Life 2

68 45 5
                                    

Chapter 2

Tulala ako habang pinagsasabihan ng dalawa kong kaibigan.

"Iniisip mo ba ang pwedeng gawin ng kuya mo pag nalaman nya ito?"

"OMG! Pwede ka namang umatras may dalawang oras pa bago makarating dito 'yong sasakyan-"

"Nagawa ko na, desidido na ako." Hind ko na pinatapos ang sasabihin sana ni Khella. Nakatayo ang dalawa sa harap ko at ako naman ay nakaupo sa isang upuan dito sa Airport habang parehong nakahalukipkip ang dalawa sa harap ko.

"Oh, come on concern lang kami para sayo. Kung ayaw ng kuya mo, ayaw din namin na sumama ka."

"Saka pineke mo 'yong pirma hindi ko inakalang aabot ka sa ganto."

Malakas na buntong hininga ang pinakita ko sakanila bago iabot ang kontratang pirmado na. Oo, inaamin ko hindi maganda ang ginawa ko pero hindi nyo naman ako masisisi kung gusto nga diba may paraan. Tumayo na ako sa upuan at hinayaan ang dalawang tumingin sakin ng matalim.

"Andyan na iyong Eroplano, aalis na tayo. Doon nyo nalang ako sermonan." Ani ko habang hila hila na ang aking maleta.

Desidido akong ito ang aking gagawin dahil pangarap ko ito kung hindi ito maibibigay ng kuya ko edi ako ang gagawa ng paraan. I don't need his support in this situation even his my brother. May pangarap din ako na kailangang punan.

"Ewan ko sayo, Chris. Basta ang alam ko pagsisisihan mo ito."

Tahimik kaming tatlo habang hinihintay ang announcement para sa sasakyan naming Eroplano nang biglang nagsalita si Thanniese.

"Hala, naiwan na tayo kanina pa silang 10 umalis ng bansa!" Natatarantang sabi ni Thanniese habang ang dalawang kamay ay nasa parehong pisngi niya.

"Ha?! Pano nangyari iyon eh diba 1 PM ang usapan? Maling impormasyon ba ang nakuha mo Khella?" Taranta kong sabi sa aking kaibigan na natataranta na din ngayon.

"Hindi ko alam ayun naman ang sabi sakin ni Lucas, hindi ko alam bat nagkaganito." Pagrarason ni Khella.

"At sinong Lucas iyan?" Panunuring tanong naman ni Thanniese habang nakahalukipkip sa harap ni Khella.

"Oh come on don't act like you don't know me, of course it's my new toy. Mabobored ako don-"

"Stop it, Khella. You brought us three in big mess." Umirap pa ako sa ere. Basta lalaki talaga ang usapan mabilis itong gagang 'to. Wala na talaga. Sayang iyong paghihirap ko para magaya ang pirma ng kuya ko hindi nila alam inabot ako ng buong gabi kakagawa ng paraan para magmukhang totoo iyon.

Walang gana akong umupo sa isang silya dito at pagod na tinignan ang dalawa,

"I'm sorry..." Nakayuko ng sabi ni Khella habang nilalaro ang mga daliri tanging irap na lamang ang ginanti sakanya ni Thanniese. Pareho kaming tatlo na may suot na baseball black cap dahil iyon ang nakalagay sa contract. Hindi naman namin kinuwestyun iyon dahil naiintindihan naman naming kailangan naming itago ang dapat itago sa trabahong papasokin namin. It's not illegal nor legal. I don't know!

Umupo na din ang dalawa sa tabi ko ilang minuto ang dumaan at binalot kami ng katahimikan tanging mga taong dumadaan at ang mga flight atendants lamang ang umiingay sa parte kung saan kaming tatlo nagmumokmok.

Nang biglang may isang cellphone ang tumunog ang una akala ko ay kay Khella pero taas lamang ng balikat ang natamo ko pero bago pa kami nakalingon kay Thanniese ay may kausap na ito sa Cellphone.

𝕿𝖍𝖊 𝖀𝖓𝖉𝖊𝖗𝖌𝖗𝖔𝖚𝖓𝖉 𝕷𝖆𝖇𝖔𝖗𝖆𝖙𝖔𝖗𝖞Where stories live. Discover now