20

9.5K 164 0
                                    

sorry guys for the long wait...... :(

__________________

"sir eto na po yung kape niyo" sabi ng sekretarya ni dj na nilalagay yung kape niya sa table niyang design pa ng asawa.

"ahh sige salamat" paos na sabi ni dj.

pagkaalis ni kyle ay sumandal kaagad si dj na pabagsak, isa lang ang iniisip niya ang mga anak at asawa niya.

hindi niya alam kung bakit ba sila umalis......naghire pa siya ng investigator para hanapin sila pero wala......napakatalino talaga nang asawa niya at alam na nito na hahanapin sila.......

"tsk" sambit niya na akala mo'y iyon na ang pinakahuling sasabihin niya

*ring*ring*

sinagot niya kaagad yun at muli si julia b ang tumawag..

"ohh hi dj"  masayang sabi nito

"oh hi" tipid nitong sabi

"are you okay?" concern na sabi ni julia b

"yeah..hey talk to you later...bye" mabilis niya itong binaba dahil wala siyang panahon makipagusap sa kanya....

di niya alam kung bakit ba palagi siyang tinatawagan nito.....

"arggg" tumayo siya at kinuha  niya yung coat at bag niya at lumabas ng office.....

uuwi muna siya....

sa daan maraming tumatawag sa kanya pero hindi niya ito sinasagot...

makikita mo talaga sa mukha niya na lumaki yung eyebags niya, ang payat na niya, mukha siyang walang tulog,ang tamlay na niya....

totoo nga.....totoo ngang walang siya kapag wala sila....

pagkauwi niya tinanong kaagad siya ni manang....

"iho, kumain ka na niluto ko paborito mo" masayanng sabi ni manang 

ngunit isang ngiti lang ang tugon niya dito at umakyat na......

______________

"kath yung kambal nasa taas na tulog" sabi ni julia

"ahh ganon ba sige" malungkot niyang sabi

"naalala mo siya noh" ngunit isang matipid lang na ngiti ang binigay niya dito

"alam mo kahit di mo sabihin sa akin kitang-kita ko na miss mo na siya"

" hindi ka naman sigurado na buntis siya diba...at hindi mo manlang pinaliwanang ni dj tungkol diyan...bakit ka kaagad umalis" sabi ni julia m

" alam mo tawagan mo kaya siya" dagdag pa ni julia m

"ayoko" sabi  ni kath at umiwas ng tingin

"hayy nako bahala ka na diyan.......aakyat muna ako sa kwarto ng kambal"

pagkaakyat ni julia m naiwan si kath na nakatulala.....

____________

"iho bumaba ka na at kumain...kanina ka pa diyan at gabi na rin ohh" sabi ni manang habang kumakatok

"ayoko pa manang" sigaw ni dj mula sa loob

"hayy nako bumaba ka na lang kapag nagutom ka ha"

"opo"

di naman mapipilit ni manang si dj dahil kahit anong gawin niya ay hindi pa rin ito susunod.....

bumaba na si manang at niligpit ang mga pagkain...

(sa kwarto.....)

si dj ay nakahiga sa kama at nakatulala sa kisame...

yung suot niya ay ganun pa rin mula kanina

kasi pagdating sumalapak kaagad ito sa kama at hindi na bumangon

kinuha niya yung phone niya at tinawagan si magui

ngunit ring lang ito nang ring at walang sumasagot......baka nagmall lang sabi ng isip niya...

bumangon na lang siya at pumasok sa banyo para maligo

______________

"kath yung kambal gising"

"ha! akala ko ba sabi mo tulog na?" sabi ni kath na naghuhugas nang pinggan...

"ehh nagising ehh ayaw na matulog ulit" naghugas ng kamay si kath at umakyat sa kwarto ng kambal...

pagdating doon ay nakita niya ang mga ito na masayang naglalaro ng blocks......napangiti siya bigla dahil naaalala niya ang asawa sa mga mukha nila...

pinainom niya ang mga ito ng gatas at hinele buti na lang at nakatulog na ito kaagad......

lumabas na siya at pumasok nang kwarto niya....

naligo muna siya at naglotion kasi ang lagkit nang pakiramdam niya kanina pa....

pagkatapos ay humiga siya sa kama at tumingin sa kisame....

bigla niyang naaalala yung sinabi ni julia m kanina......pano kung tawagan niya ito?

pero maraming nabuong mga katunungan sa kanyang isipan....

pano kung hindi niya ito sagutin?

pano kung wala na itong pakialam sa kanya?

pano kung may mahal na itong iba?

hindi niya alam kung tatawagan niya ba ito o hindi.....pero parang masyadong mabilis yung nangyari....

nadial niya yung number ng asawa at sa di inaasahang pangyayari.....

"Hello" matamlay at paos na boses ang narinig niya.....kay dj...

_______________

For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon