Life 9

31 2 3
                                    

Chapter 9

Intruder

Hindi na namin natignan nang mabuti nang umagaw sa pansin namin si Joy habang walang awang kinakain ang braso ng isa sa aming kasamahan. May iilang nananakit sakanya pero parang wala ito epekto kaya sa huli parami ng parami ang nakakakagat nya.
May mga bahid na ng dugo ang Cafeteria. Mga sigawan.
Gusto man namin silang tulungan pero masyado ng maliit ang pinagtataguan namin para sa iba pa. Kaya sa huli nagtulong tulong kami sa pagisod ng mga iilang stool para harang sa pintuan.

"Anthania? San naman sya pupunta? Bakit di nya tayo sinama?!"

"Siguro sa main kabilang laboratory unit sa J-1."

Nananatili akong tahimik. Hindi pa ako handang sabihin sakanila kung ano talaga ang sinabi nya saakin. Alam naming wala iyon sa kontrata. Hindi namin nabasa iyon. At alam kong may kinalaman ang gobyerno dito.

"Naiwan ba ni Anthania selpon nya?"

"Wala ata!"

Napatingin kami bigla sa kulay pulang ilaw na kumikislap sa isang sulok ng lugar na ito.

"Alarm na naman!"
Si Tyeo.

Pero nananatiling nakatitig sa ilaw si Aiden. Pinagmamasdan at inaaaral ang kislap. Wala itong tunog na kasama. Ilang lamang.

"Hindi 'yan emergency alarm or fire alarm. Mini alarm. It means may bumukas na lagusan pero hawak ng research's handler."

Hindi na siguro kailangang sabihin. Si Anthania. Siya lang naman ang nakalabas dito sa unit. Sya lang ang nakalabas sa pinto. Sya lang. Tinignan ko ang mga kasama ko mukhang pagod na at inaantok. Kaya sa huli ay natulog kami kanya kanyang pwesto at tiyaga lamang may iilang karton doon kaya ayun ang ginamit namin para mahigaan.

"Pag-aralin mo kapatid mo, ah? Patapusin mo."

Si mama. Mama...

''Ang swerte mo akalain mo iyon may kuya kang magpapaaral sayo, bongga! Pero pag ako... sempre tutulong tulong nalang..."

Naramdaman ko ang pagbasa ng aking pisnge habang tinatanaw ang mama kong nakangiti sa harap ko at halata sa mukhang may sakit sya. Mama...

"Magtapos ka, ha?"

"Sana humaba pa buhay ko..."

"Ipagdasal mo anak na humaba pa ang buhay ko..."

"Hindi nako mag aaral. Ayaw ko. Kung ayan lang naman ang sasabihin mo..."
Napahagulgul nako sa sakit na nararamdaman ang bigat makitang ganyan ang mama ko. Ganyan ang sinasabi ang sakit sakit. Dinudurog ako ng paunti unti.

"Ingatan mo iyang kidney mo! Nasa pamilya pa naman natin ang sakit na 'yan, dyan namatay mama ko!"

Ma...

Nakita ko ang matamis na ngiti ni mama sakin. Kahit mukha na syang may sakit pinipilit nyang maging okay sa harap namin.

"Kinausap ko na kuya mo. Papaaralin ka nya..."

"Hindi pa nga tapos mag aral si Christiana, mama naman! Magpagaling po kayo!"
Bigla kong nakita si kuya na parehong naluluha na din. Pinipilit maging malakas.

"Ma? Mama? Maa?!"

"Christiana? Gising! Hoy, babae?"

Napamulat ako nang mabilis habang pinagpapawisan ng malamig. Panaginip.

Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jul 31, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

𝕿𝖍𝖊 𝖀𝖓𝖉𝖊𝖗𝖌𝖗𝖔𝖚𝖓𝖉 𝕷𝖆𝖇𝖔𝖗𝖆𝖙𝖔𝖗𝖞Onde histórias criam vida. Descubra agora