16

6 3 0
                                    

CALI

"ALWAYS" nagkatinginan kami ni Jett tsaka tumawa. Hahaha

"So, na touch ka rin ba sa wagas na pagmamahal ni Snape?" tanong ko kay Jett

Jett's face becomes sour. "And na amaze din ako sa pagiging stupid ni Lily. I mean, what does James Potter have anyway? He's a Jerk."

I laughed. "Crazy, of course kung si Snape yung pinili niya, eh di sana walang Harry Potter."

"I just hate the fact that no matter how pure his love for Lily, it remained unrequited."

"That's life. Hindi lahat ng pagmamahal, kayang masuklian."

Sumimangot si Jett. Obvious na hindi niya nagustuhan yung sinabi ko. Natawa na lang ako. Kanina pa kasi namin pinag-uusapan yung isa sa mga favorite kong book. Yung Harry Potter by J.K Rowling. Kaya kanina pa ko natatawa sa kanya kasi di ko talaga ine expect yung mga naging reaction niya.

"You really surprised me. I didn't expect that you loved reading. Akala ko talaga, puro computer lang ang alam mong hawakan."

Dati natutuwa na ako pag nagku kwentuhan lang kami ni Jett. Pero mas natutuwa na ko ngayon kasi nalaman kong mahilig din pala siya sa books. Last time nga, nung pagkatapos namin bayaran yung binili naming books from NBS niyaya niya kong mag starbs. He said it would be nice to discuss the books we just bought over coffee. Of course, I wholeheartedly accepted the invitation. Inabot na nga kami ng gabi kaka kwento.


Since then, wala na kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan ng magkwentuhan about sa books na nabasa namin. Ang pinaka nakakatuwa pa, halos lahat ng books na nabasa ko, nabasa niya na rin. And I was definitely having a good time. Feeling ko nakita ko na yung soulmate ko kay Jett.


"Well, actually, gaming talaga ang hobby ko. Lately lang din ako nagkaroon ng interest to read books."

What he just said piqued my interest. "Buti nagustuhan mong magbasa?"

Ngumiti siya na parang may naalala.

"Na curious kasi ako sa isang tao."

"Nagka interest ka magbasa dahil sa curiosity mo sa isang tao? Wow, and here I thought weird ako. Mas weird ka pa pala kaysa sakin."

He just laughed. "Yeah, actually, yan din ang tingin ko. Inaasar na nga ako ng mga kaibigan ko. They find it odd seeing me holding a book instead of my beloved laptop."

Hindi ko maiwasang ma curious. The way he smile, I think that person is someone with great significance. And for him to start liking books because of that someone, that was really something.

"And who's that person? Ipakilala mo naman ako kasi gusto kong magpasalamat."

Nawala yung ngiti niya. Parang namutla pa nga. "Ah, hindi pwede eh."

"Bakit?" sinimangutan ko siya.

"Basta"

"Siguro babae yan no?" hula ko.

The furious blush on his face was enough proof na tama ako.

"Uuuy, you're blushing. Siguro you like her kaya nag papa impress ka. And kaya mo napag-trip-an na magbasa." kahit nakangiti ko yung sinabi parang may hindi ako mapaliwanag na naramdaman. Yung thought na, Jett likes someone else. It just pissed me off.

"I wasn't trying to impress her. The truth is, hindi niya alam na nagbabasa ako dahil sa kanya." pag de defend ni Jett.

Parang lalo yatang sumama yung pakiramdam ko. Para na rin kasi niyang inamin na may gusto nga siya dun. I groaned inwardly. Nagseselos yata ako.

"For you to start reading just because of her, she must be really special."

Biglang sumeryoso yung mukha niya tsaka ako tinignan sa mata. "Yes, she is special. Very special." seryosong sabi niya.


Ngayon ko lang napansin na sobrang intense ng mata niya. It was like his eyes were trying to tell me something. Hindi ko na matagalan kaya ako na yung umiwas.


Natahimik na lang ako. That girl is so lucky. Ngayon pa lang, naiinggit na ko. Selfish as it may sound, pero sana ako na lang yung girl na yun.


"So, girlfriend mo na ba siya?" nakaiwas pa rin ako nang tinanong siya.

"Nope." simpleng sagot niya.This time, napatingin na ko sa kanya.

"But she will be in the near future." He added. Hindi naman siya sa nagyayabang. Sounds like, parang pinapangako nya yun sa sarili niya.

That girl is indeed lucky! I wish I was her.

I groaned inwardly when I realize the absurdity of my thoughts. Kinuha ko na lang yung voice recorder ko.

"Apparently, Jett Elordi likes reading books. And that's because of a girl. He is single at the moment, but not available. Kung sa relationship status sa Facebook, it's complicated. Torpe kasi."

Nalukot yung mukha ni Jett but I didn't give him a chance to react.

"Kung saan siya dadalhin ng katorpehan niya, that's the big question."

Nang tignan ko siya, nakasimangot at namumula yung mukha nito. Kinontra niya lang yung sinabi ko pero di ko na yun pinansin. Lumilipad kasi yung isip ko. Nakatingin lang ako kay Jett pero yung iniisip ko na sana huwag na lang siyang magkaro'n ng courage para ligawan yung nameless na babaeng yun. Or kung magkaro'n man, sana hindi na lang siya sagutin. But in other thought, parang napaka imposible naman, kasi ako, I admit, parang wala namang babae ang hindi mahuhulog kay Jett.

cause I, Cali Brielle Silva, kilala bilang nag i ilusyon sa isang perfect guy na sa books lang nag e exist, ay unti-unti nang nahuhulog kay Jett Elordi.

•••••

:)

Letters for CaliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon