PROLOGUE

2 0 0
                                    

Sa mundong ating ginagalawan hindi pa talaga natin alam ang kasulok-sulokan may mga bagay paring mahirap maintindihan at puno parin ng katanongan.
Mahirap man isipin at sadyang napaka-imposible pero dahil sa ating kasakiman lahat ng mapahamak na bagay ay maaring matuklasan.

"Christiana! Kanina pa kita hinahanap saan ka ba nagsususuot na babae ka ha?"
Hinihingal pa ang kaibigan ko galing sa katatakbo. Hindi ko naman sinabi sakanyang hanapin nya ako. Sya pa ang mismo ang nagsabi na huwag muna kami magkikita ngayong araw kasi may lakad sya.

"Saan na naman ba ang lakad mo?"
Tanong ko habang naglalakad na kaming dalawa papuntang classroom. Maganda ang panahon ngayong araw tama lang ang lamig pero dahil nasa Pilipinas tayo, sobra sa init.

"Review sa library mamaya. Eh, ikaw?"
Pabulong pang sagot nya.

"Base sa mga gagawin mo ngayong araw Thenniese, binasted ka na naman 'no?"
'Di ko alam sa babaeng 'to ang malas-malas pagdating sa lalaki buti nalang ako malas lang. Isang word lang. Agad naman nya akong sinimangutan habang papasok ng classroom at asar na naunang umupo. Ngumisi na lamang ako at napailing.










"Can anyone tell me the other name of this deadly virus?"
Tanong ng proof namin sa pangatlong klase namin ngayong umaga. At sa awa ng sinuman, wala man lang sumagot sa tanong niya. Palagi na lamang tungkol sa mga bagay na imposibleng mangyari ang tinuturo nya. Napahilot ako ng noo para mawala ang antok na nararamdaman ng biglang nabali ang leeg ni Thenniese para may i-chika na naman saakin.

"Ang pogi ni Proof. Cenio 'no? Ang macho pa pangarap ko talaga ang maasawa sya pero kung 'di pagbibigyan kahit kabit nalang."
Tumili pa sya pagkatapos sabihin iyon at namalo pa ng balikat. Aminado naman akong pogi 'yong proof namin sadyang boring lang talaga 'yong mga sinasabi nya.

"Hoy, akin 'yan huwag mong matitigan ng ganyan!" Hindi pa sya nakuntento tinakpan pa ang mga mata kong nakatingin lang naman kay Sir agad kong tinapik iyon at tiningnan sya ng masama. Sa hindi inaakalang panahon, nakita iyon ni Sir. Agad kumunot ang kanyang makinis na noo at tinuro ako.

"Ms. Del Luna, well, may maisasagot ka ba saaking katanongan?"
Lalo siyang pumupogi, aminado ako. Pero wala ako sa tamang oras para  purihin siya. Sa totoo lang hindi ko alam ang sagot, dapat pala nakinig nalang ako keysa nakipagchismisan sa katabi ko.

"Tumayo ka, Ms. Christiana."

Tumayo akong alanganin at napalunok. Lahat ng kaklase ko ay nakatingin na saakin. Napalingon ako kay Thenniese para humingi ng tulong kaso ang nilalang bago palang bumubukas ng mga notes at sa tingin ko pa wala syang naisulat na sagot don sa katanungan ni sir. Matagal ko lang tinitigan si sir. Wala naman akong maisagot, tititigan ko nalang sya.

"Magtititigan nalang ba tayo hanggang sa maalala muna ang sagot, Ms. Del Luna?"

Kung pwede sir, bakit hindi. Syempre biro lang mayayari ako nito kapag binagsak ako ni sir. Napalingon muli ako kay Thenniese halos maubos ang hangin sa kaloob-looban ko ng makita kong ready na syang sumabak sa gyera. Nakapwesto na ang kanyang ulo sa may notebook na hindi ko alam kung saan nya nakuha. Nagsimula na syang mag lipsycn. 

"Pitho? Vitus? Ano?"
Pabulong kong tanong sakanya ng medyo malabo ang pag-lipsync niya.

"Del luna! Grendell!"
Malakas na sigaw saamin ni sir na rason kung bakit kami napaigtad sa takot. Sabay kaming napayuko at pinagpawisan.

"Go to the Detention room!" 





"Ikaw kasi, eh. Ang bobo mo umintindi ang dali-dali lang ng sagot."

"Eh, mas bobo ka pala eh. Madali lang kasi ikaw hawak mo 'yong sagot."
Nakasimangot kung sagot sakanya. Naglalakad na kami papuntang DR ang ganda nga ng panahon ngayon ang pangit naman ng araw. May lakad kasi ako mamaya pagkatapos ng school time pero dahil sa detention at expanded pa ang oras dahil hindi daw basta lamang ang ginawa namin. Aabotin ata kami ng gabi dahil sa kaibigan kong magaling mag lipsycn.

𝕿𝖍𝖊 𝖀𝖓𝖉𝖊𝖗𝖌𝖗𝖔𝖚𝖓𝖉 𝕷𝖆𝖇𝖔𝖗𝖆𝖙𝖔𝖗𝖞Where stories live. Discover now