingin naman siya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay. Masungit pala to.

tumango na lang siya at nakinig sa sinasabi nung M.C sa harapan.

Tumakbo na ako palabas at nakita ko nang nandun na yung kotse ko.

sumakay agad ako at pinaharurot yung kotse ko.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon