10

6 2 0
                                    

CALI

Gusto kong tumawa sa gulat na mukha ni Jett habang pinapasadahan niya ng tingin ang floor to ceiling na bookshelf sa isang part ng Periodical section ng CAS library. Lumapit ako sa kanya at binunggo ng mahina yung balikat niya.

"Ano? Suko na? Mag ku quit ka na ba? Ikakabit ko na ba ang word na 'quitter' sa name mo?" asar ko sa kanya sabay hawak sa mini voice recorder ko na nakasabit lang sa ID lace ko.

Naisip ko kasi i record yung mga bagay na ma di discover ko about Jett tuwing kasama ko siya. At dahil dinaig niya pa yung mushroom na bigla bigla na sumusulpot, naisip kong ilagay na lang sa ID lace ko yung voice recorder para always ready.

Pagkatapos niyang mag inquire, pinaasikaso na sa kanya yung application requirements. At dahil resumé at photocopy lang ng registration form ang kailangan, nagsimula na din siya ngayong araw. And his first task is, tulungan akong palitan yung labels ng pinaglalagyan ng library subscriptions.

Tumingin ito sa akin. "Ha-ha! You wish.
I'm everything but a quitter." mayabang na sabi niya at binalik ang tingin sa bookshelf tapos nakangiwing tumingin ulit sa akin.

"Pero, hindi nga, seryoso ba talaga si Ma'am Jelly sa ipinapagawa niya?" natawa na lang ako sa sinabi niya.

"Seryoso talaga siya. Every year niyang ipinapagawa yan."

hindi siya sumagot sa sinabi ko.

"Mag-quit ka na kasi." asar ko pa sa kanya.

"Ikaw na lang ang student assistant dito, di ba?"

"Yeah, so?"

"So, if I quit, maiwan sa yo ang lahat ng trabaho. Mag-isa mong gagawin ang lahat ng ito." tinuro niya pa yung napakaraming file systems na kailangan palitan ng labels.

Ngumiti pa siya sakin. "That's why I don't want to quit. I don't want you to get tired. I want to do everything I can to help you, maliit man iyon o malaki."

Maybe it was because of his sweet smile. Or
maybe it was the gentle way he uttered those simple words. O baka dahil simpleng malandi lang ako at binigyan ko ng kulay ang sinabi niya. Basta ang alam ko, napangiti ako sa sinabi niya.

"So, shall we start?" tanong niya sa akin.

Tumango ako at sinabi ko kung ano ang mga
dapat gawin. Mayamaya ay magkatulong na kaming tinatanggal sa shelf ang file systems.

Pa minsan minsan nag-ku kwentuhan kami. Masaya siyang kausap. Unlike noong una naming kita, may tinatago pa siyang kadaldalan at may humor naman pala. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses akong natawa sa kanya. Hindi na nga namin napansin yung oras kung hindi pa kami tinawag ni ma'am Jelly, hindi pa namin mapapansin na magsasarado na yung library.

"I thought you're kidding, nung sinabi mong mahirap ang trabaho sa library. Sumakit yung braso ko sa pagtaas baba ng file system dun ah!" sabi ni Jett habang magkasabay kaming naglalakad papunta na SIWD. Nag prisinta kasi siyang ihatid ako sa dorm dahil madilim na daw.

"I told you, wag na. Ang kulit mo kasi. Yan tuloy ang napala mo."

"I admire you, you know. Habang yung iba sumuko sa hirap ng trabaho sa library, nagpapatuloy ka pa rin. Kahit na mag-isa ka na lang na natira, hindi ka pa rin umaalis. You're very dedicated to your work. I really admire that about you."

I blushed. I hadn't expected him to say that. Ang inaasahan ko kasing sasabihin niya ay hindi sulit ang pagtatrabaho sa library dahil bukod sa mahirap, mababa lang naman talaga ang bayad. Ganoon kasi ang madalas kong naririnig mula sa mga kakilala ko. Masarap pala sa pakiramdam kapag may nakaka-appreciate sa ginagawa ko.

"Here we are," biglang sabi niya kaya bigla akong napabalik sa huwisyo ko. Nasa harap na pala kami ng dorm.

Humarap ako sa kanya tsaka ngumiti. "Thank you sa paghahatid."

"No problem, Brielle."

Nalukot yung mukha ko. Ilang beses ko na kasi sinabi sa kanya ngayong araw na Cali na lang yung itawanag niya sakin, pero Brielle pa din.

"Goodnight." pagkasabi niya nun ay umalis na din siya.

Sinundan ko na lang ng tingin ang papalayong Jett.

I hope, hindi matulad si Jett sa ibang student assistant. Sana magtagal siya. Gusto ko kasi siyang makasama. And I was actually looking forward to spending more time with him.

•••••

Letters for CaliWhere stories live. Discover now