Secret 10: Race to Death

924 43 13
                                    

CHRISTEUR

 "This must be the reason why they told us last time that we need to bring a certain person today." she added and drove towards the starting line. May mga nakapwesto narin doon at ang sasama ng tingin sa akin ng mga babaeng nakaangkas sa mga lalaki o babaeng riders nila.

May lumapit sa aming babaeng nakasuot ng checkered na kulay black and white na may flag din na ganun ang kulay. Binigyan niya kami ng helmet na may malaking sticker na itim na humaharang sa helmet glass. Kinuha naman agad 'yon ni Felicity at sinuot.

"Hey." pagtawag niya sa atensyon ko habang hinahanda ang sarili sa karera. Nagflash narin sa Screen ang malaking 3.

"Bakit?" tanong ko.

"Kumapit ka sa akin kung ayaw mong mamatay." saad niya. Napalunok naman ako at sinunod nalang ang sinabi niya.

"Hindi mo na ako hahampasin, ha. May consent na ako." pagloloko ko pa. Kahit hindi ko makita ang mukha niya dahil sa harang ng helmet glass, narinig ko ang pag-ismid niya na parang ngingisian ako.

"Talagang 'yan ang inalala mo?" saad niya at biglang naging seryoso ang boses. "You help me navigate and win this race."  

Napakagat ako sa ibabang labi ko. Ibigsabihin, kung pumalpak ang pagsabi ko sa kaniya ng direksyon ay lagot kami.

Napapikit ako nang mariin nang may biglang tumunog na napakalakas kasabay ng pag-usad ng malaking number 3 sa Screen.

"One!"

Nakikisabay narin sa countdown ang mga manunuod.

"Two!"

Humigpit ang pagkakayakap ko kay Felicity. Shit. Bakit ko ba kasi ito pinapasok?

"Three!" hinanda na ng kasama ko ang motor niya at..

"Go!"

"Aaaaah!" hiyaw ko nang bigla siyang umandar. Nagsisimula na!

"Hey don't get distracted. Parehas tayong mamatay nito." usal ni Felicity sa akin.

"Oka--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang may biglang magtangkang saksakin ang gulong namin. Mabilis kong ikinabig si Felicity pakaliwa para makaiwas. Lumakas ang tibok ng puso ko kaysa kanina. Muntik na!

"Great. Ayos 'yan. Ipagpatuloy mo lang." komento ni Felicity na para bang walang nangyari habang ako mamatay na sa kaba!

"Ano 'yun?! 'Yung ikakabig kita sa direksyong kailangan mong daanan?" tanong ko. Tumango naman siya. 

Napabuga ako ng hangin at sineryoso na ang karera. Sa dalawang paraan kami pwedeng mamatay. Una, ang mga pandadaya na ginagawa sa amin ng mga kasamahan naming nangangarera at pangalawa, ang kapalpakan ko sa pag-navigate.

Patuloy lang ang karera at wala humpay rin ako sa pagkabig kay Felicity para maging alalay niya sa pagmamaneho. Ilang beses narin kaming nakakakaiwas tuwing may nagtatangkang atakihin kami habang nangangarera.

Honestly, this race is fun but quite menacing. Sa sobrang seryoso kasi ng buhay ko, parang ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong uri saya sa sistema ko.

Nagising ako sa katotohanan nang bigla akong may matanaw na bangin. I quickly leaned to the right side, causing my colleague to move her handlebars towards the same direction. Eksakto kasi ang palikong daan sa bangin kaya pagnamali ako ng kabig, mamatay kami.

"Your arms are stiff. Ano ba 'yung dinaanan natin?" tanong niya. Ibubuka ko pa lamang ang bibig ko nang may biglang dumanggil sa motor namin. Napasigaw ako bigla nang biglang gumewang-gewang ang motor.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now