49

7.9K 123 5
                                    

Dj's POV

"I'm sorry, nasaktan ako ng sobra, ayoko na"

"Wag mo 'kong iwan, please, please"

"Sorry..."

Napayuko na lang ako at pumikit. 'Yoko na.

"Bro, panuorin mo, nakakaiyak oh" sabi ni kats habang niyuyogyog ako. Tss.

"Wag kang magulo naantok ako!"

"Kj mo naman bro eh, ngayon na nga lang tayo nagkita-kita ulit oh" drama ni lester.

Umayos naman ako ng upo. "O sige na, paabot na lang ng alak" sabi ko at inabot naman ni jc.

Iinom na lang ako kesa isipin yung nangyari kanina.

*Flashback*

10:37 na ako nakadating sa bahay, as usual diretso guest room ako. Nagulat ako nang makita si kath nakatayo sa gilid ng pintuan ng kwarto namin.

"Kath.." tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Grabe na-miss ko siya ng sobra.

Kumalas ako at tinignan siya, hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa tingin niya. Parang isa lang akong hangin na hindi nakikita. Alam ko naman kung bakit ganyan siya eh, kasalanan ko rin naman 'to.

"Kath na-miss kita" sabi ko at niyakap ulit siya at hinalikan sa balikat."Sorry na kath, patawarin mo na ako"

"Nakapag-desisyon na ako" cold niyang sabi. Napatingin naman ako sa kanya at bigla naman akong kinabahan. Parang alam ko na.

"Wag mo na lang sabihin" kumalas na ako sa yakap at tinignan ulit siya, parang maiiyak na ako."Sige alis na ako" kahit gustong-gusto kong marinig yung sasabihin niya kahit gustong-gusto kong sabihin na 'ayoko'. Hindi ko magawa kasi simula't sapul ako naman ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Na ako ang may kasalanan. Na ako yung mali. Lagi naman eh.

"Sige goodnight, sweet dreams" at sa huling pagkakataon lumayo na ako sa kanya at tumalikod.

Bago ako bumaba, pumasok muna ako sa kwarto ni damien at hinalikan siya sa ulo, ganon din yung ginawa ko kay carl.

Pagkapasok ko naman sa kwarto ni dawn, nagulat ako kasi gising pa siya at nakaupo lang sa crib niya.

Lumapit ako at binuhat siya, ang laki na ng baby girl namin. "Dawn.."

"Papa" napangiti ako nung niyakap niya ako. Mamimiss ko 'tong si dawn.

"Dawn, papa will go na, goodnight" sabi ko at hinalikan siya sa noo at pinahiga na sa crib niya.

"Nyt nyt" napatingin naman ako sa kanya at ngumiti. "Goodnight"

Lumabas na ako at bumaba na. 11:38 na pala. Dito na lang muna ako sa sofa matutulog..

Wala na yata akong magagawa, lahat na ginawa ko, pag-susuyo, pag-lalambing, at marami pang iba. Pero lahat waepek.

Maybe, maybe this is the end of the line...

Somebody's POV

"It's working!!" Masaya kong sabi

"But darling, you're ruining they're relationship" sabi niya at tumingin sa akin ng malungkot.

"You want me to be happy right?, this is my happiness!" Galit kong sabi.

Napabuntong-hininga na lang siya. Hah!. "So be it" sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

Time flies so fast, and everything's are on my plan. Soon you will be mine and mine alone.
________________________________________________________________________

For updates and some gists of the stories I write. Please follow and share your thoughts with me!

Twitter: @quannetrelleWP

NOTE: This story is under editing.

Married to Mr.Possessive (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon