Secret 08: The Encounter in the Shadows

988 52 0
                                    

CHRISTEUR

"Christuer?" 

Naalimpungatan ako nang may tumawag sa pangalan ko sabay katok sa pinto. Tiningnan ko agad ang orasan at 9:55pm na. Ugh. Nakatulog pala ako at alanganin pa ang gising ko. 

"Christuer!" 

I hissed and walked towards the door. I slammed it open and Mack's face welcomed me. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa. She's wearing pajamas and it's too big on her. Parang kamukha nga rin ng suot ko ngayon dahil ang kulay halos ay black at grey.

Humikab ako,  "So, bakit ka andito? Makikigulo ka na naman ba?"

Pagkatapos kasi ng diskusyon namin nina Ramil at Mack patungkol doon sa laman ng red folder, napagpasyahan na nalang naming uminom at maglaro ng board games. Hindi na muna kami pumasok kasi nagkatuwaan na. Isa pa, matagal na naman kaming tapos sa pag-aaral dahil homeschooled kami ever since kaya hindi naman ganoon ka-big deal kung liliban kami lalo na't orientation week palang naman.

Bumalik ako sa reyalidad nang makita kong nag-fidget 'yung mga daliri ni Mackenzie, "Ano..."

"Ano?"

"Gusto ko sanang magpasama sa convenience store."

Tumaas ang kilay ko, "Ano namang bibilhin mo ngayong oras ng gabi?"

"Bibili ako ng..." pambibitin niya pa.

"Mackenzie..." tawag ko sa kaniya. 

Napaiwas naman siya ng tingin at biglang namula ang mistisa niyang balat. Nilapat ko agad ang kamay ko sa leeg at noo niya.

"Masama ba pakiramdam mo? Namumula ka." sambit ko at binawi na ang kamay ko. "Wala ka namang lagnat."

 She groaned and glared at me.

"Samahan mo kong bumili ng napkin!"bulalas niya. Napatigil naman ako sa narinig ko. 

"N-napkin...?"pag-uulit ko pa. 

Napayuko naman siya at tumango. Awtomatikong napakamot ako sa batok ko at uminit narin ang mga tenga. Tumikhim ako at inabot ang balikat niya. 

"Okay, magbibihis lang ako." saad ko at kinuhanan siya ng mahabang black T-shirt mula sa cabinet ko, "suotin mo narin 'to para kung maabutan ka sa daan, 'di makikita."

"Thanks! Maasahan ka talaga." tugon niya bago ko isara 'yung pinto. Napailing-iling nalang ako at kumuha narin ng masusuot. 

Lagi mo naman talaga akong maasahan, Mackenzie. Sana nga lang pati puso mo, sa akin narin.

Shut up, brain. 

Hindi ba't matagal mo nang tanggap na wala ka na talagang pag-asa sa kaniya?

Sinuot ko na ang choker ko at inayos ang buhok ko. Nagsuot lang ako ng simpleng pantalon at oversized shirt. Naglagay ako ng cap sa ulo ko at binuksan na ang pinto ng kwarto ko. Nakita ko naman agad si Mackenzie na prenteng nakatayo lang sa tapat at may tinitipa sa phone.

Sumulyap siya sa'kin at nakita niya akong sumenyas. Naintindihan niya naman 'yon at umalis na kami. Nang makarating kami sa elevator ay tutok pa rin siya sa cellphone niya. 

Kumunot ang noo ko, "Ako ang andito pero iba 'yang inaatupag mo." saad ko at inakbayan siya habang sinisilip ang screen ng phone niya.

Tinapik naman niya agad ang braso ko papalayo at pinatungo ang kaniyang dila,  Hindi porket hiningan kita ng tulong ay pwede mo na akong akbayan. Tsansing ka rin, e." reklamo niya. Napaatras ako at nag-aktong nasasaktan habang nakalagay ang kamay sa'king dibdib.

Blood of the Last HeirWhere stories live. Discover now