37

8.5K 150 9
                                    

Kath's POV

"kath, eto na yung papers oh" sabi ni kats at nilapag sa table.

"ahh thanks" sabi ko at pumikit, minemake-upan kasi ako.

walang patawad tong si dars eh, wala manlang 1 day break. Tss.

"kath, sure ka bang yan yung reregalo mo, grabe swerte naman ni dj" sabi ni kats na ikinatawa ko naman.

"hahaha, pabayaan mo bibilhan ko rin ikaw niyan" sabi ko at humarap na sa salamin.

napatingin naman sa akin si kats. "talaga? sure ka diyan, di ka nagbibiro ah"

"siyempre joke lang yun, hahaha" sabi ko. Sumimangot naman mukha niya.

"magkano nga bili mo diyan?" tanong niya.

kinuha ko naman yung papers nun at binasa. "uhm..$1.5m" sagot ko at nilapag ulit.

"tsk, ang mahal" sabi niya na lang at nagbasa na lang ng magazine na ako yung cover, hahaha.

malapit na dj~~~ malapit ma anniversary natin...may regalo na ako...

Dj's POV

"Dad, were going to school na" carl said.

tumayo ako at lumapit sa kanila. "okay" paos na sabi ko at umubo ng konti. Tsk ang sakit ng ulo ko.

"here's your allowance" sabi ko at dumukot ng kung ano man makuha ko sa wallet ko.

"1000 pesos dad? this is too much, ugh dad were just a 3rd grader student" damien said.

pabagsak naman ako umupo sa kama. "tig 500 na lang kayo diyan, sige na baka malate pa kayo niyan" nag-shrug na lang sila at lumabas na.

ugh! ang sakit talaga ng ulo ko, di na nga ako papasok sa office eh. Parang ayoko na tumayo pero pinilit ko pa rin at pumasok sa room ni dawn.

nakita ko naman na nakaupo siya at nilalaro yung unan niya. "ohh dawn" napatingin naman siya sa akin at tumatawa tawa.

ngumiti naman ako at lumapit. "come here" binuhat ko siya at umupo sa floor. Hinalikan ko siya sa ulo at pinaupo sa harap ko. "how's your sleep hah!" sabi ko, tumawa-tawa naman siya at gumapang papunta sa akin.

"mamam" she muttered. Ang cute nga eh, ang taba ng cheeks, parang cheeks ni kath.

binuhat ko naman siya at pumasok sa room kung saan nandun yung mga gamit niya.

pinaupo ko naman siya sa baby chair at nagtimpla na ng gatas. Pagkatapos kong gumawa binuhat ko siya at lumabas na sa room.

umupo ako sa mini couch at pinainom sa kanya yung gatas. Habang hinihintay ko siya ay napa-atsing naman ako.

si dawn naman tumawa lang. Tss

nilagay ko na yung gatas sa table at lumabas na kami.

bumaba na ako at sakto si manang naglalagay na ng mga plato.

"manang ako na po diyan" sabi ko at suminghot-singhot pa.

"ay nako iho may sakit ka ata" sabi naman ni manang at hinawakan ako sa noo.

"mataas lagnat mo iho, akin na si dawn" pinaupo naman niya sa baby chair si dawn at lumapit sa akin.

"oh maupo ka at kumain pagkatapos uminom ka ng gamot ha" sabi naman ni manang at pinakain na si dawn.

pagkatapos namin kumain uminom na ako ng gamot at umakyat na. Papaliguan pa ni manang si dawn.

humiga muna ako at nagkumot, grabe ang lamig pero hindi naman nakabukas yung aircon plus yung panahon ngayon na summer. Hindi ko nga alam eh, baka nga talaga may lagnat ako.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon