27

9 0 0
                                    


JETT

"Wow, you're here after a very long absence. Hindi ka na ba dumadalaw sa library ngayon? Bumalik ka na ba sa katinuan mo at na realize mong kagaguhan ang mga ginagawa mo?" asar sa akin ni Charley.

"Shut up." walang gana kong saway sa kanya. Kanina niya pa ako inaasar pag dating ko dito sa tambayan namin. Dito kasi ako dumiretso pagkatapos kong makausap si Cali.

Binagsak ko sa sahig yung bag ko.

"Nabasted ka siguro no?" pangungulit pa rin nito. Mas lalo pang nangunot yung noo niya nang wala siyang nakuhang sagot galing sakin.

"Seriously, I dunno what you see in her. She's so.... weird."

"No, she's not. She's awesome." pagkontra ko sa kanya. Para sakin, ako lang may karapatan na tawagin siya sa ganoong adjective simply because I meant it as an endearment. Hindi kagaya ng kay Charlet na parang nilalait si Cali.

Charley merely rolled his eyes. "Yeah, right. Wala ka na talaga sa katinuan."

Hindi ko na lamang siya pinansin. Walang kwenta kung ipapaliwanag ko sa batong katulad niya yung nararamdaman ko.

"Come to think of it, everything you did for that Cali Brielle Silva was madness, dude. Pumayag kang magpa-interview kahit na ayaw mong nagugulo ang privacy mo. Bakit? Kasi hiniling niya. Practical kang tao pero nag-apply kang student assistant kahit mababa ang bayad. Why? For that girl. Nahilig kang magbasa ng mga libro, mula classics hanggang tagalog romance, pinatos mo. Why? Kasi hilig niya yon. At ang pinakamatindi sa lahat, ipinangalandakan mo sa madla kung gaano ka espesyal sayo ang babaeng yon, gamit ang pinaka corny na lines na narinig ko sa tanang buhay ko para lang sa babaeng yon." mahabang sabi ni Charley at tumingin sa akin na parang ako na yung pinaka baliw na taong nakita niya.

"Wow, mas pathetic pala ang mga ginawa mo kapag sinabi ko nang malakas. Geez! Why am I still friends with you?"

Mabuti na lang at hindi niya pa alam yung iba ko pang ginawa kundi baka nabatukan na niya talaga ako at tuluyang itakwil bilang kaibigan.

"Ang pinaka pathetic sa lahat, despite all of those crazy things that he did for her, basted pa din siya." sabat ni Aiden na hindi ko namalayang nandito na pala.

Technically, hindi naman talaga ako binasted ni Cali. Dahil hindi ko pa naman pormal na pinagtapat yung nararamdaman ko para sa kanya. Nagbabalak pa lang sana ako. I was planning to ask her out, and then properly ask permission to court her. But the thing is, bigla naman niya akong iniwasan and then she told me to stay away from her.

Pakiramdam ko sinampal ako ng mag-asawang sampal kung kelan pakiramdam ko malaki na yung pag-asa ko sa kanya na kahit papaano ay may gusto na siya sakin. But I turned out to be wrong. And it was so hard to grasp that painful truth.

Kahit gusto kong magwala nang marinig ko yung sinabi ni Cali. Gusto kong isigaw na hindi pwede ang gusto niya, na hindi ako papayag. Na kung anuman yung problemang sinasabi niya, tutulungan ko na lang siya basta wag lang niyang hilingin na lumayo ako sa kanya.

But when I saw the pleading in her eyes, hindi ko yon nagawa. I realized that I loved her so much that I was willing to grant her request if it would make her happy. Never mind that it hurt like hell. Isa talaga akong malaking hangal.

Maya maya ay may narinig akong tumunog na cellphone. Napatingin ako sa direksyon ni Randall. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong ngiting ngiti ang loko habang nakatingin sa phone niya. Tumayo pa siya at lumayo sa amin bago sinagot yung tawag.

"Oh, hi Gonzalez! What's up? Missed me already? I told you, you can't resist my charms." bungad niya sa kausap. Maya maya ay nagpaalam siya na may pupuntahan daw saka nagmamadaling nagtatakbo palayo.

Napailing na lang ako. May bago na naman pala itong conquest. Kung kagaya ko lang siguro si Aiden at Charley na hindi nagtatagal ang atensiyon sa iisang babae, hindi siguro ako ganoon ka problemado. But no, I wasn't like them. My attention and affection was solely dedicated to one girl.

As if fate was mocking me. I saw Shawn approaching them. Abot tainga yung ngiti ng hudyo palibhasa, okay na sila ni Lexi, yung girlfriend niya. Actually, Shawn is the epitome of happiness, kabaligtaran ng kalagayan ko.

"Jett, you okay? You look shitty. Parang tumanda ka ng 10 years."

"Basted kasi" sagot ni Charley

Shawn looked at me incredulously. "No shit, basted ka talaga?"

Tinignan ko siya ng masama. "Sige Shawn, i broadcast mo pa sa buong school."

"Kasi naman, kung sa ibang babae ka na lang ba nagkagusto, eh di wala ka masyadong problema." singit ni Charley

Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi naman ako interesado sa mga babaeng sinasabi niya.

"Isn't early to give up? Isang beses ka pa lang naman nabigo eh." tanong ni Shawn.

"Ilang beses ba ako dapat mabigo para maging legal ang pagsuko ko?" wala sa sariling tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko, bakit ako ang tinatanong mo? Basta ang alam ko lang, walang limit sa kung ilang beses kang puwedeng mag attempt na magtapat at magparamdam ng pagmamahal. Isipin mo nga, kung sumuko ba ako agad noong mga panahong tinataboy ako ni Lexi, magiging girlfriend ko ba siya ngayon? Hindi diba?"

I had to admit, may sense yung sinabi ni Shawn. Kung ico compare ako sa effort niya kay Lexi, walang wala talaga ako.

"So, what should I do?"

"Ano pa? Go to her and told her how much you love her. Court her. Kapag tinaboy ka, bumalik ka ulit hanggang sa makulitan nang husto sayo. I'll help you out if you want. Based na rin sa mga kwento mo, hopeless romantic si Cali. Sigurado ako, papatok sa kanya ang mga gimik na maiisip ko." confident na sabi ni Shawn.

"Seriously, Shawn. Malala na talaga ang ginawa ng love sayo. Nakakadiri na talaga ang ka cheesy-han mo." umiiling na sabi ni Charley.

"I'll leave you morons alone. Baka mahawaan pa ako sa kaengotan niyo." once again, Charley gave us another look of disgust, then turned his back on us.

"Ma i inlove ka rin, Charley! Kapag nangyari yon, pustahan pa tayo. Mas malala ka pa kaysa sa amin ni Jett." sigaw ni Shawn.

"That would be the day!" Charley shouted back in horror.

•••••

:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Letters for CaliWhere stories live. Discover now