Secret 38: Cogito, Ergo Sum

196 6 3
                                    

DEAN

"Tris, saan nga ulit 'yung dapat kong puntahan?" tanong ko sa babaeng nakaupo ngayon sa harap ng monitor. Palaro siyang napairap at inayos ang suot niyang coat. Tumayo siya mula sa kaniyang upuan at nilapitan ako. Hinawi niya ang buhok ko sa aking tenga at ngumiti. Tinitigan niya ako direkta sa mga mata ko.

"Ilang araw ka nang andito sa Headquarters, hindi mo parin saulo ang pasikot-sikot rito." mahinahon niyang saad. Napakamot ako sa batok ko at ngumiti nang alanganin. Tumawa nalang siya at napailing-iling.

"From here, you need to walk straight in the corridor and then, when you see a sign that looks like this," saad niya at pinakita ang dalawang naka-uppercase na letra na R&D, "Lumiko ka na. Unang pinto ka pumasok." 

Tumango-tango ako at ninakawan siya ng halik sa labi. Nakita kong lumaki ang mga mata niya dahil sa ginawa ko. Napabungisngis nalang ako at palarong pinisil ang pisngi niya.

"Cute." saad ko at naglakad na papunta sa pinto. Isasara ko palang ang pinto ng office niya nang may marinig ako mula sa kaniya.

"It's not like you to be dumb at directions."

Tinitigan ko saglit ang likod niyang nakaharap sa akin bago tuluyan nang lumabas. Naglakad agad ako sa pasilyo at pinigilan na lumabas sa mukha ko ang pangangamba. Huminga ako nang malalim. Masyado na ba akong nahahalata?

Sinunod ko ang sinabi ni Tris. Dumiretso ako sa pasilyo at lumiko sa may sinasabi niyang R&D na symbol. Nagsuot muna ako ng kulay puting overalls at face shield bago kumatok at pumasok. Sumalubong agad sa akin ang mga laboratory technicians na nasa Research & Development Department. 

Pinagmasdan ko saglit ang paligid. Malaki ang silid at laman nito ang halos nasa isang daang mga computer na may naka-flash na iba't-ibang pinag-aaralan nila. I can recognize some of them such as DNA strand, and anatomy of the brain. May mga kulay pulang usok din na lumulutang sa ere na nagmumula sa mga ginagawa nung technicians. Pinagpatuloy ko lang ang pag-obserba sa paligid hanggang may mapansin ako. Kusang tumayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nasilayan. There are several human sized tubes. with unconscious human subjects inside.

"Are you done?" 

Napalingon ako sa gilid ko nang may boses na nagsalita rito. Sinalubong ako ng isang babaeng medyo may katandaan na at nakatitig nang masama sa akin. Napakurap ako at napangiti nalang. Inabot ko 'yong mga hawak kong papel sa kaniya, "Heto nga po pa--"

Hindi pa nga ako natatapos ay bigla niyang hinugot sa kamay ko ang hawak ko. She clicked her tongue and dismissed me instantly. Sinara niya pa nang medyo malakas ang pinto ang makalabas na ako dahil sa panunulak niya. Napailing-iling nalang ako at dinipose ang PPE. Maglalakad palang ako pabalik sa pasilyo nang bigla akong may marinig akong may bumagsak. Lumingon ako sa aking likuran kung nasaan ang ilan pang mga pinto na nakahilera sa likuan na ito. Binalik ko ang tingin sa papuntang pasilyo at tinitigan muli kung ano ang nasa dulo ng kinaroroonan ko ngayon. Napakagat ako sa ibabang labi at huminga nang malalim. Nag-unat ako habang pasimpleng tinitigan kung may malapit bang CCTVs sa paligid. Makalipas ang ilang segundo ay wala naman akong nakita. Binaba ko na ang mga kamay ko at tumungo sa may pasilyo. 

Kung anuman ang narinig ko, kailangan ko 'yong makita. Subalit, hindi ito ang tamang oras. Tris has eyes all over this place and one wrong move, she'll find me suspicious and will never trust me again. Para  makabalik ako rito, dapat makagawa ako ng paraan na papuntahin ulit ako ni Tris rito, preferably sa dulong pinto.

Pagkapasok ko si Office ni Tris ay wala siya rito. Luminga ako sa buong paligid at baka nagtatago lang siya ngunit wala akong makita ni anino niya. Tinitigan ko ang monitor at nakabukas lang ito, nakabalandra lahat ng impormasyon sa harapan ko. Ilang segundo akong tumitig dito bago umiwas ng tingin at umupo sa may couch. Ipinatong ko ang kanang binti ko sa kaliwang hita ko at tinupi sa aking dibdib ang aking mga braso. Lumingon ako sa sahig at nag-intay. 

Blood of the Last HeirМесто, где живут истории. Откройте их для себя