Life 8

29 4 0
                                    

Chapter 8

The Apocalypse: Zombiac Outbreak.

Hindi ko alam kung paano ako kumain at natapos kahit nakatitig ang dalawang madilim at misteryosong mga mata nya na may kunting bahid ng blue. Sky blue.

"Magsstay muna tayo?"
Paninigurado kong tanong sakanila. Tanghali habang kumakain kami sa hapag kainan. Matagal ang kanilang sumagot pero naging mabilis nong lahat sila ay umiling.
"Hindi kami, may misyon pa kami sa pinas."
Walang emosyong sabi ni Malicious. Nilingon ko naman si Thanniese baka sakaling sya na ang magdesisyon para saming tatlo ngunit tinaasan lamang ako ng kilay. Oo nga pala, ako ang hindi nagpaalam samin. Idiot!
"Kami din... mas mabuting umuwi nalang din."
Naramdaman ko ang malamig na titig sakin ni captain kahit nasa kanang bahagi ko sya. Damn, thag look!

"Then, let's pack. Mamayang 9 ang alis natin."

Katulad ng inaasahan mabilis ang pag aayos at ang pagpapaalam sa mga tumanggap samin. "Maraming salamat talaga manang, saka sa boss nyo pakisabi uli, manang."
Ngumiti ito saakin at hinagayway ang kamay na para bang maliit na bagay lamang ang iyon.

"Walang problema. Uuwi na din sila mamaya, sayang di nyo maabotan."
Hindi na ko umimik ngunit ay binigyan ko na lamang siya ng isang matamis na ngiti.
"O, sya dito na kami manang salamat uli!" Huling paalam ni Khella bago kami umakyat sa Millitary Vehicle. Ilang paalam pa ang nangyari bago kami tuluyang umusad. Katulad ng inaasahan sa harap si Captain at si Clerce ngayon ang nagdadrive.

Hindi na namain inasahan ang itim na van na sumundo samin na ginamit nina Rike dahil sinabi nilang sa permafrost raw iyon at inakala nilang hindi namin magugustuhan ang Military Vehicle kaya napilitan silang humiram. Napangiwi ako non nang dahil sa sinabi nya. Mukha ba kaming mga milyonarya? Gosh!

"Goodbye, Ms. Pottery, Ms. Rovert. Ms. Weildmer. Thanks for helping us. We are honored."
Buong ngiti na sabi samin ni Clerce at Jasper. Mukhang pinaghandaan, ha?
Nandito na kami ngayon sa airport, kanya kanyang hinihintay ang mga flight. Hindi katulad nakaraan, hindi kami late ngayon. No private planes. Pero babalik kami ng Underground para sa formal na report. Pero sila ang battalion ay hindi na, diretso na ng Pilipinas.

"Thank you. How sweet of you too."

Samu't-saring paalam pa ang nangyari pero sempre maliban sa captain nilang masuyong nakatayo sa gilid at seryoso ang mukha. May mga ibang babae pa ang napapalingon at nagtatangkang kunin ang number nya pero sempre agad ko ng binabalaan.

"Hey, siz. Filipina ka diba? Naku, ayan? Wag mo ng tangkain, masungit pa 'yan sa may regla."
Tumawa sina Thanniese. Mas malakas sa tawa nila kanina keysa ngayon. Nakita kong nakataas ang isang kilay ni captain at mukhang naiirita na.

"Tigil tigilan mo nga ako."
Ani nito. Pero sempre di ako titigil maliban sa anim na nagtanong may mga foreigners pa ang iba sure din akong may hahabol pa.
Kaya ayun ang pinagtuonan ko ng pansin bago kami tuluyang mamaalam sa isa't-isa.

"Sana makita pa namin kayo. Ang gaganda nyo kasi."
Malanding sabi ni Blake.
Napairap ako sa kalandian nya.

"Lalong lalo na si Ms. Pottery. Pang-universe ang ganda."
Napairap lalo ako sa sobrang puri na naman ni Blake habang nakangisi sa harap ko. Kumindat pa ang loko kaya agad akong pinagmulahan ng mukha.

"Mag-CR na agad kayo, para mamaya hindi na kayo tumayo pa. Baka mahilo kayo."
Baritonong boses ng captain nila na mula sa kung saan. Sa sulok pala dito sa isang bench na aming inuupuan sya ay ang sa pinakadulo. How old-fashioned. Hindi ba uso sakanya ang salitang 'gathering'?
Pero sadyang totoo nga ang sinabi nya kaya agad na akong tumayo at nagpaalam para pumuntang cr.
Hindi naman ganun kalayuan.
Medyo mahaba ang pila kaya naman hindi ko alam kung masuwerte ba ako o hindi dahil ako ang pinakadulo. Pero sa huli masuwerte na rin 'yon na wala ng susunod sakin.
Inabot lamang ako ng kalahati ng kalahating oras baka tagumpay na makapasok sa isang cubicle.
Hindi naman talaga ako naiihi, pero pinilit ko.
Nang matapos ay agad lumabas at naghugas ng kamay.
Ako nalang nag iisa dito kaya binonggahan ko na ang pag aayos sa sarili. Retouched my make up and also renewed my hair's ponytail.
Nang matapos na ay agad kong binitbit ang Zara bag ko at lumayas na ng cr.

𝕿𝖍𝖊 𝖀𝖓𝖉𝖊𝖗𝖌𝖗𝖔𝖚𝖓𝖉 𝕷𝖆𝖇𝖔𝖗𝖆𝖙𝖔𝖗𝖞Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin